"Oh Mathew, nandyan ka na rin pala .." sabi ni Ate Igay .. Pagbabago ng topic ... Bakit ba hindi namin napansin na nandyan pala si Mathew ... *sigh*
"Oo nga eh ... Uhmm .. Kre, usap tayo mamaya ..." sabi ni Mathew saming dalawa ni Ate Igay atsaka ulit binuhat ang mga maleta paakyat ...
"Ate Igay kasi eh ..." paninisi ko sa kanya pero pabiro lang at nakangiti pa ako ... "Okay naman na siguro na malaman na ni Mathew ang totoo kasi siya naman talaga ang tatay eh ..." dagdag ko pa kay Ate Igay ...
"Okay lang yan .. Tss, muret ka talaga Kre ... Kain na nga tayo at kanina pa rin ako nagugutom ..." sabi sakin ni Ate Igay tapos hinila na niya ako at tuluyang makapasok sa loob ng kusina ...
"Haha .." yun na lang nasabi ko ... Hindi pala sabi un .. Gawa ba ?? Ewan !! Basta tumawa na lang ako, tapos.
Mathew's POV
Nag-uusap si Ate Igay at Kre nang pumasok ako sa loob, eh sakto ... Tungkol sa tatay ni Annethe ang tinatanong kaya nakinig na lang ako ...
"Hala, edi nosebleed pala ako nito .. Tsk tsk .. Dapat tinuruan mong magtagalog ... Sino kasi ang ama niya ???" tanong ni Ate Igay kay Kre ... Kaya medyo lumapit pa ako para lalo kong marinig ...
"Si Mathew po ..." pabulong niyang sabi ... At sakto sa pagkakasabi niya ng sagot, natapilok ako kaya nabitawan ko ang dalawang maleta ...
"Ako ang tatay niya ???" nasabi ko sa kanila na medyo gulat .. Kasi pati ako nagulat dun sa pagbagsak nung maleta eh .. Tangang paa, natapilok .. Buti na lang at hindi ako natumba ... Hehe
"Oh Mathew, nandyan ka na rin pala .." sabi ni Ate Igay .. Pagbabago ng topic ... Pansin ko yun ... Babaguhin pa ang topic eh ...
"Oo nga eh ... Uhmm .. Kre, usap tayo mamaya ..." sabi ko na lang kay Kre tapos umakyat na ako sa taas na hindi maalis ang ngiti sa mukha ...
Paanong ako ang ama ?? One night lang naman yun di ba ... Buntis kagad siya ??? Ang galing naman .. Bubuo kami ng soccer team ni Kre ( ^__^)\/
Pagpasok ko ng mga maleta sa kwarto ko na ngayon ay kwarto na ni Baby Annethe ... Nakita ko si Yaya, natutulog na rin ... Magkatabi sila ... Ang cute nilang tignan oh ... Haha, parehong bata kaso yung isa, isip-bata at nagpapabata :bb
*knock *knock
Binuksan ko yung pinto, tapos ko na rin kasi ilagay yung dalawang maleta sa gilid nitong kwarto .. Pati na rin yung bag ni Yaya ...
"Mathew, halika na muna, kain na tayo ..." sabi sakin ni Kre ... Kaya lumabas naman ako pero hindi ko muna siya pinababa kasi nga mag-uusap kami ...
"Ako ba talaga ang tatay ni Annethe ???" tanong ko kay Kre ... Habang hawak-hawak ko yung dalawang kamay niya ...
"Oo .. Bakit ?? Angal ka ???" sabi niya sakin pero pabiro lang ... Ang cute talaga ni Mhie ko ...
"Tss, bakit ako aangal ??? Masaya nga eh ... Gagawa tayo ng soccer team yun nga lang, may babaeng kasali ..." sabi ko sa kanya at pinisil-pisil ang palad niya ... Hehe, masaya yun ...
"Adik ka talaga ... Kain na nga tayo, ABnormal ..." pagkasabi niya nung ABnormal *tsup* sa pisngi ...
"Adik !!!" sabi niya sakin tapos tumakbo na siya pababa ng hagdan .... Ako daw ang adik ... Siya nga yun eh, siya kaya tong tumakbo eh hindi naman hinahabol ... Adik na babae ... HAHAHAH !!
Kreanne's POV
Adik talaga, amp >.< Mag-smack daw ba sa cheeks ko ng walang paalam ?? Agaw-halik ... (ay tanga !! kaya nga agaw-halik eh ... Bakit ?? kapag may aagawin ba kailangang magpaalam ?? TANGA)
"Oh, Kre .. Nasaan na si Mathew ??" sabi ni Ate Igay sabay upo ... Pinasabay ko na siya sa amin kumain kasi gutom na rin siya ...
"Ah, nasa langit po, tumatae ..." sabi ko sabay sandok ng pagkain ... Nakakaasar kasi eh >.<
"Nasa harapan ka ng grasya tapos nagsasalita ka ng mga ganyan ... Kre, ah .. Ikaw ..." sabi sakin ni Ate Igay na katabi ko ...
"Sorry (__ ___") ..." sabi ko na lang at napayuko ... Kasi naman eh .. T__T
"Naku Ate Igay ... Adik kasi yan ..." sabi naman ni Mathew tapos umupo sa harap ko ... Tss, baliw talaga siya .. Umayos na tuloy ako ng upo at nagkain na kami ... Pero syempre, nagdasal muna kami :P
Nasa kalagitnaan ng pagkain ... Tapos si Mathew, tukneneng, kalalaking tao ... LINTIK na paa !!! Buset .. hinahaplos-haplos yung legs ko sa ilalim ng lamesa ... Ang gaspang pa naman ng paa niya ... Pero ginaya ko na lang siya .... At may kung ano akong nararamdaman ... Kasi umiinit na !!
"Naku kayo ... Umaalog ang lamesa ..." sabi ni Ate Igay sabay tayo ... "Bilisan niyong kumain ng mahugasan ko na yan tapos magkwarto na kayo ..." pabirong sabi niya sa amin with matching tawa pa aa ... Naku !!
"Ikaw kasi eh ..." sabi ko kay Mathew sabay tayo ... Tapos na rin naman kasi ako kumain eh ... Ginulo lang ako ni Mathew >.<
"Hahah ..." natawa siya tapos lumapit sakin at umakbay ... "Sabi mo kanina, mamaya ... Ngayon na yung mamaya noh ... So ... sa kwarto ko na tayo deretso ??? Ay hindi ... Sa kwarto pala NATIN ... " sabi niya sakin na parang nagse-seduce ?? EWAN >.< Ang adik kasi talaga ni Mathew eh ....
"Mamayang gabi na lang o kaya wag na ... Baka mamaya hindi na naman makatulog yung mga tao dito sa bahay ... Diba, kagabi sabi ni Yaya, hindi nakatulog si Baby ... Baka mamaya lahat na sila hindi makatulog ...." sabi ko kay Mathew .. Akala ko tatanggi siya pero hindi pala.,..
"Edi doon tayo sa cr natin, kulob doon kaya walang makakarinig ... May bintana rin sa taas non kaya hindi rin tayo masu-suffocate ..." tapos umupo na kami sa sofa ... "Mamayang gabi may apoy sa cr ... hahah ..." dagdag niya pa at binuksan na ang TV ...
