Chapter 9.

853 23 0
                                    


Engineer



Pagkatapos ng graduation ay umalis ako ng Pilipinas. I was able to get my MBA in California State University after 5 years. Ngayon ay malapit na akong nagcelebrate ng 5th year anniversary ko sa De Villa group of companies. Ang kumpanyang minana ni Froilan sa kanyang ama.

Almost 10 years ago, pagkatapos ng graduation ball na iyon ay kinausap ako ulit ni Froilan. He said that he wants to help me move on. Hindi iyong paraan na makikipagrelasyon ako sa kanya. Gusto lang niyang maging kaibigan ko habang ginagamot ko ang sakit sa puso ko. I agreed at sinamahan niya ako dito sa California.


Isa ako sa mga matunog ang pangalan na engineer dito sa California. I worked with several big projects at lagi ring nirerequest. At ngayong magdiriwang na ako ng ikalimang taon ng tagumpay ay nakatapos na naman ako ng isang malaking project kaya magkakaroon kami ng party mamaya dahil doon.


Maiimbitahan daw ang ilang sikat at magagaling na Engineer sa America at international.


Excited ako doon. Balibalita sa opisina na inimbitahan ni Big Boss ang pinakasikat na Engineer sa Pinas. Matunog daw ang pangalan niya at halos pantay kami ng achievements. Nakapagtatakang ni hindi ko siya nakilala pero ayos lang. Tutal naman ay makikilala ko rin siya anytime soon.


May offer din ako sa Pilipinas and I want to accept it to have some sort of a vacation back at home. Isang malaking kumpanya sa Pilipinas ang nais makipagpartner sa amin at ako ang naatasan ni Froilan na pumunta doon.


Nagiisip pa ako kung tatanggapin ko iyon. Yung totoo may takot akong makita ko si Dominic pag bumalik ako. Malakas ang tiwala at kumpyansa ko na magiging matagumpay siya noon at hanggang ngayon ay ganoon pa rin.


I have been thinking of ways on how to face him if one day comes and I meet him again.



Pero maisip ko pa lang iyon ay tila nanghihina na ako. Aaminin ko, any attempts of moving on fron him is futile. I never moved on. Distance didn't make any fucking difference. Mahal ko pa rin siya.


He's my first love, first kiss and first heart break. Hinding hindi ko na yata siya malilimutan.


Nag-ayos na ako at lumabas na sa apartment. 7pm ang start ng party. Ayokong nalelate kaya maaga akong tumulak papunta roon. Pagsakay ko sa kotse ay tumugtog ang isang pamilyar na awitin.


If only love could find us all
If only hearts didn't have to fall
We can't mislead and make things right
So instead we'll sleep alone tonight


I sighed, whenever I hear this song it breaks my heart. Naaalala ko pa ang unang buwan ko dito sa California. Tulala ako most of the time. I only think about Dominic, the only smile he gave me, his kiss and his touch. Napakahirap lalo na't bugbog ang munting puso ko.

Wasak ako at konti ang natirang kumpyansa sa sarili. I almost lost my self-respect for my endless begging and chasing for Dominic.

Nagpark ako sa may venue, bahagyang tumingala upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko dahil sa mga alaala niya.

Pagkalabas ko sa kotse ay chineck ko muna ang aking purse. I have all the things I need so I am good now. Sinigurado kong nakalock ang kotse ko bago mabagal na naglakad papunta sa elevator.

Papasara na iyon kaya nagmamadaling tumakbo ako para mahabol iyon.

"Hold the doors please!" Sigaw ko. Pinigilan naman iyon ng nasa loob kaya nakayukong pumasok ako at bumulong ng isang pasasalamat.

Napatingin ako sa sapatos ng kasama ko sa loob ng elevator. The design looks old pero mapagkakamalan mong bago iyon sa kintab nun. Naalala ko ang leather shoes na binili ko para kay Diyo. Napangiti ako. Imposibleng ganyan pa rin kaayos iyon ngayon. 10 years passed, baka nga tinapon niya na lahat ng binigay ko sa kanya nun nung magkahiwalay kami.


Napailing ako. Umangat ang tingin ko sa maliit na monitor na nagpapakita ng nunero ng floor na kinaroroonan namin. The party is on the 23rd floor. Nasa 8th floor pa lang kami. Sinalubong ako ng mabangong samyo ng lalaking kasabay ko. Halatang mamahalin iyon pero hindi masakit sa ilong. It smells so masculine but really sweet.


Napatingin ako sa reflection ng lalaking kasabay ko sa elevator. Binundol ako ng matinding kaba sa dibdib ko nang makilala ko ang mukhang iyon. Nanlamig ang palad ko nang salubungin niya ang paningin ko sa reflection na iyon.

Suot niya ang glasses na tulad ng ipinagawa ko para sa kanya dati, nagbigay iyon ng napakamaawtoridad na aura mula sa kanya. Ang long sleeves na kulay itim na suot niya ay tulad din ng long sleeves na binili namin noon. Nakatupi iyon sa magkabilang siko niya.

Hindi naman siguro niya gamit iyong mga binili namin 10 years ago no? Hello! He became bigger and buff. Mas tumangkad rin siya. Pero ang nakalipas na panahon ay nagbigay lamang sa kanya ng dagdag na maturity at kakisigan.

"Dominic." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Gulat man ay hindi ko ipinahalata iyon lalo na't walang mababakas na emosyon sa mukha niya. Seryoso pa rin at kung nagulat man siya sa aming biglaang pagkikita ay hindi talaga iyon mahahalata sa mukha niya.


"Athena." Bati niya sa malalim, buo at baritonong tinig. Kilabot ang sumigid sa kalamnan ko. Tila tumilapon ako pabalik sa panahon na una ko siyang hinalikan. Tila may sumasabog sa loob ko na maliliit na kwitis. Pinapainit ang loob ko at pinapasabog sa iba't ibang emosyon. Isang salita lang ang pinakawalan niya pero nagkaganoon na ako. Fuck!

Tumunog ang hudyat na nasa 23rd floor na kami. Hindi ko na siya sinulyapan at nagmamadaling lumabas ako sa elevator. Hindi man siya umimik ay ramdam ko naman ang nanunusok niyang pagtitig sa likod ko.

Hindi ako mapakali. Kumuha ako agad ng isang basong champagne nang dumaan ang waiter sa harap ko. Halos hindi ako nakahinga isipin pa lang na nasa iisang lugar kami. Humihinga sa iisang hangin. Lalong lumiliit ang mundo ko. Ayoko, hindi ako makahinga.

Nagsimula ang programa na wala akong maintindihan sa nangyari. May mga bumabati sa akin na sinusuklian ko ng ngiti pero hanggang doon lang. Patuloy lang akong umiinom. Medyo nahihilo na ako sa dami ng nainom ko.


"Ladies and Gentlemen. I would like to take this opportunity to let you people meet one of the most renowned and sought after engineer in the world right now. Please welcome Engr. Dominic Olivares. The owner and founder of Olivares Industries. Can you give us a little speech for tonight's party?" Masigabong palakpakan ang sumabog sa buong hall. Nakita ko ang pagtayo niya at paglapit sa stage.

He screams authority, power and wealth now. Even the way he carried himself makes him different from the crowd.

"Good evening everyone. I really don't intend to speak in front of you guys tonight so I don't have anything to talk about." Tumawa ang lahat at nagbigay siya ng maliit na ngiti. "So just let me ask everyone to enjoy the party and relax. Thank you!" Ibinalik niya sa host ng party ang mic at mabagal na naglakad.

Nagtaka ako nang hindi man lang siya bumaling sa lamesa niya kanina. Tila papunta siya sa direksyon ko. Nanginginig ako. Ayoko siyang makausap. Inisang lagok ko ang hawak na champagne.


Sa bahay ko na itutuloy ang pag-inom. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng hall. Muntik na akong matalisod sa pagkahilo pero di ko iyon ininda. Tumakbo ako papasok sa elevator nang makita ko iyong papasara na. I pushed the basement and close button pero may malaking kamay na pumigil sa pagsara nun.



"Athena."

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon