"Hindi ako papayag sa gusto nyo"
Ito na yata ang pinaka malaking problema ko sa tala ng buhay ko.
Sino ba naman ang matinong magulang ang papayag na ikasal ang anak nila para lang sa Business nila at kailan pa nadamay ang a at ipagkakasundo ako sa hindi ko kilala at mas lalong hindi ko mahal ang ipapakasal para sakin. Ang masakit pa nito pumayag ang mga magulang at para bang ayos lamang sa kanila ang nangyayari sa akin.
"We will wait for your decision Dear, its for you and for our business--"
"NO! hinding-hindi ako papayag sa gusto niyong mangyare! Correction! para sa business not for me! Dad what goes in your mind?! At maghihintay? talaga Mom? Sabagay kailan niyo ba pinakinggan ang side ko? At Never magbabago ang desisyon ko. EVER"
Hindi ko na hinitay ang reaksyon at sasabihin nila agad na akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Kilala ako ng mga Maids and Guards walang makakapigil sa akin at kinatatakutan nila ako.
To: Vianne
I need you.
And I start my car. Dumiretso agad ako sa bahay nila Tita Lisa ang Mother ni Vianne doon ako dumidiretso lalo na kapag may problema ako. Si Vianne ang ang bestfriend ko since elementary ng makilala ko siya, pagkarating ko ay kinuwento ko lahat ng nangyari kay Tita at Vianne.
"Vianne kumuha ka ng tubig" narito ako nakaupo at umiiyak habang hinihimas ni Tita Lisa ang likod ko.
"Don't worry kakausapin ko si Isabella at Francisco tungkol dyan" inakap niya ako at mas lalong bumuhos ang luha ko.
"T-Tita hindi ko pa sila kayang h-harapin"
"It's okay iha, naiintindihan namin" at inabot sakin ni Vianne ang tubig.
"Vianne bring her in guestroom, feel at home wag kang mahihiyang lumapit sa amin nandito lang kami" nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang ina mas lalo akong nainggit sa pamilya ni Vianne. Samantalang ako may pamilya pero hindi ko sila nakakasama hindi katulad noon masaya kami pero negosyo ang tinututukan nila kaysa sa anak. Si kuya naman ay nasa France at nagtatrabaho.
"Coldrey, its gonna be okay" sabay hawak sa kamay at ngumiti.
"But how?" yumuko ako upang pigilan ang pagluha ko.
"Actually hindi ko alam pero may dahilan naman ang Diyos kung bakit dumadating ang problema pero pagsubok lang yan sa buhay at alam kong kaya mo yan ikaw pa! napakatapang mo sa lahat ng bagay yan pa ba?! pero Coldrey may pagkakamali ka din hindi mo dapat tinakbuhan o tinalikuran sila Tito at Tita dahil magulang mo parin sila at hindi magbabago yun. Hindi nga natin alam ang dahilan nila Tito at Tita pero baka may dahilan iyon tandaan mo lang ito may pagkukulang man sila pero Mahal ka nila, Coldrey" ngumiti na lamang ako sa mga sinabi niya buti nalang nandito siya para suportahan ako.
But still NO.
BINABASA MO ANG
Agreement (On going)
General FictionBasahin ang storya ni Coldrey Irvington [; smile/