Paglalakbay

24 1 0
                                    

Dala-dala ang malaking maleta at isang maliit na trolley, sumakay si Victoria sa isang kakarag-karag na tren. Lulan nito ang kakaunting pasahero na siguro ay kapareha niya ng destinasyon.

Naghanap ng maayos na upuan, inilagay ang mga gamit sa tabi at pabagsak na umupo. Nangalumbaba at tumingin sa labas ng bintana, iniisip kung ano ang magiging papel niya sa buhay ng magiging boss niya.

Magiging tutor siya ng isang marangyang pamilya. Sobrang nakakatawa kung tutuusin. Graduate siya ng kursong Civil Engineering pero heto siya at magiging taga-turo lamang ng isang paslit.

Sumasakit ang ulo niya sa naganap nitong nakaraang linggo. Pinakiusapan siya ng kababata na siya muna ang humalili sa magiging trabaho dahil nabuntis ito ng kanyang nobyo. Syempre, kahit gusto niya na itong batukan at dagukan ay hindi magawa.

Pero dahil malaki ang utang na loob sa kababata ay napapayag ito sa pakiusap at nangakong pagkapanganak ay ito na ang magtatrabaho. Sinabi na din nito na may kalakihan ang sweldo niya na ipinagtaka niya. Kahit gaano man kayaman ang pamilya dito sa Pinas ay minimum wage lamang ang binibigay na sahod sa mga kasambahay.

Pero 'yun daw talaga ang napagkasunduan nila ng magiging amo niya. Siguro ay galante lamang talaga at nagwawaldas na lang ng pera.

Halos anim na oras din ang byahe. Hindi niya akalain na ganon katagal ang ilalagi niya sa lumang tren na 'yon. Namamanhid man ang pwitan ay tumayo na siya sa kinauupuan, ang mga gamit ay inayos at bumaba na sa tren.

Hindi niya alam kung saang lugar ang Cavalle de Villa kaya naman ang maliit na bag ay binuksan at kinalkal ang laman. Isang maliit na piraso ng papel ay natagpuan sa kasuluksulukan. Binasa ang address at naghanap ng mapagtatanungan.

Abala ang mga mamayan sa kanya-kanyang ginagawa. Kung hindi nagsisigaw ng kani-kanilang paninda ay nag-aalok naman ito sa mga dumadaang mamimili. Nahihiya man ay kinapalan ang mukha na magtanong sa isang matanda. Lumapit siya dito at kinulbit ang balikat, tinanong kung paano makakarating sa lugar na nakalimbag sa maliit na papel.

Tinignan ng manong ang nakasulat at nangunot ang noo, wari'y nagtataka bakit ipinagtanong ang lugar na iyon. Tinanong sya nito kung sigurado bang dito ang kanyang tungo, sagot niya ay oo. Hindi naman usisero ang matanda kaya sinabi na lamang ang direksyon sa dalaga.

"Ay ineng, malayo ka pa sa lugar na ito. Mag-arkila ka na lamang ng sasakyan at ihahatid ka na niyan sa lugar na iyan. Matagtag ang byahe kaya mag-ingat ka"

"Salamat ho"

Ngumiti ang matanda at nagpaalam na aalis na. Malapit na rin naman siya sa mga terminal ng sakayan kaya naman pinuntahan niya ang mga ito at nagtanong muli kung anong sasakyan ang maaring maarkila papunta sa lugar ng Cavalle de Villa.

Tama ang turang ng matanda, matagtag ang byahe patungo sa Villa, hindi patag ang daan kaya naman nauuntog na siya sa bubong ng tricycle. May kailiitan kasi ito at sya naman ay may katangkaran kaya natural na sya ay mauuntog. Hindi naman ito makapagreklamo dahil maging ang drayber ay halos magmura na din.

Ilang minuto pa ay nakarating din sya. Ibinaba ang mga gamit sa tulong ng drayber, nagpasalamat makatapos bigyan ng bayad at 'tip'. Hinarap niya ang isang gate na napakalapad, kulay itim at napapalibutan ng maliliit na halaman. Isang hingang malalim ang pinakawalan bago pindutin ang doorbell.

Nakailang pindot na siya ngunit wala man lang nagbukas ng napakalaking gate. Ang araw ay tirik na tirik kaya mas lalong nadagdagan ang iritang nararamdaman. Sa kawawang halaman ibinaling ang inis, sinipa ito ng paulit-ulit hanggang halos lumabas na ang ugat nito sa pagsipa ng dalaga.

"Kawawa naman ang halaman. Walang kalaban-laban sa pagsipa mo."

Nagulat sa presensya ng taong nasa gilid niya, nagmadali siyang tumayo at nagpagpag ng damit na medyo nadumihan. Namula ang mukha sa biglaang pagkapahiya.

"Ikaw ba ang tutor--?"

"Opo! Ako nga." Sinagot niya ito agad dahil pagod na sya sa byahe at isa pa napakainit ng panahon.

Ngumiti naman ang lalaki. Tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Hindi dyan ang daan, dito sa kabila. Sumunod ka sa 'kin."

Nagmamadaling bitbitin ang mga gamit ay sinundan ang lalaki na may kalakihan ang hakbang. Lakad-takbo ang ganap niya, ang pawis ay tagaktak. Ilang beses nang binatukan ang kababata sa isip.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa pagtapak niya sa lugar na iyon. Nananalangin na sana'y matiis niya ang magiging trabaho pati na din kung paano pakikitunguhan ang mga tao lalo na ang tuturuan nya. Sana ay walang maging aberya.

Sa naisip ay napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at iwinaksi ang mga pumapasok sa kanyang utak. Sa kanyang paglalakbay ay kalakip nito ang pinaghalong pangamba at kagalakan sa papasukin na trabaho.

Meeting The RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon