A/N: d'awwww. sana magustuhan niyo to. :D
Chapter 15 – Prince…Charming?
“Do not disappoint us, Amy. Your sister has damaged our family’s reputation enough.”
“You are a noble! You cannot escape from this. It is better to accept it than deny it.”
“Soon, you are going to rule this kingdom.”
I woke up. And basang basa ako ng pawis. Tumayo ako agad.
Amethyst’s POV
So it’s been two days. I thought yesterday makakapasok na ako, pero…maling akala!
Matapos kong pagpawisan kanina, medyo gumanda na ang pakiramdam ko. Effective ata yung mga gamot ni Rence eh. HEHEHE. Sarap ngang maligo. At eto ako, nagpapakabagot. Dapat huhugasan ko ang pinggan eh ang kaso sira ata yung gripo. =_____=
Naalala ko yung mga panaginip ko kanina. Series of flashbacks nung nasa England pa ako. UGH. Story of my life, parang fairy tale. =___= Princess princess chever. Kung tutuusin, mas bagay naman si ate maging prinsesa kaysa sakin eh. Hindi niyo lang alam kung gano siya katalino, na-praise pa nga siya dahil sa leadership skills niya. Ang kaso nga lang, ayaw niyang pakasalanan yung gustong ipakasal sa kanya ni parents namin.
Na-meet na niya kasi si Kuya James nun. Taray noh? Pareho kami ng dahilan ni ate. Ang kaso nga lang, ako, bukod sa bata pa ako baka mahanap ko ang prince charming ko. Eh pano kami magkakaroon ng Happily Ever After kung kasal na ako, diba? Pero sana nga makilala ko na ang prince charming ko.
Kailan kaya dadating si Prince Charming ko?
*ding dong*
WOW, AGAD AGAD? XD
Binuksan ko yung pinto at…sinara ulit. Binuksan ulit at…sinara ulit.
Binuksan ulit at—
“HOY ANO BA.”
Lord, PRINCE CHARMING ang hanap ko, hindi ANTIPATIKONG DEMONYONG IPINATAPON SA IMPYERNO. =_____= Kilala niyo na kung sinong tinutukoy ko.
“Hindi mo ako papapasukin?”
Kung pwede lang eh, pinakain na kita kay Shamcey. Pasalamat ka maarte si Shamcey at hindi kumakain ng BITTER.
Tumabi ako para makapasok siya tapos binagsak yung pinto. “Pipi ka ba?” Tanong niya.
“Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka bang klase? Nag-cutting ka nanaman? Akala ko ba—“
“Ssh. Dahan dahan lang. Pinapaalis mo ako? Masama bang bumisita?” Sabi ni Vince. “Hapon na po. Atsaka maaga kami pinalabas ngayon.”
“Weh?”
“Atleast ako pumasok, eh ikaw?”
ABAAAAA. PARA NAMANG KASALANAN KO. =____=
“Bibisita ka ba o mambwibwisit ka?” =____=
“Aishhh.” Sabi niya tapos nagkamot ng ulo. “Magso-sorry sana ako.”
HA?
Totoo ata yung sabi nila na kapag may sakit ka, nabibingi ka eh.
“Ano?”
“Bingi ka ba? Ayoko na ulitin.”
“K. Suit yourself.” Sabi ko then tumalikod.
“UGH. Alright, fine. Gusto ko lang mag-sorry.”
“For?” Tanong ko habang humaharap sa kanya.
“For…yelling at you, not listening to you and um…leaving you there? Sinabi sakin ni Kuya Jish.” Umiwas siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress (TMH)
RomanceIsang babaeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay ang magpanggap? Isang lalakeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay isuko ang mahal niya? The...