Sa buong gabi ng prom, enjoy na enjoy kaming lahat. Noong tumugtog ang Girls Just Wanna Have Fun ay hinatak ako ni Kyle sa dance floor at sumayaw kaming dalawa. Masaya ang gabi at puro kami tawanan habang nagsasayaw. Sinamahan kami ni Luis at Dylan noong tumugtog na ang Always Something There To Remind Me, Livin' On A Prayer at Shot Through The Heart, And You're To Blame. 80s ang theme ng prom namin ngayong gabi na ayon kay Luis ay gustong gusto niya, dahil paborito nila itong pakinggan ng mama niya. Pero alam naman na ni Kyle 'yun.
Noong patapos na ang huling tugtog ay bigla itong nagbago at naging slow love song. Biglang tumugtog ang Take My Breath Away. Humiwalay na sa amin si Kyle at Luis at nagsayaw. Ganon rin ang mga tao sa paligid namin. Nadagdagan pa ito ng mga couples na sama-samang nagsayaw sa love song.
Lumingon sa akin si Dylan at muli niya akong tinignan sa mata habang kinakausap niya ako. "Benice," sabi niya sabay lahad ng kamay niya. "Can I have this dance?"
Kinuha ko ang kamay niya at inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Inilagay ko naman ang kamay ko sa balikat niya, at dahan-dahan kaming sumabay sa tugtog. Habang sumasayaw kami ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko at sa pagkakataong ito ay sigurado ako na namumula na naman ako. Simula nang makilala ko si Dylan ay iba na ang epekto niya sa akin. Sa tuwing magkakasama o magkakausap kami ay hindi ko mapigilan ang pagkabog dibdib ko. Simula nang makilala ko siya ay muli kong naramdaman kung paano kiliigin at ma-excite nang dahil sa pag-ibig.
Humigpit ang kapit sa akin ni Dylan at lumapit siya sa tenga ko. At lalong nagwala ang puso ko noong marinig ko ang binulong niya sa tenga ko.
"Benice, pasensiya na kung ngayon ko lang sasabihin 'to. Sobrang ganda mo ngayong gabi." Lalo akong namula sa sinabi niya kaya ang nasabi ko lang ay, "Thank you, Dylan."
"Benice, sorry ha? Kasi, hindi ako makatingin sayo palagi. Alam ko na mahirap paniwalaan 'to, pero simula noong pumasok ka sa opisina ni Mrs. Cortez noon ay hindi ko na maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo. Kapag nasa tabi kita, o kapag nakikita kita, nawawala ako sa sarili ko at nawawala ang kumpiyansa ko. Kaya ngayong gabi, nangako ako sa sarili ko na wala akong ibang gagawin kundi maging kumpiyansa sa tabi mo. Dahil ibibigay ko sa'yo ang pinakamasayang gabi ng buhay mo." Pagkasabi niya noon, halos malusaw na ako sa kinatatayuan ko dahil sa ilang taon naming magkasama ni Patrick ay hindi ko narinig mula sa kaniya ang ganiyang salita. Hindi ko naranasan na matunaw ang puso ko sa sobrang kilig at tuwa na umaapaw sa akin nang dahil lamang sa simpleng mga salita.
Iba si Dylan. Umpisa pa lang, alam ko nang iba siya, pero ngayon, may nagtutulak sa akin para tanggapin siya, kahit na paunti-unti. At nang yakapin niya ako noong sandaling iyon ay niyakap ko siya pabalik. At hindi ko ipagkakaila na sa sandaling iyon, muling nabuhayan ang mga paru-paro sa loob ko.
Nang matapos ang tugtog ay bumalik kami sa mesa namin, na magkahawak pa rin ang kamay. At nang ihatid niya ako pauwi, magkahawak ang kamay habang nagmamaneho siya, hindi ko matanggal ang ngiti sa labi ko na dinala ko hanggang sa pagtulog ko noong gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...