Di ko alam kung bakit ba tayo ipinagtagpo ng tadhana kung wala namang pag-asang maging tayo.
Di ko alam kung bakit kita patuloy na minamahal kahit na hindi naman tayo.
Di ko alam kung kailan ako magigising sa katotohanang wala namang tayo.
Di ko alam, di ko alam, litong lito at gulong gulo na ang aking isipan, pati na rin ang aking puso
Ang aking puso na patuloy pang tumitibok nang dahil sayo. Ngunit 'yang puso mo naman pala'y tumitibok para sa iba dahil nga walang tayo.
Hinihiling ko sa tadhana na sana hindi na lang kita nakilala
Sana ako'y nagbulag-bulagan na lang sa tuwing ika'y nariyan na
Sana hindi na lang tayo nagkatagpo
Dahil baka sakaling hindi ako magkakaganito
-
Sinubukan kong limutin ang ikaw at ako kahit na wala namang tayo.
Sinubukan kong magpakalayo kahit na sa tuwing nilalapitan kita ikaw ang lumalayo.
Sinubukan kong magpanggap na hindi kita mahal kahit na ang totoo ay ikaw lamang ang pinagsisigawan nitong puso ko.
Nitong puso kong pagod na pagod nang magmahal sa taong hindi naman siya minamahal.
Nitong puso kong mahal nang mahal hangga't wala nang matirang pagmamahal para sa sarili niya.
Nitong puso kong gusto nang kumawala dahil sa lakas ng pagtibok sa tuwing nagkakatagpo ang ating mga mata at sa tuwing kausap kita.
-
May pag-asa pa bang maging tayo?
May pag-asa pa bang magkaroon din ako ng espasyo d'yan sa puso mo?
May pag-asa pa bang mahalin mo rin ako?
'Yang tatlong tanong na 'yan ang gusto kong itanong sayo
Ngunit hindi ko magawa-gawa dahil baka magbago ang ihip ng hangin at tangayin ka papalayo sa piling ko.
Papalayo sa piling ko kahit na malaki ang agwat ng distansyang mayroon tayong dalawa.
-
Hanggang panaginip na lang ba talaga ang tayo?
Hanggang pangarap na lang ba talaga ang tayo?
Ako na ang sasagot sa mga tanong na ito dahil wala ka naman sa tabi ko.Oo, dahil mayron nang kayo at kahit kailanman ay 'di nagkaro'n ng tayo.
BINABASA MO ANG
bukang-liwayway
Poesiabukang-liwayway simbolo ng panibagong yugto limutin na ang mga sakit at pait tayo'y magsimula ng panibagong kabanata na tanging ikaw lamang ang bida't 'di na lamang puro siya ----------- This book was inspired by R...