Sumakay ako ng Jeepney, eto din yung nasakyan ko nung isang araw. Madalas nasasakyan ko si Mang Kanor sa jeep at nakakasabay yung babaeng iyon.
Lagi akong nasa harap nakaupo. Nakakatakot din kasi ang itsura ni Mang Kanor kaya walang nangangahas na umupo sa tabi niya, pwera lang kung nagmamadali ka.
Yung babaeng iyon laging nagbabayad ng foil ng flat tops, di ko alam kung may sayad ba siya o kung ano. Si Mang Kanor naman, nainis na ng isang beses sa babaeng iyon dahil hindi nagbabayad ng tama. Kaya pag nagkakasabay kami, ako ang nagbabayad ng tamang pamasahe para sa kanya.
"Bayad po." Sabi ng babaeng iyon.
Tiningnan ng masama ni Mang Kanor ang babae mula sa rear mirror nito."Mang Kanor hayaan mo na, ako na ho ang magbabayad para sa kanya."
"Isa po, sa San Pedro." sabi ulit ng babaeng iyon nung naiabot kay Mang Kanor ang foil ng flat tops.
"Mang Kanor, eto ho ang bayad ko at bayad nung sa kanya." tiningnan ko yung babaeng iyon mula sa side mirror nung jeep. Maganda siya, balingkinitan ang katawan. Naka3/4s siya na blouse at skinny jeans. Biglang pumreno si Mang Kanor kaya nabaik ang tingin ko sa daanan. Biglang may tumawid pala na babae. Nagalit si Mang Kanor at tiningnan ng masama ang babae na tumawid. Binalik ko ang tingin sa babaeng iyon sa side mirror. Nagulo ng kaunti ang kanyang buhok, kaya naman inayos niya yung gamit ang mahahabanag daliri niya. Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian ko, pero inirapan niya lang ako.
"Para po!" sabi ng babaeng iyon. Akala ko ba sa San Pedro pa siya bababa? Itinabi ni Mang Kanor ang jeep at bumaba na siya. Sa di ko malamang dahilan sinundan ko siya ng tingin at nakita niya ko ulit na nakatingin sa kanya. Binigyan niya ako ng dirty finger. Napangiwi na lang ako at muling pinatakbo ni Mang Kanor ang jeep niya.
Yun ang unang paguusap namin. Pag-uusap nga ba yun?
-----------------------------------
Si Mang Kanor nanaman ang nasakyan kong jeep. Naghihintay pa siya ng pasahero, napaaga ako sa terminal. Maya maya ay sumakay na yung babaeng iyon. Nagbayad na din siya kaagad nung foil ng flat tops.
"Hija, alam mo ba talaga kung ano ang pagkakaiba ng pera at basura mo?" tanong ni Mang Kanor sa kanya.
"Mang Kanor, sobra pa yang binayad ko sa'yo kaya manahimik ka at magdrive nalang." sabi niya na maangas ang tono.
Nakita ko ng malapitan ang foil ng flat tops. Habang pumepwesto siya sa dulo ng jeep, kinuha ko kay Mang Kanor ang binayad niya. Tinitigan ako ni Mang Kanor na wari ba'y nababaliw na ako. Pinigapiga ko pa ang foil na iyon. Parang di siya foil ng flat tops. Hinablot ni Mang Kanor yun sa kamay ko at tsaka tinapon sa labas ng jeep.
May kakaiba sa foil na yun. Bakit kasi kinuha ni Mang Kanor yung foil nakakainis naman.