Grace
"6:30" Imik ko nang malaman ang tiyak na oras.
Nasa clubhouse na kami ngayon at dahil may aatupaging raket pa si Lauren ay iniwan niya na ako dito sa waiting area, na nasa ikalawang palapag nang clubhouse, saka nandito rin ang kwartong pinasukan namin ni Lauren kaninang umaga.
"Kuya ilang oras na'po akong naghihintay dito. Wala pa'po talaga ang boss niyo?" Tango lang ang nakuha ko mula sa lalaking aking tinanong.
Nakaupong tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad at malakas na napabuntong hininga.
"Uy! Kanselado daw yung conference ni boss kay Mr. Lim?"
"Oo, nagbago ang isip kaya naman muling babalik."
"Akala ko ba naman ay gustong gusto na ni boss nang pagpupulong kasama si Mr. Lim."
"Yun din ang alam ko, pero narinig kong kinansela daw ni boss ang conference dahil may masmahalagang pagkikita pa daw siya kaysa sa pagkikita nina Mr. Lim."
Hindi ko dapat pinakikinggan ang mga ganito, ngunit umangat ang aking ulo at nakita ang dalawang babaeng nag-uusap di-kalayuan mula sa kinauupoan ko.
Kunot nuong pinagmasdan ko silang nagchichismisan habang wala sa modong ginagalaw ko ang paanan ko.
"Ayys!" Bahagyang nagulat ako nang maramdamang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko.
"Nay Ising?" Umisang linya ang dalawang kilay ko nang binasa kung sino ito.
"Grace nandito ngayon ang donor, humihingi na sila nang down payment." Rinig ko ang malungkot na boses ni Nay Ising nang nilagay ko na ang cellphone sa tenga ko.
"Ah, sige ho, pakisabi nalang po sakanila na may ibabayad tayo mamayang pag-uwi ko." Gayun paman, nagpasalamat si nay Ising saka pinutol ko narin ang tawag nang makagawa na'ko nang hakbang.
"Tsk! Dapat makapagsimula na'ko ngayon!" Nangangambang inikot ko ang aking paningin para hanapin si Lauren.
Wala pa ang boss nila pero kailangan ko na talaga nang pera. Tumingin ako sa baba, at nang makita ang mga naghihiyawang mga tao ay napabuntong hininga ako.
"Club 'to Grace. Pero kakausapin mo lang naman ang mga MnM. Magbibigay aliw ka lang pagkatapos nun may pera kana." Bulong ko sa sarili.
"Sandali lang naman ito, may iuwi lang akong pera mamayang pag-uwi ko. Saka bago na ngayon, wala naman sigurong masama kung magsisimula na ako sa trabaho kahit hindi pa ako na tanggap para dito." Bahagyang napangisi ako dahil sa naisip. Pero desperada na talaga ako! Mawawalan kami nang donor 'pag wala kaming down payment ngayon!
Na-aalarma na talaga ako kaya inayos ko muna ang sarili bago bumaba mula sa ikalawang palapag nang club, na kung saan, ay dito talaga ginaganap ang mga walang humpay na kasiyahan.
"Grace! Grace!" Mata-o man ang lugar pero narinig ko ang boses ni Lauren kaya lumingon ako.
"Tapos kanang ma-interview? Tanggap kana?" Pasigaw niyang tanong dahil sa lakas nang tugtog. At dahil hindi ako tumango, natigilan siya.
"Wala parin ang boss niyo kaya napagisipan kong simulan na ang pakikipagusap sa mga MnM. Kailangan ko na kasi talaga nang pera... Pero huwag ka mag-alala ipapaliwanag ko naman ito mamaya sa interview." Ngumiti ang nang konti kaya naman tumango nalang siya.
"O sige! Basta't huwag kang magpapahawak ah, tawagin nalang kita 'pag andyan na si boss, kaya naman diretso ka sakin mamaya pagnabigyan kana nang tip ah." Tumango ako at bago paman sumalang, ay humiram muna ako nang susuotin kay Lauren.
Eh may uniform sila kaya dapat sumuot rin ako nang kasuotang kagaya sakanila. Kaya naman tumungo muna kami nang banyo para magpalit.
At sa pagkalabas na pagkalabas namin mula sa banyo ay may tinurong matandang lalaki sakin si Lauren. Kaya naman, hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito.
Mag-isa lang siyang nakaupo, panay na ang tingin sa akin nang nginitian ko siya.
"Wooh! This is it Grace." Bulong ko upang kalmahin ang sarili nang malapit na'ko sa cubicle nito.
"Hello there." Nauna na siyang magsalita kaya nakangiting umupo nalang ako sa tabi niya.
"Since I've seen you alone, I'll be joining you here. Hope you don't mind sir?" Tinaas ko ang aking kilay para sa sagot niya.
"Oh! No! Not at all, uhm I'm Adam....72." Malagkit na tinignan niya ako pero pansamantalang hindi ko nalang ito pinansin.
"You're not that old to enjoy Adam." I sheepishly said. Im good in entertaining tho, ilang beses ko 'to nagawa noon.
"Looks like it'll be fun." Hinawi niya ang aking bewang papalapit sakanya.
Inamoy niya ang aking leeg kaya ngumiwi ako. Hindi ako komportable sa kadikitan nang aming katawan kaya bahagyang tinulak ko siya.
"You want money?" Lalo niyag hinigpitan ang pagkahawak sa leeg ko.
"Ahh...."
"Just say it." Sadiinang sabi niya saka hinawakan ang magkabilang bisig ko.
"Ye-. Yes." Imik ko nang maamoy ang alak sa bibig niya.
Naramdaman kong ngumisi siya. "See that platform?" He diverted my gaze towards the platform he's saying.
"I'll give double of 30k if you dance there." Natuyo ang aking lalamunan sabay singhap. Halos mangiyak na'ko dito pero 60,000 ang makukuha ko. Pwede na yun pangbayad mamaya.
"Come on, the money is now laying here." May nilagay siyang cheke sa lamesang kaharap ko.
Pinikit ko muna ang aking mga mata bago linunok ang aking dignidad. Sandali lang naman ito. Hindi naman ako huhubad, sasayaw lang ako kaya sandali lang ito.
Inisip ko nalang sina Mang Ben at Nay Ising habang naglakad patungo sa tinuro nang lalaking iyon.
"Kailangan mo nang pera ngayon Grace." Bulong ko sa sarili nang tumayo na sa bilog na platform.
Biglang nangiba tingin ko sa sarili ko nang makita ang mga lalakeng nakangising nakatingin sakin. Lalo na ang matandang Adam na iyon na malawak ang ngiti sa bibig.
May ilaw na nakabaling sa aking kinatatayuan at umalingawngaw na sa tenga ko ang hiyawan nila.
Pumatak nga ang aking luha pero agad ko itong pinahiran saka sinimulan na ang pagsayaw.
Palakas nang palakas ang hiyawan nila. Pakiramdam ko pinagpyipyestahan ako dito sa gitna, iba kana Grace. Iba ang Grace noon, iba narin ang Grace ngayon.
Patuloy lang ako sa aking ginagawa nang biglang gulat na tumahimik ang lahat dahil sa biglaang pagbukas nang isa sa mga pinto nang mga kwarto sa ikalawang palapag.
Halos masira na nga ang pinto sa lakas nang pagkabukas dito. At dahil madilim at hindi ako masyadong nakakaaninag, nagulat ako nang may humawi sa braso ko pababa nang platform.
Sa rasong tahimik ang lahat, pinilit kong malaman kung sino man ito, pero, siya'y nakatalikod habang mahigpit na hawak hawak ang aking kamay.
Naguguluhan pero mas kinakabahan ako dahil patungo kami ngayon sa kwartong pinanggalingan niya.
At dahil rinig ko ang mga bulong-bulongan sa likuran masasabi kong, isa itong lalaki.
Gayun paman, maskinabahan pa lalo ako nang marinig ang. "Naku! Galit si boss."
BINABASA MO ANG
My Ex Is Pert; The Expert
General FictionPert Felix Emerson and Grace Mendel "I can't taste my lips, could you do it for me?" My eyes widened when I heard that, absolutely putting my complexion in frozen. "You never changed Felix. Never. Manyak kaparin hanggang ngayon." I rolled my eyes ke...