Clash of Elites - 07

22 1 0
                                    

Chapter 7

After naming mag-usap ni Papa (sabi nya tawagin ko daw sya na Papa imbes na Sir or Mr), sakto namang nakarating na daw kami sa bahay na titirhan nila Mamu. Tinanong ko sila kung kasama din ba ako sa kanila na tumira dun pero sabi ni Papa sa mansion daw ako titira. About naman daw dun sa gamit ko, iiwan daw dun sa bagong bahay nila Mamu yung luma kong gamit tapos susukatan daw ako sa bahay para sila na yung bibili sa akin ng damit. Hanep nga eh, kasi hindi na ako sa labas bibili ng damit.

“Anak, ingat ka palagi okay?” sabi ni Mamita tapos tumango na lang ako. After nun, umalis na kami at pumunta sa Mansion na medyo may kalayuan mula dun sa bahay nila Mamita. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon palang ako makakapunta sa isang napakalaking bahay at hindi lang yun, dun sa bahay na yun, gagalangin ako at kikilalanin na isa sa mga boss nila. Hindi ko parin alam kung kelan magsi-sink in sa utak ko na marami nang magbabago sa buhay ko lalo na dahil sa napag-alaman na ka-echosan tungkol sa buhay ko.

“Chloe, meron ka bang food allergies?” tanong ni Papa. Tumango ako bago sumagot.

“Meron po. Sa mga hipon, tapos manok, tapos itlog. Bakit po?” tanong ko.

“Parehas talaga kayo ni Mama mo pwera lang dun sa hipon kasi, ako yung allergic sa hipon,” sabi nya. Namamana ba yun? Ma-research nga mamaya.

***

“Wow,” yan lang ang masasabi ko. Kakapasok palang kasi nitong sasakyan ni Papa sa loob ng gate ng Mansion ng Fuentabella. Ang laki nya at ang structural design, modern castle lang ang peg. Merong fountain sa dalawang gilid, at maraming nakatanim na bulaklak sa mga gilid. Malawak yung pinaka-driveway. Tinigil ni Papa yung sasakyan bago sya bumaba. Tinanggal ko yung seatbelt bago ako lumabas ng sasakyan, syempre, sa tulong ni Papa. After nun, lumabas na rin si Lolo na nasa harapan namin. Nakangiti sya habang nakatingin sa amin ni Papa. Inantay nya kami bago magsimulang maglakad. Inalalayan namin sya habang naglalakad sa gitna ng mga piling trabahador ng bahay nila. Mga elegante at mukhang may pinag-aralan ang bawat isa dito. Mula cooks hanggang sa mga katulong. For sure, mga graduate students sila. Nagbow sila ng sabay sabay kaya nagbow din ako. Bowing is a symbol of modesty, which is a good thing.

“Apo, hindi mo kailangang magbow sa kanila. Tandaan mo, ikaw ang boss nila dito,” sabi ni Lolo. Napatango na lang ako. Haiiiisssst! Kakayanin ko kayang mabuhay sa ganitong bahay? I mean, siguro masarap tumira sa ganitong bahay pero nasanay ako sa bahay na tama lang ang laki para sa aming tatlo nila Mamu at Mamita.

“Young Lady, ako na po yung magdadala ng gamit nyo,” sabi nung isang babae.

“Wag na po, sanay naman na po akong dalhin ito,” sabi ko.

“Sige na AC, trabaho nilang pagsilbihan ka. Hindi ka na isang hamak na estudyante lamang,” sabi ni Lolo. Tumingin muna ako dun sa babae na nginitian lang ako tapos yun, binigay ko na sa kanya. After naming maglakad, hindi pa kami nakakalayo, may humila na sa buhok ko.

“ARAY KO!”

“You deserve you b!tch! Kung hindi dahil sayo eh di sana nakatira pa rin ako dito! Kung hindi dahil sayo kami pa sana ni KC!” sigaw ng isang babae sa akin. Hindi pa rin nya binibitawan yung buhok ko kaya sinipa ko sya. Nag-aaral kasi ako ng mga pang-self defence na moves. Medyo maraming tao kasing nanti-trip sa akin nung nasa LC ako. Daig pang naglalaban sa Hunger Games doon.

“You don’t deserve that title! I know you are freaking fake!” sabi nya.

“Hoy, ateng sosyalerang fraglet, kung hindi mo tanggap na mas maganda ako sayo, wag kang manghihila ng buhok basta-basta. At isa pa, hindi ko kasalanan kung natural na sinungaling yung doktor na kumuha ng test sayo 12 years ago. Hindi ko rin kasalanan kung wala naman talagang dugo ng Fuentabella na dumadaloy jan sa katawan mo. Isa pa, kung totoo nga yung nabalitaan ko na Nanay mo yung may gustong pumapel ka bilang isang Fuentabella, sya yung sisihin mo kung bakit hindi na kayo ni KC. And also, there’s some called ‘moving on’ you know. Don’t be too immature,” sabi ko. Susugod pa sana sya pero napigilan na sya nung mga gwardya sibil na nakabantay sa amin.

“MAY ARAW KA DIN!”

“MAY BUWAN KA RIN!”

After ma-kick out yung babaeng yun sa bahay ng mga Fuentabella, napahawak ako sa buhok ko. Aruguy! Masakit yung part na sinabunutan nya. May lahing wrestler ata yun kaya ganun manabunot eh. At tsaka, sinisi pa ako eh sya na nga yung nagpasasa for 12 years! Nabuhay syang mapagmataas at matapobre (hindi ko sure kung iisa lang yun pero basta!), habang ako, lumaking siga sa kanto na nang-uupak ng mga taong walang magawang matino kundi lumaklak ng alak araw hanggang gabi.

“Johnson, ituro mo sa kanya yung kwarto nya,” sabi ni Lolo. Tumungo naman yung lalaki tapos naglakad na papunta sa may hagdan. Tiningnan ko si Papa tapos tumango sya. Sinundan ko yung si Johnson hanggang sa makaabot na kami sa second floor. Masyadong malawak ‘tong lugar na ‘to ah.

“Ah, kuya—”

“Ate ako,” sabi nya. Ay! Bongga may ka federasyon pala sila Mamu dito!

“Sorry, Ate, may mapa ba kayo ng bahay na ‘to?” tanong ko.

“Yung totoo, turista ka ba o anak ka talaga ni Sir Mauricio? Kasi sa pagkakaalam ko, kabisado mo na yung bawat parte ng bahay na ‘to…. Oops, hindi ka nga pala si Ms. Joanna. Miss, alam kong lumaki ka sa squatters area pero sana hindi naman ibig sabihin nun, mag-aasal squatter ka,” sabi nya.

“Wow, SQUATTER, big word! Makaasta ka parang ikaw yung may-ari ng bahay na ‘to. Ano ka lang ba dito? Sorry kuya kung sasabihin ko sayo ‘to ha, ngayon ko lang na-realize na hindi lahat ng bakla iisa. Kasi ako napalaki ako ng dalawang bakla. Oo, lumaki ako sa squatters area ano naman sa ngayon? Hindi ko na mababago yung katotohanan na lumaki ako sa ganung lugar pero alam mo mas nagpapasalamat pa ako na naging ganun ang nangyari. Alam mo kung bakit? Simple lang, dahil hindi ako lumaking antipatiko, mapagmataas at katulad nung Joanna na yun na immature at hindi alam kung paano mag-move on. Ngayon, sana naman ituro mo na sa akin yung magiging kwarto ko dahil sa sobrang daming nangyari ngayong araw na ‘to, gusto ko ng magpahinga,” sabi ko. Tinirikan nya ako ng mata bago ako dinala sa isang kwartong may design na purple. Alam kong hindi eto yung sinasabi nila. Alam ko ‘tong kwarto na ‘to dahil kay Joanna ‘to. At isa pa, AYAW ko sa kulay na ganito. Iniwan ako ni Johnson’s baby cologne dito. Hinanap ko yung telepono at hinanap yung ‘directory’ kung meron man (At meron naman). Dinial ko yung number ni Papa at nagring. Medyo natagalan bago nya yun sagutin.

“Hello?”

“Papa! Nandito ako sa isang kwarto! Hindi ko alam kung saan ba ‘to pero ayoko dito,” sabi ko.

“Sige, sige, nandito na ako,” napatingin ako sa likod ko bago nakita dito si Papa.

“Nasaan po ba yung kwarto ko?” tanong ko.

“Doon sa kabilang wing. Sa west wing ka mag-s-stay dahil nandun yung kwarto namin ng Lolo mo. Etong kwartong ‘to, kay Joanna ‘to. Bukas, may pupuntang teacher dito na tuturuan ka kung pano kumilos ng maayos at tuturuan ka ng etiquette at proper ways on how to live as a rich girl,” sabi nya. Bakit pa ba kelangan nun?

[[a/n: Ewan ko ba, biglang nag-iba yung mood ko bandang dulo pero sana nagustuhan nyo parin! Thanks sa pagbabasa! ^_^]]

Clash of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon