Chapter 28 - Emerged!

2.1K 40 0
                                    

RD's POV

I don't know what is happening on me right now! Why do I act like this? I'm acting like a jealous guy!?

No, it can't be!

It's just because of my ego against Luigi! The nerve of that guy! Pssh!...

"RDelicious, gisingin mo ako kapag malapit na tayo ha?" isinandal na lang ni Aiammy yung ulo niya sa balikat ko. Nakasakay kami ngayon sa bus papuntang Geunjeongjeon sa Gyeongbokgung.

Napangiti ako kasi inakap niya yung isang braso niya sa akin. I smell the sweet scent of her hair. Ipinatong ko na lang sa balikat niya yung kamay ko para maakap din siya. Mahaba-haba pa yung byahe, sabi kasi sa map na dala namin, mga isa't kalahating oras pa bago makarating kami dun sa destinasyon namin. Nilibang ko na lang muna yung sarili ko sa pagtingin ng tanawin sa bintana.

Nang malapit na kami sa pupuntahan namin ginising ko na si Aia.

"Aiammy, we're here!"

"Mmm? Ang bilis!"

"tss.. tulog ka kasi ng tulog!"

Pagbaba ng bus, namangha kami ni Aia sa ganda ng lugar.

"Wow! Mas maganda ito kaysa sa napapanuod ko lang sa mga koreanovela!" napangiti ako kasi tuwang-tuwa siya. Hinigit niya kaagad ako sa loob ng Geunjeongjeon. May mga lumapit kaagad sa amin na mga tourist guide. Dinala kami sa bawat part nung lugar na yun. Pinagsuot kami ng mga traditional dress nila at kinuhanan kami ng picture as souvenir.

Inikot kami sa mga parang pagoda. Makikita mo pa yung mga human size picture ng mga bida sa mga Korean Series na ginanap doon.

Bumili din kami ng mga souvenirs na pampasalubong sa Pilipinas. Kung saan-saan pa kami dinala ng tourist guide. Masaya ako kasi sobrang saya ni Aia.

Masaya siya na ako ang kasama niya!

---

Aia's POV

Emerged! hehehe

Ang ganda talaga dito. Dati pinapangarap ko lang na maging kagaya nila Queen Seon Deok o kaya ni Lady Jang Geum. Ngayon natupad na. Tapos parang si kapitan naman si RD! hihihi... Kilig naman si ako! eeeeeh!

Ehem.. be demure Aia! Hwag ipahalata! hehe

Kinuhanan lang namin ni RD ng picture yung mga historical place dun. Ang ganda din ng history ng Korea, at nakakatuwa kasi na-preserve talaga nila yung kultura nila that until now makikita mong ginagawa nila.

Maghahapon na nung umalis kami dun. Naglakad-lakad lang kami ni RD. Magkahawak pa rin kami ng kamay. Nakakatuwa nga kasi akala nung isang tourist guide nasa honeymoon kami eh! Parang nangyari na 'to ah? Sa Tagaytay remember?

Dahil nga nalibang kami, late na kaming nakapag-lunch. Medyo na-sermunan nga ni Tita Diane si RD kasi ginugutom daw ako. Sinisikap ko rin na hwag mabanggit yung name ni ***** sa buong panahon ng pamamasyal namin! ∧.∧

Nung magdidilim na, umuwi na rin kami sa hotel. Tinext ko na rin si ***** na nakauwi na ako, no need to worry!

"Katukin na lang kita sa kwarto mo kapag mag-dinner tayo." nandito kami sa tapat ng pinto ng room ko. Tumango lang ako at pumasok na ng kwarto.

Nagpahinga lang ako sandali tapos naligo na. Mayamaya narinig ko ng kumakatok si RD. Pinapasok ko na lang muna siya, at sinabing ipa-deliver na lang namin dito sa kwarto yung dinner namin.

After kumain, nagkwentuhan lang muna kami habang nakaupo sa sofa. Nung medyo nauubusan na kami ng pagkukwentuhan, nilabas niya yung dala niyang usb at nanuod kami ng movie.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon