45. Unfair MAGIC

30 2 0
                                    

<\ Third Person's POV />

Nanatiling naroon si Jas kasama sina Hao at Jisoo. Ang totoo, si parang si Jisoo at si Jas nga lang ang naroon dahil halos silang dalawa lang ang nag-uusap, ang tahimik lang kase ni Minghao eh.

Kain lang ng kain si Hao habang nakikinig sa kwentuhan ng dalawa. Tango at pag-iling nga lang ang pagtugon nito sa kanila pagtinatanong sya o hindi kaya, matipid lang ang sagot nito.

Habang nag-uusap ang dalawa madalas na titigan ni Minghao si Jas. Pinapanood nya ito kung paano siya makipag-interact kay Joshua na noon ay hindi pa man nya nakikita.

Oo tama kayo, si Hao ang nakakaalala ng lahat.

Alam ni Minghao ang mga nangyayari.

At oo, may nararamdaman pa rin talaga sya sa ating bida. Walang nagbago. Si Jas lang pala ang nagbago, si Jas lang. Pero si Jas nga lang ba?

"Huuyy!!" pag-gulat ni Jas kay Hao. Tulala kase itong binata natin eh. Masyadong malalim ang iniisip.

Ano naman kaya iyon?

"Hao lodi, ayos ka lang ba?" tanong ni Jas kay Hao

"Oo naman. Bakit ba?" blangkong tanong rin ni Hao

"Wala naman, antahimik mo kase eh. Tahimik ka pala talaga?" natatawang sambit niya

"Paano mo ba nasabi? Bakit? Kilala mo ba ako?" sarkastikong sabi ni Hao sa harap ni Jas. Pasalamat si Hao at wala si Jisoo,bumaba, bumuli ng pagkain nanaman.

"O-oo naman, diba nga ikaw ang bias ko?"

"Bias mo lang ako. At ang nakikita mong ako sa harap ng kamera lang ang kilala mo"

"A-ano bang...ibig mong sabihin?" naguguluhan na kase si Jas sa inaasal nitong si Hao eh.

"Tss... kalimutan mo na lang-"

"Sandali. Ayaw mo ba saken?"

Tinignan lang ni Hao si Jas at akma na itong tatayo. Agad rin namang pinigilan ni Jas si Hao.

At muli nanamang nakaramdam ang dalawa ng kuryente.

"Huwag mo na akong hahawakan please?" paki-usap ni Hao

"Pasensya na-"

"Baka mangyari nanaman kase eh! Please lang? Wag mo na ulit gawing kumplikado ang lahat.... Masasayang lang ang pinaghirapan natin..." di na napigilan ni Hao ang nararamdaman nya

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na si Jas

"Nasisiraan na ako. Bakit ko pa ba sinasabi ito sayo? Alam ko namang wala kang maalala at wala ka ng alam sa lahat ng mga nangyari! Ang hirap, Jas. Bakit ako pa ang dapat maka-alala? Bakit hindi ko mapigilang iwasan ka!!" di ko na rin kayang pigilan si Hao

"Nagkakilala na ba tayo noon? Ma-may nagawa ba akong mali at masama sayo noon? Kung....meron man, pasensya na ah. Hindi ko matandaan at wala akong matandaan. Hindi kita maintindihan!" no chill na sila ghasss

"Pasensya na Jas..." yun na lang ang nasabi ni Hao. Pinilit kase talaga nitong kumalma. Di tama ang nangyayari "Nabigla lang talaga ako. Hindi ko inasahan eh, pasensya na rin..." napalitan na ng katahimikan sa pagitan ng dalawa

Ang awkward naman kase talaga ng nangyari. Sa kalagayan ni Hao, ang hirap at ang unfair na ikaw alam mo lahat tapos yung taong mahal mo na nasa harap mo ni hindi ka man lang maalala? Sige nga, paano pag may taong nagsabi sayong mahal ka at minahal mo na rin tapos sa isang iglap parang walang nangyari? Sa kalagayan naman ni Jas, nakakagulat na bias mo bigla bigla na lang kung ano anong sasabihin sayo na akala mo ang laki ng nagawa mong kasalanan na wala ka naman talaga kinalaman diba? Sige nga, ikaw kaya sisihin sa bagay na di mo naman talaga ginawa.

"Bakit ang tahimik nyo?" bungad na tanong ni Jisoo sa kanila ng makabalik sya

"Ahhh... Jisoo siguro mauna na ako-"

"Bakit Jas? Inaway ka ba ni Hao?"

"Ha?! Naku hindi. Di kami nag-usap..." napasulyap si Jas kay Hao habang nag aayos na ng sarili

"Ganun ba? Uhm sige Jas, you may go- pero nga pala! Nice to meet you" nakipag kamay pa si Joshua kay Jas

"Nice to meet you too Jisoo!! Waahhh! Ang saya saya ko talaga ngayon kase kahit di talaga ako makakapunta sa concert nyo nameet ko kayo... ni... Hao" wow, ang hirap bigkasin ng 'Hao'

"Walang problema, kay Hao ba di ka magpapaalam?" ang laki ng ngisi ni Jisoo,lamnadis.

Lumingon si Jas kay Hao at hinarap ito. Ngumiti ito at nilahad ang kamay nya.

"Nice to meet you... Idol"

Agad na tinanggap naman ito ni Hao "Nice to meet you, Jas"

Walang kuryenteng naramdaman sa pagkakataong ito.

Binawi na ni Jas ang kamay nya at agad na iniwan na roon sina Hao at Jisoo.

"Hao...May nangyari tama ba ako?"

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon