Chapter 24

566 9 8
                                    

"Kade Elias huh?" Napalingon ako bigla kay Alaska, at napatigil sa panonood ng kdrama.

"Ang laki na ng pinagbago niya." She dreamily said. Napailing ako sa kanya. "Malaki na din kaya yung ano niya?" Nasamid ako bigla kahit wala naman akong kinakain o iniinom.

"Alaska!"

"What? Ang liit liit pa kaya niya nung mga bata pa tayo, tapos ngayon haaaaay! Ang gwapo ni Kade!"

Tama naman si Alaska. Ang laki na nga ng pinagbago ni Kade, dati rati mas matangkad pa ako sa kanya! Tapos ngayon, anyare? Hays! Tsaka oo na! Ang gwapo na nga niya ngayon!

Its been two days nung madischarge ako sa hospital and gumagamit ako ng saklay hanggang ngayon. One week pa daw kasi bago umayos yung paa ko. Tapos yung braso ko naman, may sling siya. And its been two days nung huli kaming magkita ni Kade.

Nagring naman bigla yung phone ko. Tinignan ko ito pero unregistered number, sino kaya 'to?

"Bessy answer the phone..." Naiiritang sabi ni Alaska.

Sinagot ko iyong tawag at dahan dahang inilagay sa tenga ko 'yong phone.

"Uhh.. Hello?"

Tumayo ako sa kama at lumabas sa balcony nitong kwarto ko gamit gamit ang saklay ko.

"Samantha Margaux.. I'm outside." Kade?

Napatingin ako sa labas at nakita ko siyang nakasandal sa kanyang black 2016 Audi A6 Premium Plus Sedan.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Nakakalunod ang mga tingin niya...

"Bababa lang ako." Tumango lang siya.

Pumasok na ako sa kwarto, nakatulog na si Alaska. Hindi na ako nag-abalang sabihin sa kanya na nandito si Kade.

Hindi pa ako sanay gumamit ng saklay kaya naman ang bagal kong bumaba ng hagdanan. Tapos naka-sling pa yung kanang braso ko. Nag-iingat na'din ako at baka maulit muli ang nangyari noong isang araw na nalaglag ako dito.

Napabuntong hininga ako nang sa wakas, nasa pinakadulong baitang na ako. Lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Kade sa labas ng gate.

"So?" Naiilang na sabi ko.

Inalalayan niya ako maglakad, binuksan niya ang pintuan ng passsenger side at pinaupo ako doon.

"Can you come with me?" Sabi niya habang nakahawak sa upuan ko at pintuan nitong car niya.

Nahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"어..어디에?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ah! I mean, saan?"

"Wilford Uni" Napatango na lang ako sa kanya. I checked myself, I'm wearing maroon sweatshirt and shorts and white sneakers.

Umikot siya at umupo na sa driver's seat, tahimik siyang nagmaneho.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

I'm busy texting Alaska when he pulled over the car. I looked at him, "Can you move to the back seat? Laura will seat here." Laura? (Pronunciation: Lora)

Hindi ko pinahalatang napahiya ako. Tumango lang ako sa kanya at dahan dahang bumaba ng sasakyan niya, pilay ako Kade! Naupo na ako sa likod at nagpatuloy sa pag-text kay Alaska. 'Who's Laura?' I sent to her.

'Laura? Quigaman? Hihi' Napailing ako sa joke ni Alaska. 'That's Lara!'

'Joke kasi 'yun! Laura who? Idk her, maybe his girlfriend?'

"Elias! I missed you!" Napatingin ako sa biglang pumasok, so this is Laura huh?

Napatawa naman si Kade, "Laura, magkasama tayo magdamag kahapon."

"Namiss pa'din kita!" Napairap ako sa kanilang dalawa.

"Oh, hello!" Finally, napansin 'din ako! "I'm Laura, the girlfriend. And you?" Nakangiting sabi niya.

Sino nga ba ako sa buhay ni Kade? I'm just his Mom's inaanak and his kababata. Nothing compared to her, the girlfriend.

"Margaux" I said and smiled at her. She looks nice naman.

"Ikaw pala yung inalagaan ni Elias nung isang araw."

Tumango tango nalang ako, napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakatingin sa akin si Kade. Iniwas ko ang tingin ko at nakipagtext nalang uli kay Alaska. 'The girlfriend.'

'Oh...' She replied. 'Don't do anything stupid, Samantha Margaux. You're just the friend and she's the girlfriend.'

Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text niya. 'What? Seriously Jackie Alaska? You think I'll do stupid things? Nah! I know where to place myself... and it's away from him.' Hindi ko inalis ang tingin ko sa phone ko, ayokong makitang sweet sila sa isa't isa. It's disgusting.

'Why do I sense that you are jealous? Are you falling for him, Samantha Margaux? That fast?' Hindi ako nakakibo pagkabasa ko ng reply niya.

Am I falling for him that fast?

"Samantha Margaux, are you okay?" Napaangat ang tingin ko sa rear view mirror. Nakatingin na naman siya...

Am I okay?

"Uh.. yeah. And can you please stop callin' me Samantha Margaux? I find it annoying coz' my name's too long and you look like my father gettin' angry and callin' me on my full name." I coolly said.

Laura chuckled. "She's right, Elias! Why are you calling her on her full name? It's too long!" Lumingon sa akin si Laura and I smiled at her.

"I just want to. What do you want me to call you?" Napalingon ako kay Kade.

"Anything you want but not my full name." Sabi ko.

"Babe. I'll call you babe." Seryosong sabi niya.

WHAT?!

h

The Revenge of the Wallflower GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon