MAG-PA-PAST ten na ng gabi nang maihatid ko sa kanilang bahay si Maine. Maingat kong binuksan ang pintuan ng kotse na katapat ni Maine.
Dahan-dahang bumaba ito, "Pasok ka muna Alden ipagtitimpla na muna kita ng kape bago ka umuwi."
"Sige labs," maiksi kong sabi at sinabayan na siyang pumasok sa kanilang bahay.
Inilapag ni Maine sa lamesa ang dala naming pasalubong kina Tatay Nicanor at Nanay Pampam, agad niyang nilagyan ito ng pantakip.
Kumuha siya ng dalawang mug.
"Mabuti pumayag kang magkape ta'yo ngayon, dati tumatanggi ka. Kasi idinadahilan mong baka masiyado ka nang gabihin sa daan," nangingiti niyang sabi habang naglalagay na ng mga ingredient sa mga mug namin.
Tinititigan ko lamang ang mukha ni Maine habang nagsasalita ito, ang ganda ng bukas ng mukha niya. Maski ako'y nahahawa, ang totoo ayaw ko pang umuwi sa amin. Tiyak kukulitin lamang ako nina Mommy at Daddy tungkol sa plinaplano nilang kasal namin ni Bridgette.
"Hoy! Alden 'di ka na umimik? May problema ka ba?" Nagtatakang tanong ni Maine sa akin.
"Ah kasi Maine g-gusto pa kasi kitang makasama at s-saka gusto kong matikman ang pinagmamalaki mong timpla ng kape."
"Ganoon ba labs, hmmm. . . Here's your black coffee. The best yata akong magtimpla ng kape." pagmamalaki pa niya.
Ngumiti na lamang ako, tinikman ko na ito at tama siya ang sarap niyang magtimpla. Gabi-gabi na kayang akong magpatimpla ng kape? Ayos lamang na maadik ako sa kape. Basta si Maine ang magtitimpla.
"Ang sarap naman labs, thanks for this huh!" Ang nakatodo na ngiti kong sabi.
Na sinuklian rin naman niya ng ganoong klaseng ngiti. Gusto kong sabihin rito ang plinaplano ng parents ko, ngunit mabibigyan ko lamang ito ng alalahanin. Pipilitin ko munang ayusin ito. Baka sakaling madaan ko sa maayos na pakiusap sina Mommy at Daddy.
Muli ay pinagmasdan ko ang nobya ko, isang buwan na pala kami. Ang bilis talagang lumipas ang mga araw.
Tila kailan ng magkakilala kami ni Maine, ang akala ko imposibleng maging nobya ko 'to. Kahit hindi ko na ito niligawan ay tinitiyak at pinaparamdam ko naman sa halos araw-araw na magkasama kami.
Gusto kong maramdaman niyang totoo ako sa nararamdaman ko para sa kaniya na hindi ko siya lolokuhin.
Kahit madami ang nagtaas ng kilay dahil naging mabilis ang lahat sa amin ni Maine. Wala ng ligawan na nangyari.
Ngunit sa halos araw-araw na magkasama kami ni Maine ay ipinadadama ko naman rito na seryuso ako at mahal na mahal ko ito.
Tila liniligawan ko na rin ito, maski sa sarili ko'y inaamin ko na napabilis ang mga nangyari. Ngunit wala akong pinagsisisihan. Dahil sa araw-araw na nakakasama ko si Maine ay isa lang ang narerealize ko. Mahal na mahal ko ito at hindi ko kakayanin kong mawawala siya sa piling ko.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang humihigop ito sa mainit-init niyang kape. As her lips touch the mug, tila nanuyo ang lalamunan ko.
Ibinaling ko sa iba ang pansin ko.
" Nextweek na pala ang finals labs? Nakapagreview kana ba?" Agad kong tanong para mabaling ang pansin ko sa ibang usapan.
"Nakakalahati pa lamang ako sa pagrereview labs," agara niyang sagot habang patuloy lamang siyang humihigop sa hawak niyang mug.
"Ganoon ba labs, ang mabuti pa simula bukas ay samahan na kitang magreview."
Hindi ko alam kong para saan ang simangot na nakapaskil sa mukha niya.
"Ah kasi Alden may pupuntahan kasi kami nina Charlott at Angel bukas," mahina niyang sabi habang inilalapag na niya ang hawak niyang mug.
Inilapag ko narin ang hawak kong baso.
"Saan naman kayo pupunta labs?" Patuloy kong usisa dito.
"Basta. . ." maikling sagot ni Maine.
Ewan ko ba, pero parang ayaw kong payagan si Maine sa lakad niya bukas. Tiyak gagabihin na naman ang mga ito sa pupuntahan.
Ayaw ko siyang payagan hindi dahil sa wala akong tiwala dito, ayaw ko lamang na mapano siya sa pinupuntahan niya. Mahal na mahal ko iya kaya sobra-sobra ang concern ko rito.
"Puwedi bang sumama labs?" Titig na titig kong sabi sa kanya.
Muli ay nakita kong sumimangot ito.
"Alden girls night out iyon, okay. Saka ka na sumama labs, puwedi?" Ang nakapout niyang sabi habang hawak ang kamay ko.
Para hindi siya mainis ay tumango na lamang ako at pilit na ngumiti.
"Talaga labs hindi ka nagtatampo?" Nakatitig niyang tanong.
"Oo naman 'di ako nagtatampo sa iyo labs, may tiwala ako sa'yo," sagot ko sa kaniya para hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano.
"Thanks a lot labs!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Mahigpit na niya akong niyakap pagkatapos.
Habang yakap ko siya ay ramdam na ramdam ko ang napakalambot niyang katawan. Ang napakabango niyang buhok.
Nagtagpo ang mga mata namin, tila nakuha naman agad niya ang gusto kong mangyari sa mga oras na iyon.
Puno ng damdamin na sinakop ng mga labi ko ang naghihintay niyang mga labi. Tila uhaw na uhaw ako sa mga oras na iyon, patuloy ko siyang hinalikan. Sa una ay padampi-dampi lamang hanggang sa lumalalim pa iyon.
Hanggang sa naging mapusok ako sa pag-angkin sa mga labi niya. Isang singhap at ungol ang namutawi sa mga labi ni Maine ng pinakawalan ko ang mga labi niya.
Nasa mga mata pa niya ang kakaibang emosyon na tumutupok sa amin, tila higit pa roon ang nais niya.
Ngunit minabuti ko nang itigil iyon, ayaw kong mapunta pa kami sa kung saan.
Ginagalang ko ito, hindi ko babaliin ang tiwalang ibinigay ng mga magulang ni Maine sa akin.
Darating kami roon sa tamang oras, ngunit sa ngayon kailangan namin pagtuunan ang ibang bagay.
Kahit alam kong hindi na virgin si Maine ayaw ko namang lubusin iyon, seryuso ako sa kaniya.
May tamang panahon para sa makamundong pangangailangan like Primarital sex. naniniwala pa rin ako sa post marital sex. Tuturuan ko si Maine na pahalagahan muna niya ang sarili. Ipaparamdam ko dito na hindi lamang sa sex umiikot ang isang relasyon.
Mahal na mahal ko siya, kaya rerespetuhin ko si Maine, hindi ko hahayaan na maramdaman niyang may kulang sa relasyon namin.
Pagdating ng araw na makapagtapos na kami at may kaniya-kaniya ng matatag na trabaho ay aayain ko nang magpakasal siya sa akin. Ngayon palang plinaplano ko na ang lahat para sa amin.
Hinalikan ko siya sa noo. "I think Maine dapat na akong umuwi, gumagabi na kasi. So tawag nalang ako pagkauwi ko."
"S-Sige labs," tila may iniisip pa ito habang nagsasalita may himig pa ng hinampo ang tinig niya.
Mahigpit ko siyang niyakap palapit sa mga bisig ko, ipinadama ko rito ang pagmamahal ko. Nanatili lamang siyang hindi umiimik.
"Alam ko ang tumatakbo sa isip mo labs, ang dahilan kung bakit ayaw kong humantong tayo sa kama at angkinin kita ngayon ay dahil iginagalang kita. Lalo na ang mga parents mo labs, darating tayo diyan ngunit hindi pa ngayon labs. May plano akong magpropose at pakasalan ka in the near feauture. When the right time came up, ihanda mo ang sarili mo dahil I will claim that something to you. Ibibigay ko sa iyo ng buong-buo ang pagmamahal ko labs, walang labis, walang kulang," ang madamdaming kong pahayag dito, habang mahigpit siyang niyayakap.
Napangiti naman siya ng maluwang kapagdaka, bago ko kinintalan ng mumunting halik sa noo si Maine.
Nagpaalam na ako rito isang mahigpit na yakap at halik ulit ang pinagsaluhan namin bago ako lumabas sa kanilang pintuan.
Vote. Comment. Share
babz07aziole ~~~~~<3

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...