Ako si Gabriel, pero Gabo ang tawag sken ng mga kaibigan ko. Disi-siyete anyos, batang tambay at, mukang walang patutunguhan ang buhay. Di na ako nag-aaral, stop na, gago kse. Simple lang ang pamumuhay ko. Umaga na kung matulog, gabi gabi nag-iinom, khet saan nangba-babae. Kaya galit na galit sken si papa eh! Kumpara naman kse sa mga kapatid ko, ako nlng ang hindi pa nakakatapos at wala pang trabaho. Pero khet ganto ako, mahal na mahal ako ng mama ko. Lagi nya akong pinagtatanggol kay papa at sobrang haba ng pasensya sa akin. Kung di lang tlga dahil kay mama... Pasaway at suwail man akong anak, mapaglaro man sa mga babae, ibang iba naman ako pagdating sa mga kaibigan ko.
"Gabo!" Sigaw ni Benj. "Oy! Bket?" Sagot ko. "Birthday na ni Tep bukas ah? Alam mo na! Maraming chicks dun." Sabi niya. "Haha! Gago ka talaga! Mukang chicks!" Asar ko.
Sabay kmeng pumunta ni Benj kayla Teptep. Tama nga siya, sobrang daming chicks. Sa magto-tropa kse, si Teptep ang pinakamayaman, kaya iba kung magbirthday. Samantalang kme latagan mo lang ng lamesa, lagyan mo lng ng mga upuan, ok na! Bahala na maglunuran sa alak. Ang saya na nun! Ang dami ko ng nainom, ang dami ko n ring nahingan ng number. Nang biglang may babaeng naglakad sa harapan ko. Nag-iba yung pakiramdam ko, parang gumaan yung loob ko. First time 'to! "Ang ganda niya! Parang may anghel na nagdaan." Sabi ko sa sarili ko. Sinundan ko ng titig yung babaeng yun, sabay lumabas ng pintuan at umuwi na. "Ano ba yun?!" Sigaw ko.
Di ko makalimutan yung babaeng nakita ko kagabi. Agad agad akong nagpunta kayla Teptep, tinanong ko kung sino yung babaeng yun. "Di ko alam bro, ang daming babae kagabi." Sabi ni Tep. "Wala kang kwenta! Mag-birthday ka ulet!" Hindi ko alam kung anung gagawin ko, parang paulet-ulet kong nakikita yung muka nung babae. Hindi ko alam kung san ko sya hahanapin pero ang alam ko, magkikita't magkikita ulet kami.
Sa sobrang desperado kong makita sya, pati pagba-basketball ko naaapektuhan. Pag may babaeng nagdadaan akala ko sya na, di naman pala. Sa mga panaginip ko, sya rin ang nakikita ko. Di rin ako maka-concentrate sa pagdo-DOTA ko, pati tetris ko nagra-rank down na. "Tangina neto oh, daig mo pa broken hearted sa drama mo ah! Kulang na lng wag ka ng kumaen." Sabi ni Brian, yung tropa kong taga-bantay ng computer shop nila. "Ewan ko ba Bri, iba tama ko dun sa babaeng yun. Eh di pa naman kme nagkakapagusap, di ko nga alam kung anung pangalan nun eh." Sabi ko. "Oh bayaran mo na, 40 nlng para sayo. Baka takbuhan mo na naman eh!" Sabi ni Brian. Tumayo na ako tas inabot ko na yung bayad "Oh yan! Kupal ka."
Paglabas ko ng computer shop, tumambay ako sa harap ng tindahan nila Michelle. Lagi naman kmeng nakatambay dun nila Benj at ng iba pang tropa. Maga-alas dos na nun ng umaga, "Tito Jeff, matulog ka na daw. Maaga pa tayong aalis bukas." Bigla akong may narinig na boses ng isang babae. Paglingon ko, yung babaeng yun yung babaeng nakita ko nung birthday ni Tep. Ang bilis ng pangyayari, bigla na lng syang nawala. Parang natulala kse ako, hanggang sa nagpaalam na si Tep. Dko man lng natanong kung sno yung babae basta't natulala nlng ako. "Pare yung babae knina, sya yung sinasabi ko sa inyo." Sabi ko. "Ay si Ria?!" Sabi ni Benj. "Ria? Kilala mo pala hayop ka! Bket ngayon mo lng snabi?!" Sigaw ko. "Gago ka Gabo, pamangkin yun ni Tep." Natigilan ako, bigla akong nanghina. "Bket? Bket kailangan pamangkin pa sya ng tropa ko?" Sabi ko sa sarili ko.
Ang tagal na naming magkaibigan ni Tep, mga bata pa lng kme kilala na namin ang isa't isa. Halos sa lahat ng kalokohan magkasama kme, lalo na pagnangchi-chicks. Kilalang kilala ako ni Tep, kahit kailan di ako nagseryoso ng babae.
In-add ko sa facebook si Ria, kinuha yung number nya sa pinsan nya, at nagsimula nkong makipagkaibigan. Walang alam si Tep na nakakapag-usap pala kme ni Ria. Tumagal yun, na hanggang text lang kme. Pero khet ganun, masaya ako. First time kong naramdaman yung ganun kasaya khet sa text lng. Umaga, tanghale, gabi magkatext kme. Khet naba-bad trip ako, napapawala nya yun. "Iba talaga 'tong babaeng 'to." Sabi ko sa sarili ko.