"Kaya ka nilalayuan ng mga boylet eh! Bukod sa suplada at sadista, ang sungit mo pa! Yan ang tinatawag na triple S personality. Hahaha!" Ani Jobet..
"Ang lakas din ng pang asar mo eh 'no? Tsaka, hay nako, teh! Di ko kailangan ng lalake sa buhay ko 'no! Problema lang yang mga yan. Bukod sa manloloko, mga paasa pa. Hmp!" sabi ko naman..
Ako nga pala si Andrea Jaren Bianco. Typical incoming 4th year HS student. Di kagandahan, di rin naman kapangitan. Saktuhan lang. Kalog, makulit, masungit, minsan friendly. Broken ang family ko dahil mas pinili pa ng tatay kong makasama ang walangya nyang babae kesa samin ng mama at nang kapatid ko. Ayun tuloy, naging bitter ako sa mga kalalakihan. Ewan ko ba. Pilit kong sinisiksik sa isip ko na lahat sila manloloko. Pero may isang lalake na nagpabago lahat ng yun.. At ang pangalan nya ay Kevin Sanchez.
Isang umaga..
"Anaaakk! Bangon na! Mamamalengke ako, dun ka muna sa tindahan. Tulog pa si Albert. Pag gising nya, ipaghanda mo ng almusal ha? Nagluto ako ng sinangag dyan, kayo na bahala sa ulam nyo ha? Osya, bye na. Mwah! *kiss sa cheeks* I love youuu!"
"Mama naman eh.. Haahhh.. *hikab* ang aga-aga pa po eh. Sige na nga, bye! I love you too. Muah! *flying kiss*"
Anubayan.. ang aga pa ehhh. -_______- di pa nga mulat ang mga mata ko eh. Haysh.
"Ambet! Bangon na, wala akong kasama dito magbantay ng tindahan, namalengke si mama. Anung gusto mong ulam?"
"Hahh.. *hikab* ang aga aga pa ehh.. hay!" sabi ni Ambet habang naghihikab.
"Ganyan din ang sabi ko kanina. Haha. Dali, bumangon kana! Ano gusto mong ulam?"
"Pagbilan!" sabi ng isang lalaking bumibili.
"Sandali lang, andyan na!" sabay punta ko sa tindahan.
"Isang yosi nga."
Ano ba yan! Ang dami kayang sigarilyo dito. Pwede namang sabihin kung anung klase eh. Nakakaasar naman tong lalaking 'to! Tsk! >_<
"ANO BANG KLASE NG SIGARILYO?!? MADAMING KLASE NG SIGARILYO DITO!" sabay kuha ng mga rim.
"Easy lang, miss. Haha. Sorry naman. Marlboro Lights, isa lang po. Ang aga-aga, ang sungit-sungit mo. Hahaha." sabi nya sa tonong nakakaasar. Tss. >:/
"Ah-he-he, nakakatawa eh 'no? Di tayo close kaya wag kang mang-asar! Umagang-umaga, binubwiset mo ko! Oh, ayan na yosi mo!" *sabay hagis ng sigarilyo*
"Grabe naman. Gusto lang naman makipag-close eh. Kevin nga pala ang pangalan ko. Taga dyan lang ako, bagong lipat. Ikaw bahala kung gusto mong sabihin pangalan mo. For the mean time, Ms. S muna tawag ko sayo."
"Una sa lahat, ayokong makipagkaibigan sa mga taong katulad mo. Ang bata mo pa, naninigarilyo kana. Pangalawa, WALA AKONG PAKE kung Kevin ang pangalan mo at kung taga saan ka. And lastly, ayoko nang tinatawag mo ko ng Ms. S! For the last time, HINDI TAYO CLOSE. OKAY? So, lumayas kana at madami pa kong dapat gawin sa bahay. Kung gusto mo, dun ka nalang kanila Aling Luz bumili, wag na dito. BYE!"
"Ouch! Grabe, tagos hanggang buto ang mga sinabi mo ah. Well, since nasimulan ko na ang pagpapakilala ko, diretsuhin ko na. First of all, anak ako ng isang kilalang businessman sa Manila na napilitang lumipat ng bahay dito sa lugar nyo dahil naglayas ako. Secondly and honestly, natututo palang ho akong manigarilyo. Don't ask why. And lastly, HINDING-HINDI ako bibili kanila Aling Luz 'no! Ang sungit kaya non. Haha!" sabi naman nya.
"Talaga? Totoo lahat nang sinabi mo??"
"Oo ah!"
"Well, I don't care! Sige, BYE NA!" sabay sarado ng maliit na bintana.
BINABASA MO ANG
Mr. Stalker (Short Story)
RomanceWhat happens when Andrea meets a stalker who's willing to love her endlessly? Will she hold back? Or will she just go with the flow? Start reading and find out.