6 years ago...
"Okay class dismiss" pagpapaalam ni Ms. Sanchez sa klase namin. Naghiyawan ang mga kaklase ko.
Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako. Habang nagaayos ako ng gamit biglang tumunog ang cellphone ko.Ate calling....
Sinagot ko ito.
"Ate?" Pagtataka kong tanong ng marinig ko ang paghikbi niya.
"Aya si Papa naospital" humihikbi niyang sabi na siyang nagpalumo sakin.
"Bakit anong nangyari!?" Naiiyak kong sabi.
"Just go home please. I already booked our flight." Medyo mahinahong Sagot ni Ate.
"What flight!? Finals ko bukas!" Frustrated kong sabi.
"Aya." Mahinang tugon ni Ate.
"Ok pauwi na ako." Binabaan ko siya ng tawag saka ako naglakad paalis dala ang mga gamit ko.
Nang makarating ako sa bahay ay lakad takbo akong pumasok sa loob.
"Ate?" Tanong ko ng nadatnan ko siyang umiiyak sa sala. Dinaluhan ko agad siya at niyakap.
"His sick." Mahinang sabi ni Ate.
"Anu bang nangyari Ate?" Nagaalalang tanong ko.
"Last year pa pala ang sakit niya pero di niya sinasabi satin." Mahinang hikbi ni Ate.
"Anung sakit?" Tanong ko.
"His suffering a heart disease Aya." Na siyang mas nagpaiyak sa kanya.
Napalunok ako sa balitang ito. Di ko namalayang tumulo na ang mga luha ko. Ang isang taong sobrang malapit sa aking puso. Papa.
"I booked a flight mamayang gabi." Seryosong sabi ni Ate.
"Tomorrow is my final exam Ate." Sagot ko.
"Fine i'll move your flight on friday night. Mauuna na lang akong umuwi roon." Sabi niya.
"Kailan ang balik natin?" Tanong ko.
"You'll continue your studies there Aya. Kailangan ni Nanay ng makatulong sa ospital." Sabi niya at tumayo na ng tuluyan at naglakad paakyat ng kwarto.
Umakyat ako ng kwarto at humiga sa kama. Nang di ko namalayan na naka tulog na pala ako.
Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa lakas ng sigawan. Lalabas na sana ako ng umilaw ang phone ko
Ate: Wag kang lalabas ng kwarto mo pagkatapos ng trenta minutos. Pero pag narining mong may nagsisigawan pa ay tumakas ka na sa bintana. I love you.
Tumulo ang mga luha ko. Naririnig ko parin ang sigawan sa labas. Buti at nakalock ang pinto ko. Alam kong di ako mahahanap dahil secret room ang kwarto ko.
Sinadyang ipagawa ito ni Ate dahil na rin sa takot.
Tumayo ako at naglakad papuntang closet at kinuha ko ang ready to go bag ko. Dapat kasama ko si Ate sa pagalis pero bakit ganito!?Habang tumutulo ang luha ko ay wala na ako narinig na sigawan. Bahagya akong kinabahan. Biglang gumalaw ang pinto ko kaya ang ginawa ko ay pumasok sa closet.
Nakarinig ako ng yapag na nakapasok.
"Aya...asan ka?" Lalaki!?
"Alam kong nandito ka lang. Lumabas ka na. Kung ayaw mong makitang pugutan ko ang Ate mo." Seryoso niyang sabi.
Nanginginig ang kamay ko habang tinatakpan ang bibig ko. Walang tigil si Ate sa pag sigaw.
"Aya!!! Wag kang lalabas! Kahit na masaktan si Ate! Wag kang lalabas!" Sigaw niya na siyang magnagpaiyak sakin. Muntik na akong mapasigaw ng makarinig ako ng putok ng baril.
"Walang kikilos taas ang kamay!" Sigaw ng mga pulis. Alam kong matagal pa bago nila kami mahanap. Dahil nasa good kami ng pinakatagong kwarto ng buong bahay.
"Aya!!!" Sigaw ng lalaki habang hinihila ang buhok ng Ate ko. Nasa harap na siya ng cabinet na pinagtataguan ko.
"Wag mo siyang sasaktan para mo nang awa!" Mangiyak ngiyak na pagmamakaawa kay Ate.
"Pag di ka tumigil papatayin na ta lag a kita!!" Sigaw ng lalaki kay Ate.
"Patayin mo na lang ako! Wag mo lang sasaktan ang kapatid ko!" Sigaw ni Ate.
"Kapatid?! Anung kapatid?!! Di mo siya kapatid Amara! Anak ko siya!" Sigaw ng lalaki.
"Hindi mo siya anak!" Sigaw ni Ate na siyang mas nagpainit ng ulo ng lalaki.
Walang anu ano'y tinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng Ate ko at pinaputok ito.
Parang nag slow motion lahat ng humandusay si Ate sa sahig na puno ng dugo at walang malay. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cabinet ng biglang nagsidatingan ang mga police.
"Taas ang kamay!" Sigaw ng police ng makapasok sila. Ngunit huli na ang lahat wala na siya.
Wala na ang Ate ko.
YOU ARE READING
Once Upon Us
Teen FictionLalaking mapangasar, maloko, puno ng kabalastugan ang isip, at hindi seryoso sa kahit anung bagay. Paano kung ikaw ang naging target niya? Magpapaloko ka ba? Magpapadala ka ba sa mga kabalastugan niya? O ikaw ang magiging dahilan ng pagbabago niya? ...