Clash of Elites - 05

22 0 0
                                    

Chapter 5: WHAT THE?!

[[Welcome Young Lady AC!]]

Yan yung nakasulat sa isang banner na nakalagay sa tapat ng Building/School ng para sa mga Lower Class. Seryoso ba sila?! Bakit naman nila naisipan na maglagay ng ganyan. Well, hindi lang naman siguro ako yung AC dito sa school di ba? Meron din namang AC Cruz at AC Garcia. Hindi lang ako yung AC kaya hindi ako yan.

‘Hindi ako yan’

‘Hindi ako yan’

‘Hindi ako yan’

Pinaulit-ulit ko sa utak ko yung three words na yan. Imposible naman kasi na ako yung sinasabi nilang AC kasi simpleng tao lang ako. Isa pa, kung tungkol ‘to dun sa posibility na ako nga yung hinahanap na apo ni Don Mariano… imposible talaga eh. Hindi ko pa naman  nakikita yung si Don Mariano na yun at yung pamilya nya. Pumasok ako sa gate ng school at nagulat dahil imbes na hindi ako pansinin ni Ateng bantay, nagbow sya sa akin. Nakakapanibago ‘to ah. Tumungo din ako sa kanya bago naglakad papunta sa main hall. Wala akong nakitang estudyante masyado. Baka masyado akong maagang pumasok ngayon…. O baka late na ako sa first class?!

“Sh!t! Anong oras na ba talaga?!” tanong ko sa sarili ko habang kumakaripas ng takbo papuntang 3rd floor. Dun kasi yung room ng mga 3rd year students. Naku naman, bakit kasi hindi tumunog yung alarm clock? Ano ba kasing problema ngayong araw na ‘to?

“Good mo—Anyare dito? Asan yung 4-A?” tanong ko sa isa sa mga nagpipinta nung classroom. Tumingin silang lahat sa akin bago nagbow ng sabay-sabay. May lumapit sa aking lalaking nakaitim bago ngumiti.

“Madame, pinapaayos po ng lolo nyo ang pinapasukan nyong  classroom. Lahat po ng inyong mga kaklase ay nasa kabilang campus,” sabi nung matandang lalaki.

“Huh?! Bakit naman? Naku, baka may mapagtripan sa mga kaklase ko… manong, saan po ba yung mabilis na daanan papunta dun?” tanong ko kay manong.

“Sundan nyo po ako Young Lady,”

“Naku po, wag nyo po akong tawaging ganyan. Simpleng estudyante lang po ako ng school na ito. Kasing hirap lang kami ng daga pero kaya naming kumain ng tatlong beses sa araw-araw at bayaran yung upa sa tamang araw…. Naku, bakit ko ba sinasabi sa inyo yung ganitong mga bagay?” tanong ko pero nakangiti lang si Manong.

Naglakad kami ng medyo kaunti pa at nakita yung isang tulay kung saan kami dumadaan palabas at papasok ng mga kaklase namin. Doon sa tambayan ng mga elites kung saan lahat sila ngayon ay nakatambay. Napatingin silang lahat sa akin bago ngumiti sila maliban sa isa; si KC.

“Kuya, bakit nyo po ako dito hinatid? Kelangan ko na po talagang pumunta sa mga kaklase ko kasi malelate na ako eh. Sige na kuya, saan po ako pwedeng dumaan?” tanong ko kay manong pero hindi sya nagsasalita.

“Grabe talaga. Asal skwater ka talaga noh?!” sabi ni KC. Nagkuyom ako ng palad bago humarap sa kanya.

“For your information Mr. Villafuerte, hindi ko tinatanong ang opinyon mo kaya pwede ba manahimik ka na lang jan at wag kang pa-pampam?!” sabi ko bago lumingon ulit kay manong pero wala na sya dun. Napansin kong pabalik na sya dun sa building na para sa LC. Hahabulin ko sana sya pero hinarang ako nung mga guards na nagbabantay pala dun.

“Hoy! Manong na nakablack! Wag mo akong iwanan dito! Uy!” tawag ko pero hindi parin sya lumingon. Napatingin ako sa itaas kung saan may see-through na bintana mula sa hagdanan at dun, nakita ko yung mga kaklase ko na kumakaway sa akin. Si Edmar, grabe kung maka-ngisi at alam ko na kung bakit. Nakita na naman nya si Angelika may labs nya. Biglang nagring yung bell ng parehas na school kaya nagpupumilit parin akong makatakas mula sa Elite-high papunta sa LC-High.

“Tara na, pasok na tayo sa school,” sabi ni Jeremy. Napatingin ako sa kanya bago bahagyang ngumiti.

“Papasok na nga ako sa school kaso ayaw akong padaanin nila kuyang guard,” sabi ko habang nagpupumilit paring makadaan.

“Hindi ka na kasi dun papasok for 1 week. Gusto kasing masigurado nila Emp na safe ka for a week habang inaantay yun resulta sa DNA mo,” sabi nya. Resulta agad? Eh hindi pa nga ako nakukuhanan ng hibla na buhok eh (o laway… yikes!).

“Pero—hay… sige na nga,” sabi ko. Pero hindi pa nakakalipas ang isang segundo, nakatakas din ako papunta sa LC-High. Binaba kasi nung mga bantay yung kamay nila, eh di, nakatakas ako! Tinakbuhan ko sila. Umakyat sa hagdan, tumakbo sa corridor. Since dalawa yung pintuan ng bawat room, naglabaspasok ako sa bawat room. Nagpadulas, tumungo, tumakbo ng mabilis pero napatigil din nung biglang may bumuhat sa akin.

“Sige na, ako na bahala sa sakit ng ulo na ‘to,” sabi nya.

“KRISTOFFER CEDRIC VILLAFUERTE! IBABA MO AKO NGAYON NA!” utos ko kay KC pero parang wala syang naririnig. Jusko, bakit sa lahat ng bubuhat sa akin etong lalaking ‘to pa?! Hindi naman sa nagrereklamo ako pero, ayaw ko lang talagang makita yung pagmumukha nitong lalaking ‘to ngayong araw.

***

“Sorry we’re late. I just need to get this pain in arse here,” sabi ni KC. Ano daw?! ‘Pain in arse’? Ako ba yung tinutukoy nya?! Ayos sya ah!

“Hoy--!” bago pa makapagsalita, may nagtakip na agad sa bunganga ko.

“Wag ka na lang umangal. Hindi mo ba alam kung sino yung nagtuturo ngayon?” tanong ni—sino nga ba yun?

“Hindi eh… sino ka nga pala?” tanong ko.

“Gavin,” sabi nya. Nagsmile na lang ako in response.

“Are you done flirting?” tanong nung lalaki sa harapan at nung humarap, nakilala ko sya. Si Mr. Mauricio Fuentabella. Ang sinasabi nilang tatay ko daw. Sa gwapo nyang yan, hindi halatang may anak na sya. Promise, hindi halata dahil parang model ang itsura nya.

“I’m pretty sure you don’t have to search for your seat,” sabi nya. Wala ba sya sa mood o talaga lang moody sya? Kasi hindi na ako magtataka kung ganun sya dahil ganun din ako. Moody paminsan-minsan pero feeling ko naman PMS yung sa akin eh.

“So, as I was saying… Keeping your reports updated makes your shareholders contented and will be more than happy to invest in your company. Like La Fuentabella Group of Companies, we have at least 100 shareholders coming different parts of the world. It’s all because of the hardworks of Don Mariano,” sabi nya. Siguro, after 10 minutes ng klaseng ‘to, magno-nosebleed na ako.

“What’s the connection of ‘keeping your reports updated’ to that one?” tanong ko. Hay salamat! Hindi ako nauutal!

“Well, the connection is that, keeping your reports such as the financial reports can make the shareholders feel at ease because they know that the money they invested are safe in your company,” sagot nya. Yun pala yung sikreto dun? Grabe, muntik na talagang dumugo yung ilong ko. Bakit ba kasi English pa yung language na ginagamit nila, hindi nalang tagalog?

[a/n: Pustahan tayo mas matutuwa ka kapag english yung ginamit lalo na sa math kasi pag tagalog ganito yung kakalabasan; TANONG: Anong paraan ang gagamitin mo para ang sampu ay maging anim? SAGOT: Pagbabawas translation Question: What method will you use to ten to make it six? Answer: Subtraction. Di ba? Mas sosyal.]

Sige na nga, panalo ka na. Ikaw naman nagsusulat nito hindi naman ako eh. Balik na nga tayo dito sa english na classroom na ‘to. Tinanong ko si Jeremy since sya yung katabi ko kung uso ba magtagalog dito at sabi nya, EOP lang daw. Tapos, hindi pa nagtagal, dumugo na nga yung ilong ko. Literal na nagnosebleed ako kaya dinala nila ako sa clinic ng school. Imported yung nurse nila dito. Alam nyo kung bakit? Galing pang UK yung nurse at sabi nya pa… teka ano nga ba yun? Hindi ko kasi masyadong naintindihan sa sobrang lalim nung sinabi nya eh.

“Why did your nose bleed?” tanong nya.

“Too much English,” sabi ko. Napatawa naman sya pero hindi naman nakakatuwa yun. Haiissst! Miss Otor, flashforward mo na, please? I can’t take it anymore!

[A/N: Sige na nga. Oh ayan na ha! Umaayaw na ata sya sa role na ‘to. Jan na po muna kayo… Vote and Comment! ^_^v. Ay, Happy birthday pala kay ate Elsie. Love you much! Hahaha! Okay, Dedicated sayo dahil online ka =) Comment kayo kung sinong may gusto ng dedication! ^_^v]

Clash of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon