Part 1 Chapter 9

57 3 0
                                    

Part 1

Chapter 9

Skyler's POV

"Sino ka?"

"Skyler, ako si Chastity. Ako ang anghel na nagbabantay sa'yo."

"WHAT?"

"Maniwala ka man o hindi, ako ay isang anghel. Ako ang naatasang magbantay sa'yo habang nabubuhay ka pa dito sa mundong ibabaw. Dahil natapos na ang mortal mong buhay, may kakayahan ka nang makita ako ngayon."

Hindi ako makapaniwala. Namatay na ako ng wala sa oras. Tapos ngayon may magpapakitang anghel sa akin? What the??? Nananaginip lang ba ako?

"Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon. Pero kailangan mong tanggapin ang mga nangyayari. May tatlong araw ka na lamang na natitira upang manatili dito sa lupa. Pagkatapos ng tatlong araw na yun, kailangan mo nang sumama sa akin."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kailangan na nating umakyat sa itaas. Huhusgahan ka na."

"Huhusgahan?"

"Oo. Huhusgahan kung saan ba mananatili ang iyong kaluluwa. Kung sa langit ba o sa---" 

"Naiintindihan ko..." 

Tumingin ako kay Daph. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Paglingon ko sa loob ng ICU, ganoon rin sina Mom at Dad. Umiiyak pa rin. 

"Hindi ba talaga nila ako pwedeng makita? Kahit sandali lang? Magpapaalam lang ako..."  

"Kung pwede lang, nagawa na rin yan ng lahat ng namatay, Skyler. Pasensya na, hindi pwede." 

Gusto kong sumigaw. Naiinis ako. Wala akong magawa. Isang hamak na kaluluwa na lang ako ngayon.

November 12, 2013

Daphne's POV

Tatlong araw na ang nakakaraan mula nung mawala si Sky. Tatlong araw na akong pagod at walang tulog. Sa totoo lang, gusto ko na ring mamatay. Palagay ko kasi...wala nang silbi ang buhay ko. Nung iwan ako ni Sky, parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko.

Ngayon siya ililibing. Ayaw nang patagalin pa ng parents ni Sky ang burol niya dahil habang nagtatagal ay lalo lang silang nasasaktan. 

Nandito na kami ngayon sa sementeryo. Kakaunti lamang ang mga taong nakipaglibing dahil mga malalapit na pamilya at kaibigan lang ang maaaring pumunta. Gusto ng parents ni Sky na maging pribado ang libing niya. 

Unti-unti nang bumababa sa lupa ang kabaong ni Sky. Naghulog ako ng puting rosas. 

Hon, mahal na mahal kita. Mamahalin pa rin kita kahit wala ka na sa tabi ko. Mananatili kang buhay sa puso ko. Hindi kita kakalimutan, Sky. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Sayang, hindi man lang tayo umabot sa third anniversary natin. Hindi ka man lang din umabot sa 23rd birthday mo.  

Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Wag kang mag-alala, magiging okay din ako. Magpapakatatag ako. SKYLER HUMHPREY BUENAVENTURA, I love you. Goodbye. 

Matapos ang libing, lumapit sa akin ang parents ni Sky. Sinabi nilang pupunta na sila ng ibang bansa para manirahan doon. Mas magiging madali daw para sa kanila ang mag-move on kung lalayo sila. Uuwi na lang daw sila tuwing November para bisitahin ang puntod ni Sky. 

My Better Half is from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon