Chapter 17: Unexpected Gift

28 2 0
                                    

Masasayang mukha ang bumungad sa akin nang makarating ako sa Hall na pagdadausan ng party.

Simple lang ang damit na isinuot ko dahil hindi ganun kabongga yung party na aattendan ko.

"What took you so long bessy?" Inihila ako ng isang upuan ni Duanne at binigyan ng tubig. "Where's Jaimee? Bakit di mo siya kasama?" Dagdag pa nito.

"Maaga siyang umalis kanina eh. Baka umuwi na sa kanila." Sagot ko at ininom ang ibinigay niyang tubig.

"Heyheyhey Sebastians! Are you enjoying the party? Well, just wait a little longer, and the party will start soon." Anunsyo ng emcee at nagpatugtog sila ng isang hindi familiar na Christmas Song.

Nakakatamad yung party dahil wala namang bago sa sayawan at bigayan ng regalo. Tsk!

"Bago tayo magpatuloy sa exchange gift, mayroon kaming activity for this night. Kung sino ang matapatan ng spotlight ay kailangang magpakitang gilas dito sa stage. And for the prize, you will recieved a New Iphone 7s Gold. Is it is amazing?" Muling anunsyo ng emcee sa stage at naghiyawan ang mga tao.

Bakit parang kinakabahan ako sa spotlight thingy na iyan?

Nakita ko na ang spotlight at nagsinula na itong umilaw.

Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa CR para sana magtago kasi may kutob ako na ako ang maiilawan.

Nang finally papasok na ako sa Cr ay saktong tumapat ito sa akin.

Wtf! Sabi na eh. I have my gut feeling.

"Well, someone's trying to escape but nice try Miss." Naramdaman kong may kumapit sa dalawa kong braso at pilit akong hinihila papunta sa stage.

Oh sh*t! Sana, hindi ako mapahiya.

"Wow! A pretty tall and fair lady is our first victim. What's your name ija?" Tanong ng isang babaeng emcee na tila nang-aasar pa sa tanong niya.

"Lisa." Pilit ang ngiti ko dahil hindi talaga ako sana'y sa exposure. Huhuhu!!

"Okay Lisa! Show us your talent. Are you going to sing, or dance?" Muling tanong ng emcee. What should I do? 'Pag sumayaw ako, mapapagod ako. Kaya kakanta na lamang ako.

"Can I have some request?" Tanong ko sa emcee.

"As long as I can do." Sagot ng emcee sa akin.

"Uhm. I choose to sing with my guitar but I don't have it with me. Do you have any?" Tanong ko at agad naman siyang tumango.

Ibinigay nila sa akin ang isang golden acoustic guitar at sinimulan ko itong itono.

Nang maayos ko na ay inokyupa ko na ang upuang ibinigay nila sa akin.

Mabuti na lamang at may talent ako kahit papaano.

(NP: Spring Day by BTS (Acoustic and English Version)

I'm missing you,
And I don't know what to do,
I'm missing you
These pictures
that remind's me of you
I miss you

And time is just so cruel
I hate this
Trying to see you once
Never worked out once
Where do we find a chance

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako, o sadyang lahat sila'y nakapikit at sumasabay sa pagkanta ko?

And it feels so cold like winter
It's August and not December

With my heart
I walked alone
Across time this train
Is a snowpiercer

'Wanna take you by the hand
And forge across the other
End of the Earth

Tell me how much more
Should I long for you
And pray for
Spring to come forth
FRIEND

Maging ang emcee ay nakapikit na rin at tila dinarama ang mensahe ng kanta. Seriously? Maganda ba ang boses ko?

Like little specks of dust
Floating 'round the air
Floating 'round in the air

If I was snow in the air will I get to you
Even just a little bit faster?

Snowflakes keep falling down
They drifted away further around
I'm missing you (Oh I miss you)
And how long do I have to wait?
How many sleepless nights-----

DUANNE'S P.O.V

I admitted that Lisa has a wonderful voice that can take us.

I still remember when we're in freshmens. She always sing for us when we're in sad and bad mood. She always lighten up our mood.

Ang magandang himig na umiikot sa buong hall ay napalitan ng dalawang putok ng baril.

"F*ck! LISA!" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang sumigaw si Maureen.

Dali-dali kaming tumakbo patungo sa stage at naabutan namin si Lisa na nakahandusay sa sahig at may tama sa balikat at sa tagiliran.

"Hurry! Call an ambulance." Utos ni Maureen na 'tulad ko ay kabadong-kabado din.

"Nahanap niyo na ba kung saan galing yung baril?" Galit na tanong ni Maureen nang may dumating na mga guard sa amin.

Imbis na sumagot, umiling lamang ang mga ito.

Napamura na lang ako.
Sino naman kaya ang may pakana nito?

Ilang sandali lamang, dumating na rin ang mga pulis at ambulansya.

Kasama kami ni Maureen sa loob ng ambulansya at wala pang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa ospital.

Kaagad na ibinaba ng mga nurse si Lisa at isinugod sa ER. Hindi kami hinayaang pumasok sa loob kaya't matiyaga na lamang kaming naghintay sa labas.

Tahimik at tangi ang yabag ng paa ng mga nagdaraanang mga tao ang maririnig.

Walang kumikibo sa amin ni Maureen.

"We need to tell her." Basag ni Maureen sa katahimikan. Agad naman akong napakunot-noo.

"Who?" Maang tanong ko.

"Tita Eliza, her mother." Sagot nito at muli na namang tumulo ang luha niya.

Ano bang nangyari? This past few days, bakit palagi na lamang napapahamak si Lisa?

Napatayo kami nang bumukas ang pinto ng Operating Room.

"Family of the patient?" Tanong ng doktor kaya't lumapit na kami ni Maureen.

"We're her friends. Nasa ibang bansa po ang nanay niya." Tumango muna ang doktor bago ituloy ang kaniyang balita.

"I'll tell you honestly. Her condition is in critical. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kailangan na namin siyang masalinan, as soon as possible." Mahabang pahayag ng doktor. "Her blood is type AB, and the problem is, wala kaming ganoon kaya kailangan natin ng donor." Dugtong pa nito.

Napahawak ako sa dibdib ko. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Maureen.

"You need to find a donor as soon as possible. That's all. I need to go." Huling pahayag ng Doktor bago ito lumisan.

Ito na ba ang regalo sa amin?




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(AN: Sorry for the short update, bawi ako next time.)

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon