Chapter 1

3 0 0
                                    

Nakita ko ang mga kaibigan kong nagkukumpulan sa may bintana ng classroom namin. Nakatunghay sila doon na tila ba may hinihintay o pinagkakaguluhan.

"Quiet ka nga lang.  Baka mahalata niya tayo at ng mga barkada niya kung haharot-harot ka riyan." Saway ni Hanna sa kaibigan naming si Jerome.

Oo.  Bakla si Jerome at tanggap na namin siya ni Hanna simula nang makilala namin siya.

"Eh ano naman te? Alam naman na ng lahat na talaga pinagkakaguluhan yung bagong transferee natin dito sa school no." nakataas ang kilay na sabi naman ni Jerome sabay paypay sa kanyang sarili.

"Ano ba yang inuusisa niyo jan mga bakla? " Singit ko sa kanilang dalawa.

Sanay na kaming bakla ang tawagan namin kahit si Jerome lang naman talaga ang tunay.  Simula nang magkakilala kami nung unang taon namin sa kolehiyo ay hindi na kami mapaghiwalay.  Nasa ikatlong taon na kami ngayon sa kursong Business Administration at ito pa din kami,  kapit-bisig.

"Ano pa ba?  Edi yung pogi na bagong transfer dito.  Fourth year college siya sa Architecture at ang alam ko... " biglang umangkla sa braso ko si Hanna at sinuklay naman ni Jerome ang buhok ko. Anong meron?

"Kaibigan siya ng kuya mo." dugtong ni Hanna.

"So baka naman pwede mo akong balitaan kapag na sa inyo si pogi." nakangising sabi ni Jerome.

"Ano?  Pakiulit?  Anong ikaw lang? Ikaw lang makikinabang?" Saway ni Hanna. "Ako din dapat ano.  Hindi ba Sophie?"

"O siya sige na." Buntong-hiningang sabi ko na siya namang kinatuwa ng dalawang bakla kong kaibigan.

Narinig naming tumunog na ang bell hudyat ng susunod na klase.  Pero imbis na umupo sa kani-kanilang mga upuan at dali-dali namang bumalik sa bintana ang mga kaibigan ko.

"Hayaan na siya!" impit na tili ni Jerome na tila na excited na excited. 

"Tumigil ka nga.  Nahahalata tayo niyan eh." Saway namang muli ni Hanna kay Jerome.

Ilang sandali pa ay dumaan ang grupo ng mga lalaki. Agad na nahagip ng tingin ang nakakatanda kong kapatid na si Kuya Dexter na masayang nakikipag-usap sa mga barkada niya.  Kilala ko ang mga barkada niya dahil lagi silang bumibista sa bahay,  maliban sa isa.

Napatingin ako sa maputing lalaking kasama nila.  Bago siya sa mga kaibigan ni kuya.  Singkit ang kanyang mga mata.  Matangkad at katamtaman ang laki ng kanyang katawan.  Napapitlag na lamang ako nang bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.  Tila nmba biglang may kumalabog sa dibdib ko na hindi ko maipalliwanag. Ngunit ilang saglit lamang iyon dahil lumagpas na din sila sa kinaroroonan namin.

Ilang saglit pa at nadinig ko na lamang ang impit na tili ng mga kaibigan ko.

"Susmariyosep.  Hindi ata ako makahinga. Kailangan ko ng halik este cpr ni Papa Tyron!" kikilig-kilig na sabi ni Hanna.

"Walanghiya ka.  Pademure ka pang babaita ka hakiparot ka din pala at balak agawin si baby Tyron ko sa akin. Talipanhadas!" sabi ni Jerome at umaktong sinampal-sampal si Hanna.

Napailing na lamang ako sa inasal nila. Ganyang-ganyan na lamang sia lagi tuwing nakakakita ng pogi pero pagnapagsawaan na titigil na din naman.

Umupo ako sa aking upuan nang magsimula ang klase ngunit hindi ko magawang makapagfocus sa sinasabi ng aming propesor. Hindi mawala sa utak ang senaryo nang magtama ang aming mga mata ng lalaking iyon.

Bakit ba ako nagagambala sa tingin na iyon. Hindi naman dapat.  Hindi talaga. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon