Lory Pov!Nanatili lang akong nakatayo sa may pinto pagkakita ko sa kanila. Nakatalikod sila sakin at si Mom at dad naman ang nakaharap sa may direksyon ko pero halata sa mga mukha nila na malalim at seryoso ang pinag.uusapan nila at mukhang hindi nila ako napansin na dumating na ako.
Gusto ko sanang tumalikod at umalis na muna sa bahay para makatakas sa kanila pero hanggang kailan ko sila pwedeng iwasan?
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na ito kung lalapitan ko ba sila para kumustahin o kung babatiin ko ba sila.
Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman kung matutuwa ba ako dahil kahit wala na kami ng anak nila nakuha pa nila akong bisitahin o malulungkot ba ako dahil hindi ko alam kung nandito sila dahil kakampi sila sakin o sisisihin nila ako dahil kahit noong tumawag sila sakin ay kakampi ko sila hindi malabong mangyari na sa anak pa rin nila sila kakampi. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon pero kung ano man ang mga sagot sa mga katanungan ko ay hindi mababago ang sitwasyon na kailangan ko ng harapin ang magulang ni Mike.
Napatingin si Dad sa direksyon ko at isa.isa na ring lumingon sila sa kinatatayuan ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nila. Dapat kanina pa ako nagpakalayo.layo muna dito habang may oras pa dahil ngayon hindi ko na yun magagawa pa.
Tumayo silang apat at pakiramdam ko may nag.uunahan na mga kabayo sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko na nanggigilid na ang mga luha ko pero hindi ako dapat umiyak sa harap nila dahil sapat na ang mga luhang pumatak sa mga mata ko noon.
"Lory." unang lumapit sakin ang mommy niya at niyakap ako. Kailangan kong patatagin ang loob ko kung ayokong magmukhang kawawa sa harap ng magulang ko at lalong.lalo na sa harap ng magulang niya. "How are you?" kumalas muna ako bago ako sumagot.
"Ayos lang po ako. Huwag niyo akong alalahanin." kalmado kong sabi.
"Lory can we talk with you?" tanong naman ng dad niya. Napatingin ako sa magulang ko na magkatabi lang at tumango si dad. Kung pumayag sila sige kakausapin ko na sila dahil may dahilan ang magulang ko kung bakit sila pumayag at kung ano man yun sigurado ako na makakabuti yun.
"Sige po."
"Let's go."
Napalingon ako sa parents ko. Hindi kami dito mag.uusap? Kaya ko bang makipag.usap na wala ang parents ko sa tabi ko. Alam ko na para akong bata sa iniisip ko pero sino ba naman ang hindi maiilang na makausap ang magulang ng lalaking nanloko sayo?
"Go ahead Lory." utos sakin ni dad. Masyado bang halata na hindi ako komportable na nandito sila kahit palagi ko naman silang nakakausap noon?
"Okay po." nauna na ako sa labas dahil magpapaalam pa sila sa mga magulang ko kaya sa labas ko na lang sila hihintayin. Para akong bata na sumusunod lang sa kanila. Pinagbuksan kami ng dad ni Mike ng pinto at katabi ko ngayon ang mommy niya sa passenger seat.
"Thank you sa pagpayag na makipag.usap samin." sinsero niyang sabi kaya parang nahabag ako. Bakit parang pakiramdam ko parang ibang tao ang kausap ko ngayon?
"Ako nga po dapat ang magpasalamat sainyo. Naabala ko pa kayo alam ko naman po na busy kayo."
"It's okay. I heard that you're working already in a successful company. I'm proud of you." masigla niyang bati. Bakit ba hindi ako makasabay sa kanya ngayon sa pagiging masayahin ng mommy niya. Dati.rati kapag nagkakasama kaming dalawa halos wala kaming pahinga sa pagsasalita. Biglang natahimik siya siguro nahalata niya na hindi ako komportable ngayon. "I'm sorry."
"Hindi ayos lang po. Hindi ko nga rin po inaasahan na matatanggap ako dun."
"No, I shouln't act like this with you after what happened to you and my son."

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomansaI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...