Chapter 4.

885 34 0
                                    

Brand new

Hindi namin pinagusapan ni Diyo ang pagnanakaw ko ng halik sa kanya. Gusto kong kalimutan na lamang niya ang katangahan kong iyon. Pero alam kong hindi ko makakalimutan iyon. He's my first kiss for god's sake!

Namili kami ng damit niya pagkagaling namin sa optometrist kanina. They said balikan na lamang iyon after 2 hours. Namimili ako ng shirt niya habang nakatayo at nakatingin lang siya sa akin. Matangkad si Diyo sa akin. Maliit lang kasi ako. Tingin ko nasa 5'8 or 5'9 siya. Matangkad kaya naman tuwing may natitipuhan ako sa mga damit na ito ay medyo itinataas ko pa iyon kapag tinatapat sa kanya.

May 15 shirt akong napili para sa kanya. Sinabihan ko siyang subukan ang isa roon para masiguro namin ang size. Habang nagbibihis siya ay nagpunta ako sa pants at maong shorts. Kailangan namin ng tig-sampu sa mga ito. Base sa height at built niya tingin ko sakto na ang size 30 sa kanya. Di kasi siya super buff.

Habang pumipili ako ng shorts ay bumalik sa akin si Diyo. Napatingala ako sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang itim na shirt na napili ko. Napatingkad nun ang maputi niyang balat. Medyo hakab sa katawan iyon. Walang baby fats itong si Diyo, maganda ang katawan niya I'm sure!

"Bagay sayo!" Iniharap ko sa kanya ang pantalon. "Anong size mo? Hingi tayo ng size mo sa mga ito. Huwag mo nang hubarin ang shirt na iyan ha." Tumango siya.

"Okay." Sinabi niya ang size at patuloy na nagsukat. Kailangan din namin ng ilang long sleeves at slacks. Para naman may pang pormal din siya. Nang matapos ay pinilian ko siya ng 2 black shoes at dalawang vans na shoes. At dalawa pang running shoes. Pinigilan na niya ako dahil lubog na raw siya sa utang.

Natawa lang ako sa kanya. Hindi ko naman susundin yung deal na iyon. Gusto ko lang talagang ibigay sa kanya ang lahat ng ito, hindi niya kailangang bayaran. Sa totoo lang isang ngiti lang ang hinihintay kong ibigay niya sa akin. Dahil sa buong panahon na magkasama kami ni hindi ko siya nakitang ngumiti man lang.

Bumalik na kami para kunin ang eye glasses niya at contact lens. Pinasuot ko ang eye glasses dahil babagay iyon sa suot niya ngayon. He's wearing a black vneck shirt and a navy blue pants. Suot din niya yung black na vans niya.

I looked at him from his head to toe. He looked so brand new! Walang bakas ng nerd na Diyo. Tiyak ko sa hitsura niyang ito ay malalaglag ang panga at panty ng lahat na nagtawag sa kanyang Nerd at Kadiri.

Kasama ka ba dun?

Nanunuya ang utak ko pero iniwas ko iyon sa isipan ko. Hindi ko dapat iyon isipin.

"Oh my fuck Diyo! Napakagwapo mo! Shit!" Natutuwang hinawakan ko ang braso niya.

"Are you happy Athena?" Nakita ko ang paninimbang sa paningin ni Diyo. Tila ba hindi siya sigurado sa magiging sagot ko at natatakot siyang sumagot ako ng taliwas sa tanong niya.

"Are you kidding me? Of course Diyo! Masaya ako. Dahil sigurado akong pagkakaguluhan ka na ngayon ng mga ingratang nambubully sayo!" Iniwas niya ang mata niya sa akin bago ko pa siya mabasa. Mariin na naglapat ang mga labi niya pero hindi na siya nagkumento pa.

"Let's eat?" Kumapit ako sa braso niya. Tumingin siya sa akin at tumango. Ang tipid talaga!

"San mo gusto?" Tanong ko ulit.

"Ikaw ang pumili. Alam kong iba ang taste mo sa ganito. Whatever you want Athena." Napatingin ako sa kanya dahil tumigil siya sa paglalakad. Ibinaba niya ang sandamakmak na shopping bags na hawak niya inilagay ang lahat ng iyon sa isang kamay niya.

Tumalon ang puso ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. He filled the spaces of my finger with his. Lalong bumilis ang pagkabog ng puso ko nang marahan niyang pisilin ang kamay ko. He gave me a quick serious look.

"Where to?" He said. Ipinilig ko ang ulo para alisin ang grabeng emosyon sa sistema ko. Ayoko munang maguluhan. Nakita ko ang jollibee sa kanyan namin. Inalog ko ang kamay niya at itinuro iyon.

"Gusto ko dun!" I exclaimed. Kumunot ang noo niya.

"Kumakain ka ba diyan? Okay lang naman kung gusto mo ng fine dining. May pera naman ako ngayon para mailibre ka doon." Nagitla ako sa sinabi niya. Di ko naman siya pinapagastos! May pera ako. Marami.

"Ano ka? Ako gagastos para sa atin! At gusto ko dun!" Sambit ko.

"Don't insult me more Athena. Ako ang magbabayad ng kakainin natin. And if you want to eat there then so be it." Mariin at tiim bagang niyang sambit. Marahan niya akong hinila patungo sa loob ng fast food resto.

Iyon ba ang tingin niya sa ginagawa ko? Insulting him? Fuck! Masaya akong tulungan siya. Hindi ba niya nakikita iyon? Gusto kong gawin iyon para sa kanya. Anong problema niya? Is this his fucking ego talking again?! Bakit ba sobrang taas ng pride ng lalaking ito!

I just want him to be okay. I want him to be comfortable. I want him happy. Because when he is, I know I will be happy to. At some point this is my selfishness working. Gusto kong maging masaya eh.

Inalog niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nasa harap na pala kami ng kahera.

"Anong gusto mong kainin?" Nakatingin lamang siya sa mga pagpipiliian namin habang ako ay nakatingin lamang sa kanya. I pursed my lips. I feel so disappointed pero hindi ko naman siya makumpronta. Fuck! Natatakot akong magalit siya sa akin!

And since when did he have this kind of hold on me? Really? After more than a year of friendship ganito na ako?

"Cheese burger and fries." Tulala ako sa kanya ng sabihin iyon.

"That's not even a meal, Athena. I am sure di ka pa naglalunch. Eat rice." Sambit niya. At alam ko talo na ako sa conversation na ito. I sighed.

"Fine. Chicken please." He stated our order and then he lead me to a table. Binalikan niya ang inorder namin.

Nakita ko yung wallet niya. It was a black leather wallet. Hindi naman sira pero halatang luma na. Should I buy him one? Maiinis na naman siya kapag ginawa ko iyon.

Pasecret ko na lang ibibigay sa kanya. Para di ako supladuhan! Napapangiti ako sa naisip ko. Nagtataka man ay hindi na nagtanong si Diyo. Alam naman niya lahat ng kalokohan ko.

"Eat now." He looked at me. "Thank you Athena." He said while looking straight into my eyes. Hindi ko alam pero parang hindi naman yung pamimili ang ipinagpapasalamat niya. Pero ano? Napapagod na akong magisip promise!

"You're always welcome." I smiled and started to eat heartily.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon