Chapter 2

10 1 0
                                    

Klea's POV

Maaga akong gumising para makapunta na agad ako sa school.

Bumaba na ako ng hagdan pagkatapos kong mag-ayos.

"Oh anak ang aga mo yata ngayon??" bati sa akin ni mama.

"Ahh mama may g-gagawin po k-kasi kaming project" palusot ko.

"Ahh ok sige kumain ka na para maka-alis ka na" sabi ni mama.

Napa-pout naman ako.
"Mama pinapaalis niyo na po ba ako??" paga-arte ko hihihi

Best actress kaya to.
"Kumain ka na nga lang diyan baka ma-late ka pa" natatawang sabi ni mama.

"Ok po" sabi ko at nagsimula ng kumain.

"Mama san po pala si papa??" tanong ko nung mapansing wala siya.

"Maagang umalis ang papa mo ngayon" sabi ni mama.

"Ah ganon po ba" sabi ko na lang at ipinag-patuloy na ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain nagpa-alam na ako kay mama na aalis na.

"Ma alis na po ako" sabi ko at sumakay na sa sasakyan.


Nakarating na ako sa school pagkadating na pagkadating ko, sinalubong agad ako ni Zy na halatang kanina pa ako hinihintay.

"Oh Zy aga mo ata ngayon??" masayang tanong ko.

Pero imbes na masayang mukha ang makita, pag-alala ang nasa mukha niya.

"Oh Zy bakit??" tanong ko.

"Le hindi natin to malulusutan" sabi ni Zy, hindi ko naman siya maintindihan.

"Zy bakit??"
"Le malalaman parin nila tito at tita na lilipat tayo ng school" sabi niya

"Huh bakit sinong magsasabi??" tanong ko
"Le dorm school ang papasukan natin" dorm school?? masaya kaya yun.

Ano bang kinakata--

"W-w-what??" hindi to pwede.

"Pano na yan??" tanong niya sa akin.

Pano nga ba wala kaming takas nito.

"Zy pwede pa bang i-cancel nalang yung expulsion??" tanong ko sa kanya at malungkot siyang umiling.

Napabuntong hininga na lang ko sa naiisip kong paraan.

"Zy no choice tayo kundi ipaalam nalang sa mga parents natin" sabi ko at niyakap nalang siya.

"Tara na Zy kunin na natin yung mga gamit natin" sabi ko at umalis na kami dun.

"Le susunduin rin daw tayo sa bahay natin sabi sa akin ni Dean" haist wala na nga talaga tong atrsan.

"Ok sige tara uwi na tayo" sabi ko at sumakay na siya sa sundo niya at ako naman nag-taxi na lang.

Good luck na lang sa pagpapa-alam ko.

*Bahay*

"Oh anak anong ginagawa mo dito diba may pasok kayo??" salubong sa akin ni mama ng maka-pasok ako sa bahay.

"Ah m-ma may s-sasabihin po sana ako sa inyo" sabi habang naka-yuko.

"Yun bang tungkol sa paglipat mo ng school??" tanong sa akin ni mama na ikinagulat ko.

A-alam niya??

"M-ma p-pano niyo p-po n-nalaman??" uutal-utal na tanong ko.

Ngumiti si mama sa akin.

"Sinabi ng Dean niyo" simpleng sagot ni mama.

Huwatt s-sinabi ni Dean??

"Sinabi niya na rin na dorm school ang papasukan niyo kaya nung umalis ka kanina, inayos ko na ang mga damit na dadalhin mo" nakangiting sabi sa akin ni mama.

Okay??

"Oh sige na, baka dumating na yung susundo sa inyo" sabi ni mama at tinulungan akong buhatin ang mga gamit ko.

Konti lang naman yung dala ko dahil isang traveler bag atsaka isang malaking maleta lang naman.

"Anak mag-iingat ka dun ahh" sabi sa kin ni mama at hinalikan ako sa noo.

"Oo naman po mama actually sila nga po dapat mag-ingat sakin eh" sabi ko kay mama.

"Ikaw talagang baya ka oh siya sige na ayan na yung sundo mo" sabi ni mama at tinuro yung sasakyan sa harap ng gate namin.

"Mamimiss kita ma I love you ma, mag-iingat kayo palagi ni papa ahh" sabi ko kay mama at niyakap siya.

"Ako rin anak mamimiss kita, mahal na mahal ka rin namin ng papa mo" sabi ni mama at ngumiti na sa yakap.

Naglakad na ako papunta sa gate at sinulyapan ulit si mama na kumakaway.

Kumaway rin ako sa kanya.

Bye ma.

At sumakay na ako sa sasakyan.

Sinundo pa namin si Frenzy at eto kami ngayon papunta na sa bagong school namin.

Parehas rin pala kami ni Zy na alam na ng mga magulang namin ang pag-lipat ng school namin.

"Le amboring naman" sabi niya.
Ang boring talaga kasi ang tahimik dito sa loob.

"Tiisin mo nalang Zy" sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Ngayon ko lang napansin na puro puno lang pala tong dinadaanan namin.

"Zy tingna--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang paglingon ko sa kanya ay tulog pala siya.

"Ayy tinulugan ako??" tss para akong baliw nito.

Di ko nalang siya pinansin at tumingin na lang ulit sa labas ng bintana.

Maganda kaya yung papasukan namin??

Mababit kaya yung mga estudyante dun??

Tatanggapin kaya nila kami??

Masaya kaya doon??

Haist puro nalang ako tanong ng tanong hindi naman nasasagot.

Ahh bahala na masasagot rin naman yun pagdating namin dun ehh kaya kunting hintay nalang.

Sana naman mababait yung mga estudyante dun!!

Yun lang naman ang gusto ko huwag na sana kaming bully ng best friend ko.

Sa tagal ng pag-mu-muni ko nakatulog na lang ako.

A/n note:
Thanks sa sumusuporta ng story (kung meron man).

Suportahan niyo rin po yung story kong ang title ay I Loved The Wrong Guy salamat po ng marami.

See you in the next chapter😘
Kamsarang❤💞

Dedicated to:

Her Monster Prince (On Going)Where stories live. Discover now