KACKAHAKAHAN 15

1K 18 0
                                    


Chapter 15

Di ko ba alam kung bakit sa loob ng tatlong buwan kong pananatili sa kompanyang ito ay iba na ang nararamdaman ko sa namo kong boss na si Terrence. Di ko alam kung pag-ibig na ba ito o isang paghanga lamang. Everytime he's out of my sight I missed him. Everytime I cannot hear his voice Im ought to find it. Everytime he shouted at me, I can never find ways to hate him. Ganyan naman siguro kapag nagmamahal ka na sa isang tao, kahit anong sakit tinititiis, sabi nga sa kanta , love hurts, love wounds, love scars!

Dati napipikon ako sa mga pang-aasar nya, halos mag super saiyan ako sa galit dahil sa mga pinag-uutos nya na kung ano-ano nalang ang maisipan, pero ngayon nasanay na ang sistema ko sa lahat ng mga pang-aasar nya at panunukso nyang ginagawa sa akin. Minsan sa isang araw ay hinahanap ko ang mga pang-aasar nya na hindi na nya nagawa.

People find to love a person when that person is always on their sides. Lalo na't kung ang taong yun ay unti-unti mo ng nagugustuhan, unti-unti mo ng natatanggap ang pagkatao nya at unti-unti mo ng ina-accept sya sa buhay mo, in easy word, mahal mo na sya.

Hays ewan ko ba sa heart kong to, subrang landi, sa dinamidaming pwedeng ibigin yung taong pinaka hate ako, ba't di nalang si Clifford di ba, eh close naman kami nun. Iyan na ba yung sinasabi nila na di mo madidiktahan ang puso mo kung sino ang dapat ibigin, at kung sino ang dapat iwasan? Pilit ko mang iniiwasan at pinipigilan ang nararamdaman ko kay Terrence, pero bakit patuloy na umiibig ang puso ko sa kanya?

Three months, oo tatlong buwan na hindi ko maittindihan ang sarili ko, dati naman everytime na magkasama kami ay parang wala lang sa akin ang mga yun, yung parang wala sya sa loob ngo office, bakit ngayon everytime na magkasama kami sa iisang silid ay di mapakali ang heart ko. Minsan di ko mapigilang sulyap-sulyapan sya, ngumingiti ako ng mag-isa, at minsan nag d-day dreaming pa. ang hirap di ba, di mo alam kung paano mo pakikisamahan ang taong gusto mo, at iniibig mo, charot!

Di ko rin masisi ang self ko na hindi magkagusto sa kanya, gwapo kase at macho. Common na naman siguro sa isang tao na magkagusto at mag ka interes, [wow interes talaga?]. di mo din mapigilan ang sarili mo na hindi mag pa kiringking sa harap nya. Ang mahirap lang dun ay tinatago mo ang nararamdaman mo para sa kanya at sya naman ay walang pakialam sa yo. Yung tipong langit at lupa ang agwat naming dalawa, langit sya baluga ako, este lupa ako. Imposible nga talagang magkagusto ang isang gwapo sa isang chaka na katulad ko. Hays, mahirap maging chaka.

Sabi nga ni Andrew E., humanap daw ng panget at ibigin mong tunay. Pero kapag nagmahal ka naman ng panget di ka naman kikiligin sa kanya di ba, baka pandirian mo pa, chus, joke lang, sa akin pa talaga galing ang mga katagang yun! kung magmahal man ako ng panget na kagaya ko? ano yun, kapwa ko mahal ko? baka kami pa ang sisisihing dalawa na kung bakit gumulo ang mundo dahil sa nagbuo kami ng kulto.

Bawat araw na dumadaan na sa twing nakikita at nagsasama kami ni Terrence ay nag-iiba ang aking nararamdaman sa kanya. Ngayon, libog, bukas pagnanasa, sa makalawa pag ka interes na, natatakot nga ako baka ma rape ko sya ng di ko namamalayan, chos lang joke ko lang yun mga beshie wag totohanin.

Tama na muna ang malalim na hugutan mga beshie, back to reality na tayo.

Nang minsang umuwe ako ng bahay ay sinalubong ako ng hilaw kong kapatid. Yung tipong hindi ka nya muna pinaupo o pinainom manlang ng tubig.

"ate Yna..." salubong nya sa akin sa pintuan. Reminder mga beshie nag ate Yna sya sa akin, that means may kailangan ang mamaw sa akin.

"ano na naman yun?" pag susungit ko. May karapatan na akong magsungit dahil sa wala silang 5 k this pay day kapag pinatulan nila ako.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang