ABOT-ABOT ang kaba sa dibdib ni Juliana nang marating ang FONZ— isang sports and entertainment bar sa Makati. Bago bumaba sa Uber car na nirentahan niya para makarating doon ay tinitigan muna niya ang signage ng nasabing sports and entertainment bar. Alam niyang ito lang ang nag-iisang branch ng FONZ sa Metro Manila ayon sa ever reliable na Google. Pagkaraan ng ilang saglit ay nagpasalamat siya sa Uber driver, saka bumaba ng sasakyan.
It was the day that Juliana decided to meet her "fiancé". Kahit kinakabahan ay nagdesisyon na siyang ipakilala ang sarili dito. Noong nakaraang linggo ay nakausap na nila ng kanyang ina si Don Luis at ipinresenta ang kanyang sarili bilang kapalit ni Adriana. Hindi naman tumutol ang matandang Don sa nais nilang mag-ina. In fact, Don Luis said he admired Juliana's courage of sacrificing herself for the sake of her little sister. It was the biggest sacrifice that she would ever make in her life. Wala naman siyang ibang choice kung hindi gayahin si Katniss Everdeen at i-volunteer ang kanyang sarili sa pamilya Samaniego.
Nang magdesisyon si Juliana na akuin ang pagpapakasal sa anak ni Don Luis ay hindi na rin niya inisip kung may edad na o napapanot na ang kanyang mapapangasawa. O kung masama ang pagmumukha nito. Pero nahiling niyang sana ay kahit paano ay kaya niyang sikmurain ang mukha nito para hindi naman siya dehado. Kung hindi naman sila magkakasundo ng lalaki ay puwede naman siyang mag-file ng annulment kung sakali. Given na nabayaran na nilang lahat ang kanilang utang kay Don Luis.
Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Juliana kung ano ang itsura ng anak ni Don Luis Samaniego. All she knew was his name— "Zander Samaniego". Nagulat pa siya nang malaman ang pangalan ng kanyang fiancé-to-be. Kapangalan nito ang lalaking nabangga niya ang sasakyan. Hindi niya itinatangging sumagi sa isip niya na baka si Zander the Porsche owner at ang fiancé-to-be niya ay iisa. But then, hindi lang naman ito ang nagmamay-ari ng ganoong pangalan. For all she knew, maraming tao sa mundo ang magkakatulad ang mga pangalan. Hindi naman unique ang pangalan nitong "Zander Samaniego".
At isipin pa lang ang pangalan ng may-ari ng Porsche ay napapaismid na si Juliana. Naiinis pa rin siya kapag naaalala niya ang huling sinabi nito sa kanya. Gaya nang ipinangako niya kay Zander, binayaran niya ang pagpapagawa sa sasakyan nito. Hindi na siya nag-abalang kontakin ang lalaki. Sa driver nitong si Pepe siya nakipagkita at dito rin niya iniabot ang tsekeng ipinambayad niya. May tiwala naman siyang makakarating iyon sa amo nito.
Anyway, going back to her fiancé-to-be, nagpatulong na siya sa mga kapatid na mag-research tungkol sa lalaki. Kung pang-i- "stalk" lang ay panalo na roon si Daniela. Ngunit wala silang nakuhang anumang impormasyon kay Zander Samaniego maliban sa ito ang sinasabing tagapagmana ng Stellar Holdings at ang edad nitong trenta anyos. He didn't have any pictures posted on the internet. Ang mga natagpuan nila sa mga social media accounts ay imposibleng ang lalaking pakakasalan niya. May isang taga-Spain at ang iba naman ay hindi associated sa Stellar Holdings. Mukhang mailap talaga ang lalaki. Sabagay, kadalasan ang mga mayayamang tao ay wala namang interes sa Facebook, Twitter, Instagram o sa kahit ano pa mang social media.
Pero kung hindi dahil kay Don Luis, hindi malalaman ni Juliana kung saan hahagilapin ang lalaki. Thus, she found herself at FONZ. Doon daw madalas tumambay ang anak nito kasama ang mga kaibigan. Juliana needs to convince Zander to marry her. Nalaman niya kay Don Luis na tumanggi ang lalaking magpakasal sa kanya. Siyempre, kahit hindi rin niya gustong makasal sa lalaki, kabuhayan ng pamilya niya at alaala ng kanyang Ninong Julian ang nakataya doon. Kaya gagawin niya ang lahat upang pumayag ang unico hijo ni Don Luis na magpakasal sa kanya.
Bago tuluyang pumasok sa FONZ ay inayos muna niya ang kanyang buhok na hinayaan niyang nakalugay. She also smoothed the back of her floral printed cold-shoulder knee-length dress. Bago siya nagbalak na pumunta roon ay inisip niya ang kanyang OOTD o Outfit of the day. On her feet was a pair of strappy heels that made her looking even taller. She made sure that she'd look nice and simple yet sophisticated. Wala siyang masyadong kolorete sa mukha maliban sa red lipstick at cheek tint. At siyempre kailangang, on fleek ang mga kilay niya dahil kabilang siya sa mga babaeng naniniwala sa kasabihang: "kilay is life".
YOU ARE READING
THE CARREON SISTERS: SUDDEN BRIDES TRILOGY - The Marriage Bargain
Любовные романыHi, y'all. So I'm currently writing a new story. This is the first book of the trilogy that I am currently writing~ *crossing fingers* Sana ma-push ko talaga. :) This trilogy will be about the siblings Juliana, Adriana and Daniela Carreon and...