17

51 2 0
                                    

Grabe ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako. Dulot ata 'to ng pag-iyak ko. Ngayon lang kasi ako umiyak ng ganoon. Hindi naman ako humahagulgol pero tuloy tuloy kasi ang pagtulo ng luha ko.

May naririnig akong yapak ng paa. Kasunod ko. Tumigil ako at tumalikod para tignan kung sino iyon. Pero hindi ko siya mamukhaan. Lumalabo na kasi ang paningin ko at nanghihina na ako. Pinilit ko pa rin kilalanin kung sino itong nakatayo sa harap ko ngayon.

"Lu...... Lu...han??" nanghihinang tanong ko. Nanghihina na talaga ako at naramdaman kong bumagsak ang katawan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

...

Grabe ang sakit talaga ng ulo ko. Tumingin ako sa paligid at napansing nakahiga pala ako sa kama. Nakarating ba ako sa bahay? 'Di ko matandaan.

Hinimatay nga pala ako. Pero paano ako nakarating dito? Tama nga ba ang nakita ko kanina? Kung tama man ako, malamang ay si Luhan ang nagdala sa akin dito. Tumingin muli ako sa paligid. Napatingin ako sa dalawang picture frame. Ang isa ay picture ng 3D at ang isa naman ay picture ng B.Wolves na kasama si YeonJi. Mayroon din akong kopya nito.

Tumingin muli ako sa paligid at napansing pamilyar pala ang kwarto. Lumabas ako para puntahan ang may-ari nito.

Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. Pagdating ko doon ay nadatnan ko ang isang lalaking nagluluto.

"Oh! Gising ka na pala Kai. " sabi niya.

"A...anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

"Bigla ka kasing hinimatay. Dadalin sana kita sa bahay mo kaso ay nakalock kaya dito na lang kita dinala kay YeonJi." paliwanag niya.

"Si YeonJi?" tanong ko ulit.

"Nasabanyo siya. Naliligo. Patapos na rin yun.

O, ayan na pala siya." sabi niya.

Wala pa rin talagang pinagbago si YeonJi. Ang pambahay niya, maluluwag na damit parang sa mga lalaki. At, pagkatapos maligo ay hindi pa rin siya nagsusuklay. Pero kahit ganito siya, maganda pa rin siya sa paningin ko. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya. 'Di tulad ng ibang babae, simple lang siya at wala masyadong kaartehan.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong sa akin ni YeonJi sabay amoy niya sa sarili niya. Palagi talaga niyang ginagawa yun sa tuwing tinitignan ko siya pagkatapos maligo. "Hindi na naman ako amoy pawis a! Amuyin mo pa e!" nilapit niya ang ulo niya sa akin. Hinawakan ko lang siya sa ulo at ngumiti.

Mahawakan ko lang siya ang saya-saya ko na. Ibig sabihin hindi talaga totoo ang panaginip ko, na gusto na ni YeonJi na lumayo ako sa kanya.

"AAAH!!"

"Bryce! Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni YeonJi.

"Hahaha.... ok lang ako. Napasigaw lang ako sa sobrang alat ng niluluto ko." sagot niya.

Maalat? Yun lang? 'Di naman kailangang sumigaw. Sinasadya ata niya iyon. Siguro ito talaga ang ibig sabihin ng panaginip ko. May aagaw kay YeonJi mula sa akin. Sa tingin ko si Bryce nga iyon.

Kinakain na namin ang niluto ni Bryce. Pero inayos ko muna ang lasa dahil tulad ng sabi niya, maalat nga ito kanina. Mukhang gustong-gusto naman ni YeonJi yung pagkain. Isa din 'to sa mga dahilan kung bakit gusto ko siya. Di tulad ng ibang babae, matakaw siya. Karamihan kasi sa mga babae ngayon ay halos di na kumakain para lang magpapayat. Pinagtataka ko nga kay YeonJi kung bakit ganito siya. Kahit nakakalimang serving siya, hindi siya tumataba.

"Jong In. Ay este Kai. Ano nga pala ang nangyari sa'yo at bigla ka na lang hinimatay?" tanong ni YeonJi."Buti na lang at nakita ka ni Bryce. " dagdag niya.

"Ah...... uhmm...." Hindi ako makasagot. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sana ay hindi namumula ang mga pisngi ko. Nakakahiyang makita niya.

"Teka namumula ang mga mga mata mo. 'Wag mo sabihing naka-high ka! Kailan pa?! Kailan ka pa natuto?!" tanong uli niya. Kahit na mali siya ng akala, natutuwa pa rin ako. Ibig sabihin nag-aalala siya sa akin.

"Ah... napuyat lang ako. Kaya namumula ang mga mata ko. Siguro kaya hinimatay din ako kanina." palusot ko.

"Bakit ka naman napuyat?" paningit na tanong ni Bryce. Nandito nga pala siya. Bakit kailangan pa niyang sumingit sa usapan namin? Malapit na talaga maubos ang pasensya ko sa kanya. Simula ng nagpakita siya kay YeonJi, lumalayo naman si YeonJi sa B.Wolves. Napapalayo na siya sa akin.

"Pinuntahan pa kasi namin si DO kagabi e. Uhmm.... YeonJi, namimiss ka na ng B.Wolves. Kailan ka ba dadalaw kay DO? Pupunta kami uli sa kanya mamaya. Gusto mo sumama? " Sana ay pumayag siya. Sigurado akong matutuwa ang B.Wolves. Matutuwa ako.

"Sige. Matagal ko na rin kayo hindi nakakasama e. Bryce, baka gusto mo silang makilala? Pinakakinakatakutan sila sa school pero mababait sila. " Bakit kailangan pa niyang yayain ang lalaking ito? Magkakagulo lang sa hospital.

"Hindi ako pwede. May pupuntahan ako mamaya e." sagot ni Bryce.

Buti naman at hindi siya sumama. Sa wakas makakasama ko siya ulit na wala ang Bryce na 'to sa paligid. Makakasama ko muli ang babaeng hindi marunong mag-ayos ng sarili, parang lalaki kung pumorma at matakaw pero pinakamamahal ko.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon