Chapter 7.

863 23 0
                                    

Sinabi

Ito na ba yung sinasabi nilang love? Yung parang hindi ka mapakali na hindi ka matahimik na parang ewan? Kanina pa ako nakahiga sa kama ko at pagulong gulong doon sa walang humpay na pag rereplay sa utak ko ng halik na binigay ni Diyo sa akin.

Bakit ganun? Pati yung pakiramdam parang paulit ulit na hindi naaalis? Ganun ba talaga yun o may saltik lang ako?

"Ahhh!" Impit na tili ko sabay kagat sa unan ko. Napapangiti ako sa pagkakaalala sa sarap ng halik ni Diyo. Para kasing tumagos sa buong pagkatao ko yun. And his face.. The look on his face after the kiss is just too overwhelming.

Nakatulog ako sa walang humpay na pag-iisip. Nang magising ako ay maaga akong nagising at nagayos. Nagulat ako nang makita ko si Froilan sa sala nang bumaba ako.

"Oh. Sasabay ka ba?" Tumango lang siya. Mukhang bad mood na naman ang gago. Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang slice ng tinapay at kagat iyon na naglagay ako ng juice sa baso.

"Nagbreakfast ka na?" Ngumunguyang tanong ko sa kanya. Matakaw yan eh kaya naman alam kong makikikain na naman siya. Patay gutom yan eh.

"Hindi na." Napatingin ako sa kanya sa sinagot niya. Tangna himala ah! Pero hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy sa pagkain. Nang makuntento ay sabay na kaming lumabas.

Tahimik lang siya habang nagmamaneho papunta sa school. Nakakunot ang noo at tila malalim ang iniisip.

Hindi ako sanay. Maingay si Froilan lalo na kapag kaharap ako. Baka di lang maganda ang gising niya. Pero kahit ganun ay tinititigan ko pa rin siya. Nang makarating kami sa parking lot ng university ay nagmamadali akong bumaba.

Gusto ko ng makita si Diyo!

"Athena." Mahinang pagtawag ni Froilan sa akin. Napalingon ako sa kanya na may ngiti sa labi na agad ding nawala dahil sa klase ng pagtingin niya sa akin.

"Lan? May problema ka ba?" Lumapit ako sa kanya at nakatingalang tumingin sa kanya.

"Nakita ko." Matigas ang boses na sabi niya. Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Yung alin?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Marahas na nagpakawala siya ng hininga. Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako sa daloy ng usapan namin.

"Dominic kissed you yesterday at the coffee shop Athena. Nakita ko." Nagtangis ang bagang niya na tila pinipigilan ang sarili. "Are you together now?"

"Huh? Teka lang Lan." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko.

"Answer me Athena because I am going crazy thinking about it since last night!" Buga niya na nagpagulat sa akin. Anong sinasabi niya? Eh ano naman kung kami na? Alam niyang hinahabol habol ko si Diyo dati pa. Wala siyang reklamo noon. Ano ngayon?

"What it is to you?"

"It is everything for me Athena!" Sigaw niya. Sinisigaw ng mata niya ang sagot sa tinatanong ko. Fuck no! Please don't tell me! Not him!

"You are everything Athena. Mula pa nung mga bata pa tayo. I thought then, this is just a passing feeling. Pero hindi. Lumalim, lumaki at sinakop ako Athena. Nang dumating si Dominic akala ko fascinated ka lang sa kanya. Akala ko mawawala rin." Mariin niyang sabi.

"Pero nung makita ko yun kahapon? Ang sakit! Para akong pinunit. Binugbog. Katangahan ko eh. Kung sanang dati ko pa sinabi. Pero Athena. Kailangan kong malaman. Please!" Namula ang mga mata niya. No! No Froilan don't shed those tears! No!

"Do you love him?" Matigas niyang sabi. Nanlalaki na lamang ang mga mata ko sa kanya. "Let me help you decide."

Ikinagulat ko lalo ang sumunod niyang ginawa. Hinaklit niya ako sa bewang at sinapo ang batok ko. Then I felt his warm lips on mine. Nanlalaki ang mga mata sa gulat na hindi ko siya agad naitulak. I felt his tears kaya nagkalakas akong itulak siya.

"That answered me. Goodbye Athena." Tumalikod siya sa akin at mabilis na sumakay sa kotse niya. He dropped one last heavy look on me then he drove away.

"Sinabi na niya sayo?" Narinig ko ang boses ni July sa likod ko. Pinunasan niya ang luhang hindi ko napansin na nalaglag na sa mga mata ko.

"Sabi ko sa kanya dapat matagal na niyang inamin sayo. Baka sakaling sa kanya mo naibigay yung puso mo. Pero mukhang hindi siya ang nakaguhit sa tadhana mo." Nakakaunawang tinignan niya ako. "He'll come around. Tara na?"

Binigyan ko ng huling tingin ang daang tinahak ni Froilan palayo sa akin.

Lan..

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon