Undeniably Attractive
"Alex?" Sambit ko.
Nanlaki ang mga mata niya na para bang kakaiba ang sinabi ko. Natataranta siyang lumapit sa akin, kinulong niya ako sa mga bisig niya. Mahigpit ang yakap niya ngunit napapagaan nito ang loob ko.
"I know you'll remember me." Aniya. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.
"H-hindi ko pa naaalala lahat." Nag-aalangang saad ko.
Naramdaman ko ang takot na bitawan ang mga salitang iyon. Ayoko siyang masaktan, abnormal na ata ako dahil pakiramdam ko ay nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko nang maramdaman ko ang unti-unting pagbitaw niya sa pagkakayakap sa akin.
Pinunasan niya ang luha niya. "W-what do you mean?"
"Kaunti pa lang ang naaalala ko." Tugon ko. "Yung stuff toy, ikaw ba ang nagbigay no'n sa akin? Pati itong kwintas?" Itinuro ko ang kwintas na suot ko.
"You wear it." Nakangiting saad niya, hindi iniintindi ang tanong ko. Iisipin ko na lang na 'oo' ang sagot sa mga tanong ko. May parte sa akin na natutuwa.
"Teka, bakit ka pala nandito?" Pag-iiba ko ng usapan. Bahagya akong lumayo sa kanya. Masyado kaming malapit, natatakot akong maramdaman niyang kinakabahan ako dahil sa presensya niya.
"I am your teacher." Simpleng sagot niya. Kumunot ang noo ko.
Ano bang sinasabi niya? Paanong nangyari na teacher ko siya?
"Hindi ako nakikipagbiruan." Seryosong saad ko. Tumitig ako ng diretso sa mga mata niya pero ako rin ang naunang nag-iwas.
Bakit ganito ang pakiramdam kapag kaharap ko siya?
"I'm not joking. I am your Calculus teacher." Seryosong saad niya.
Muli ko siyang tinitigan. Hindi naman mababakas sa mukha niya na nagbibiro siya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.
"Talaga? Eh, bakit mo ko binisita sa hospital?" Tanong ko.
"Because I want to make sure you're fine."
"Ano naman ngayon sa'yo kung mabuti ang lagay ng estudyante mo?" Ngumuso ako.
"You're not just a student for me." Sinabi niya iyon habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa nararamdaman kong pagka-ilang. Umubo ako. "Nandito po ako sir para kumuha ng final exam. Yung kanina, sorry po sa pagtawag ko sa inyo ng 'Alex'. Hindi na po mauulit." Saad ko habang nakatingin sa table niya.
"Don't worry, you're allowed to do that." Saad niya bago bumalik sa swivel chair.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "'Wag ka ngang ngumiti." Bulong ko sa sarili.
Iniligpit niya ang mga papel na kanina ay minamarkahan niya. Lumapit ako nang iabot niya sa akin ang final exam, saka ako naupo sa sofa at doon ito sinagutan.
Nanatili ako sa isang numero nang maramdaman kong may nanunuod sa akin. Mabilis akong nag-angat ng tingin upang hulihin siya. Hindi man lang siya nag-iwas, para bang hindi siya nahihiya na nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Mawalang galang na sir pero bakit po kayo nakatingin? Kanina ko pa po nararamdaman 'yang pagtitig niyo." Mataray na saad ko. Kung may makakarinig nga sa akin, hindi siguro iisipin na teacher ang kausap ko.
"I just want to watch you." Nakangiting tugon niya. Itinaas ko ang kaliwang kilay ko.
"Hindi po ako makapagsagot ng maayos sa ginagawa niyo." Saad ko bago ibalik ang tingin sa papel.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...