"Uuuy! Ang sweet naman! kayo na tuloy!"
"Yiiieeee! Nakakainggit! Bagay kayo!"
"Kanina pa kami kinikilig dito dahil sainyo!"
Mga hiyawan at asaran ng mga kaklase ko kila Daniel at Claire sa loob ng Classroom. halos, buong batch na ang nakakaalam tungkol sa kanilang dalawa.
Si Daniel? 'di yan sikat. 'di lang napapansin ng mga babae. Ordinary guy lang. Pero ang nickname sakanya dito sa school namin.. ay BATMAN. Siguro dahil sa, favorite niya nga si Batman. Obviously. 4 years na kaming magkaibigan, pero ngayon lang kami naging close. or should I say.... Super Close.
"Uy, okay ka lang?"
sabay yugyog ng upuan ko sa likod. Si aubrey pala. lumingon ako sa kanya at sinubukan kong ngumiti.
"Ha? Ah, oo naman. ba't naman hindi ako magiging okay?"
:|
"Eh, kulang nalang MATUNAW silang dalawa sa kakatitig mo. ^_____^"
Tinawanan ko nalang yung sinabi niya. "Bakit? masama bang tumingin sa kanila? -_-"
"Wag ka nga maging Bitter! kilala kita, Kath"
At bigla naman sumingit si Camille.
"Ano ba pinag-uusapan niyo at parang madrama na naman ang mukha ni Kath?"
HAYYY. mga kaibigan ko talaga. wala kang maitatago sa kanila kasi mabubuking ka kaagad. -.-
"Wala yu--"
"--Nagseselos siya kay Claire."
HALA. 'lang hiya talaga 'tong si Aubrey. OBVIOUS na ata talaga sa mukha ko na nagseselos talaga ako. Eh sino ba naman ang 'di magseselos sa girlfriend ng taong MINAHAL mo for 4 years pero ang tingin lang sa'yo eh.. isang KAIBIGAN.
Wala rin naman akong magagawa eh. T.T
"Aww, nako naman oh. Sabihin mo na kasi sa kanya yung totoo. wala naman mawawala diba?"
Kung alam niya lang yung nararamdaman ko. Ang hirap kaya! T.T
Hayy. ewan ko sakanila.
di naman masamang tumingin sa kanila, diba?
kahit ang hirap magpanggap na masaya ka para sa kanila, alam mo at ng mga kaibigan mo na gustong gusto mo ng pumatay ng tao sa sobrang sakit na nararamdaman mo. >:O
chos, ang drama pero yun ang totoo eh. >____<