Past

48 0 0
                                    

Chapter One – “Broken Dreams”

“Congrats sa ating dalawa,honey!”masayang masaya na yumakap si Andrea sa nobyo.

Katatapos lang ng graduation ceremony nila.Kapwa silang nakangiti.Masaya ring nakamasid sa kanila ang mga magulang. Batid ng mga ito na sila na talaga ang magkakatuluyan dahil narin sa tagal na nilang magkasintahan.

“Basta mamaya ha dinner ta’yo.”paalala ni Daniel sa kanya.

“Yup.Enjoy your lunch out with your parents,hon.”aniyang nag smile na rin sa mga magulang ng boyfriend.

May kunting handaan sa bahay nina Andrea.Salu-salo lang nilang pamilya.Ang kapatid na lalaki nagbigay sa kanya ng regalo.Sobrang saya nya ng araw na iyon.Para sa kanya ay simula na ito ng katuparan ng kanyang mga pangarap. Balak nilang magtrabaho sa labas ng bansa ni Daniel para mabilis makapag-ipon.Gusto nilang magpakasal after 2-3 years.Balak din nilang maglibot-libot sa buong mundo kapag kasal na sila at kapwa stable na ang mga trabaho.

Naghanda na sya para sa dinner date nila ng nobyo.6pm na ngunit tila ba wala syang natatanggap na txt mula rito.Mahilig mag remind si Daniel sa kanya kapag may mga ganung usapan.Tinext nya ito ngunit hindi nagreply hanggang sa lumipas ang isang oras at nainip na sya kaya tinawagan nya na ito sa cellphone.Nakapatay iyon. Tinungo nya ang kanilang telepono at tinawagan ang landline ng binata. Ang ina nito ang sumagot.

“Ano?Wala pa pala sya dyan?Dinaanan kasi sya rito kanina nong mga kaklase nya after naming mag lunch sa labas.Akala ko didiritso na sya diyan to pick you up.”sabi ng ginang sa kabilang linya.

“Ganun po ho ba,tita? Sino po sa mga kaklase nya?Kakilala ko po ho ba?”

“Sina Jake lang.Kilala mo si Jake diba?”

“Oho kilala ko sya.”

Kaklase din nila si Jake since highschool at may subject sila ni Daniel na magkaklase.

Hiniram ni Andrea ang kotse ng ama at pinuntahan ang bahay ng kaibigan. Halos iilang ilaw lang ang naka-on doon.Pumasok na sya sa gate dahil bahagyang nakabukas iyon.Naririnig nya sa may likuran ng bahay ang masayang tawanan at halakhakan.Dumiritso sya doon at nakita nyang nag poolparty pala ang mga ito.May iba nakatungo na sa mesa at marahil nakatulog na sa kalasingan.Ang iba naghahalikan sa harapan mismo nila.Nasa tubig si Jake at may kaharutan itong babae.

“Hey,Andrea!!!good to see you here.”bati nito at umahon sa tubig upang salubungin sya.

“si Daniel,Jake?”agad nyang tanong rito.

“Shhh..join us here first.Nakatulog yon siguro.Madami nainum eh.”nakangiting anyaya ni Jake sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay para igiyang patungo sa mesa kung saan may pagkain at alak.

Binawi ni Andrea ang kamay at mabilis na iniwanan ang kaibigan at pumasok na sa loob ng bahay.Sumunod si Jake sa kanya.

“Andrea. Magrelax ka muna sa labas,alright?I’ll get Daniel for you.”anitong maagap na humarang sa may pintuan ng bahay.

Nag-angat ng kilay ang dalaga.Nagdududa ito sa mga ngiti ng kaibigan.Naiinis sya sa ginagawa nito.Hindi sya tanga para hindi mapansing tila tinatago nito sa kanya ang nobyo.

“Abugado si papa,Jake.I can sue you sexual harassment if I like”marahang nyang banta rito.Alam nyang bibilhin ni Jake iyon.Happy go lucky ito at ayaw ng hassle sa buhay at higit sa lahat ay hindi nag-iisip.

Umatras ng isang hakbang ang lalaki bago nag bigay daan sa kanya.Napakamot na lamang ito na ulo.

“Andrea naman,oh,sobrang seryuso.”anitong at di na umalis pa sa kinatatayuan.

Napuno ng pangamba ang hitsura nito habang tinitingnan ang papalayong dalaga.

Isang guest room na malapit sa kitchen ang agad tinungo ni Andrea.Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit doon.Pagkahawak sa siradura ng pinto ay muli nyang tiningnan si Jake.Tila ba sa mukha ng binata ay malalaman nya kung ano ang nasa loob ng kwartong iyon.Hindi nya nagustuhan ang rumihistrong pangamba sa anyo ni Jake.Tila ba sinasabi ni Jake sa sarili na “come what may”

Magkayakap sa ibabaw ng kama sina Daniel at ang kaibigan nilang si Patricia.Bakas sa ayos ng dalawa na galing lang ito sa pagtatalik. Nanlaki ang mga mata ni Andrea at agad dinampot ang mga sapatos ng dalawa na nagkalat sa sahig.

“Mga hayop kayo!”sigaw ni Andrea sa mga ito sabay tapon ng mga hawak na sapatos.

Agad nagising ang dalawa at nilapitan nya agad ang nobyo at magkabilang-pisngi na sinampal.Mabilis ang mga pagkilos ni Andrea.Hinablot ang buhok ng babae na akmang sanang babangon.Naghihiyaw ito sa sakit habang pilit na inaalis ang mga kamay ni Andrea sa sinasabunotang mga buhok.Sinubukang awatin ni Daniel ang nobya ngunit hindi nya ito mapatigil dahil sa sobrang paghihimagsik ng dalaga ay labis itong malakas sa kumparaha sa kanya.

Tumulong ng awat si Jake na nooy nakapasok na rin sa kwarto ngunit tuliro ito sa mga nangyayari.

“Hon,tama na please.”paki-usap ni Daniel sa kanya.

Iyon ang unang pagkakataong nakita nya ang girlfriend na sobrang galit.Hindi nakinig sa kanya si Andrea.Iyak ng iyak na rin si Patricia.Hawak ni Daniel ang kamay ni Andrea at pilit na inaalis sa mga buhok ni Patricia habang si Jake naman ay hinihila ng palayo si Andrea.May nagsidatingan na sa kwarto na iba nilang kaibigan ang iba ay tumulong hilahing palayo si Andrea,ang iba naman ay tumulong kay Daniel tanggalin ang buhok ni Patricia mula sa mga kamay ni Andrea,samantalang ang karamihan ay nanatiling nakatayo at parang ayaw makisawsaw.They’ve known Andrea as a decent and a very intelligent woman.Mataas ang tingin nila dito at tila ba nao- awkward silang pigilan ito dahil narin alam nilang may ginawang mali nga sina Patrici at Daniela.Ang iba’y natakot sa biglang nitong pagwawala.

Sa wakas na nagawa nilang mailayo si Andrea.

“Hayop ka Daniel!Ahas ka Patricia!”sigaw nitong gusto paring sumugod ngunit nanaig na ang lakas ng mga pumipigil sa kanya.

“Andrea,please pag-usapan natin ito”ani ni Daniel na itinabing sa katawan ang kumot at ninais sanang lumapit sa kanya ngunit nag-aalangan.

“Daniel,tama na muna.Umalis na kayo ni Patricia.Bilis!Magbihis kayo sa kabilang kwarto.”natatarantang utos ni Jake rito.Nahihirapan na ito sa pagpipigil kay Andrea kahit pa may mga kasama na syang nagri-restrain dito.

Tinulungan ng iba na makapagtabing si Patricia upang makalabas na ng kwarto.

“Bitiwan nyo ako Jake!”angil ni Andrea rito nang makitang papalayo na ang dalawa.

Binitiwan lang sya ni Jake at ng mga kaibigan nito nang tuluyan ng wala sina Daniel at Patricia sa kanilang paningin.Napalugmok si Andrea sa sahig.Humahagulhol ito sa tindi ng sakit na nadarama ng kanyang kalooban.

Parang ayaw nyang tanggapin sa sariling nangyayari ito ngayon sa kanila ni Daniel.

“Andrea,I’m sorry nagkaganito ang lahat”marahang wika ni Jake sa kanya.

Tumayo ang dalaga.Pinahid ang mga luhang humarap kay Jake.Isang malakas na sampal ang pinakawalan nya sa pisngi ng binata.

“I’m sorry,Jake.Hindi na rin kita tinuturing na kaibigan.Ikaw ay isang napakawalanghiyang kaibigan.”matigas nitong tugon kay Jake at agad tumalikod.

Lulan ng sasakyan nya ay muling nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha.

She can’t accept the fact na may nangyaring ganoon.She could not forgive Daniel.She could only curse in the wind for what Patricia did to her.Alam nyang malandi si Patricia pero akala nya may delikadisa itong gumawa sa kanya ng ganun. Ramdam nyang intimidated ito sa kanya. Ano nga lamang ba naman si Patricia kumpara sa kanya?She’s just face and body.She doesn’t even have class and elegance at mas lalong epty ang brain.

Mariin nyang tinapakan ang gas sa matinding galit na rumihistro sa isipan dahil sa pag-iisip sa dalawa.

Hindi man lamang nya napunang nag red na ang traffic light na dadaanan.Isang suv ang bumangga mula sa kanang ng kanyang kotse na bahagya pang kumaladkad sa kanyang sasakyan.

Author of the Story : Kaoru

Note:Please forgive the typo errors.

Watch out for the next chapter (^_^)

PastWhere stories live. Discover now