Gaano ba kalaki ang mansyon at mukhang inabot na sila ng halos kalahating oras sa paglalakad? Ang araw ay tirik, ang pawis ay tumatagaktak at hindi man lang magawa ni Victoria na magpunas dahil wala siyang libreng kamay para ipunas sa nanlalagkit na mukha.
Sa gitna ng paglalakad, ang tiyan niya ay kumulo. Aba, ngayon pa siya inabot ng gutom. Kamalas-malasan nga naman oh! Tinawag na niya ang lahat ng santo, nanalig na sana ay makarating na sa pinto kung saan ang tunay na daan.
Gamit ang lakas ng loob, tinanong ang sinundang lalaki.
"Ahm, excuse lang. Malapit na ba tayo?"
Medyo nangangalay na 'ko, letsugas ka! Nais niyang idagdag pero hindi naman magawa. Baka sabihin ay nagsisimula pa lamang ay mag-iinarte na agad siya.
Tumigil ang nasa harapan saka siya nilingon sabay sambit ng mga salitang nagpakulo ng kayang dugo.
"What?"
Nagtaka man ang dalaga sa tanong ng lalaki ay minabuting nilinaw ang tanong.
"Ang ibig ko pong sabihin ay kung malapit na po ba yung gate, kasi po diba malaki masyado ang mansyon niyo"
Ngunit parang walang naring ang lalaki at nagpatuloy lang ito sa paglalakad na parang walang narinig.
Gusto mang sapakin gamit ang bitbit niya ay pinili niya na manahimik. Baka naman malapit na. Baka.Nyeta talaga!
Dalawampung minuto pa ang nakalipas simula ng nagpatuloy sila sa naudlot na lakad. Nakatungong naglalakad ang kawawang si Victoria. Ni hindi na nag-abalang tinignan ang lalaking nasa harapan. Nang sandaling nagpakawala ng buntong-hininga ay siyang pagtama niya sa isang may katigasang bagay.
Muntikan na siyang mabuwal. Iniangat ang tingin upang makita lamang ang likuran ng lalaking dahilan ng kanyang pagtigil sa paglalakad.
"Bakit po kayo tumigil?"
"Bakit gusto mo pa bang maglakad?"
Pilosopo 'tong gago'ng 'to ah! Tinatanong ng maayos eh!
Nagngingitngit man sa galit ay hindi na sya sumagot at sa halip ay sinundan ng tingin ang ginagawa ng lalaki. Hinawi nito ang mga nakalaylay na vines at tumambad sa likuran nito ang gate na sakto lamang upang magkasya ang isang tao. Matapos matanggal ang lock ay nagsalita ito bago pumasok.
"Dalian mo at sumunod ka na."
Sa sinabi ng ginoo ay sinunod niya ito. Sa pagmamadali ay nagkandhulog-hulog ang gamit. Matapos maayos ay wala sa sarilig nilibot ng tingin ang paligid. Nagsalubong ang kilay at nagtaka dahil parehas na parehas ito ng lugar kung saan siya ibinaba ng driver.
"Gutom lang yan Victoria. Nagha-hallucinate ka na siguro kaya ganito nakikita mo"
Siguro nga ay nababaliw na sya dahil kinakausap na niya ang sarili. Napadpad ang tingin sa isang halaman. Halos naka-angat na ang mga ugat nito at halatang pinagbuntunan ng galit.
Ngayon ay sigurado siya na nasa katinuan pa siya. Pinagtagpi-tagpi ang nangyari saka lamang napamura ng ubod ng lutong.
Pinalibot sya sa buong mansyon ng ilang beses, pinagod at higit sa lahat, pinainit ang ulo at pinakulo ng husto ang dugo. Sa madaling sabi: Pinagtripan.
Nagpapadyak siya sa inis at impit na sumigaw sa ginawa sa kanya.
Kawawang Victoria.
"Tanginang lalaki 'yon! Humanda siya sakin at isusumbong ko siya sa magulang niya. Leche talaga!!"
"O, ano pang ginagawa mo dyan? Hindi ka papasok?" Mula sa gate ay sumilip ang mukha ng lalaki.
"Aba nga naman at may gana pa talagang bumalik! Kapal ng mukha! Wag siyang makalapit-lapit at hahambalos ko talaga 'tong hawak ko sa kanya!" Pabulong ngunit pagalit na pagsasalita ni Victoria.
"May sinasabi ka ba?"
"Ay, bakit? May narinig ka bang sinabi ko?" Pinagtaasan sya nito ng kilay.
"Ang bagal mo. Sumunod ka na"
Walang salitang sumunod siya dito. Wala na rin naman kasing mangyayari kung tutunganga pa siya. Sana lang ay pakainin muna siya sa loob dahil kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya.
~~~~~~~~~~~~
Sinamahan si Victoria ng lalaki hanggang makarating ito sa isang pinto. Umakyat sila sa ikalawang palapag at ilang beses na lumiko at dumaan sa mga pasilyo ng mansyon. Kumatok ito ng tatlong beses. Nanatili namang nakatayo si Victoria.
"Hindi nagkukusang bumukas 'yang pinto." Saka tumalikod at nilayasan siya. Napakagat na lang siya sa ibabang labi sa sobrang inis. Ibinaba niya ang gamit at tumikhim saka pumasok sa pinto.
Isang sopistikadang babae ang nakaupo at marahan na nililipat ang pahina ng aklat. Tila naramdaman nito ang presensya niya. Inangat ang tingin mula sa binabasang libro papunta sa kanya. Sandaling napatulala si Victoria at napakurap ng maraming beses.
Isang napakagandang babae. Maliit ang mukha nito, bilugan ang mga mata na kulay abo. Matangos na ilong at natural na mapula ang labi. Ang mahabang buhok nito ay kapareha ng kanyang abuhing mata.
Isang simpleng puting dress na pinatungan ng pulang coat na lalong nagpatingkad sa maputing kutis nito. Halatang balingkinitan ang katawan nito dahil halos bakat sa katawan nito ang coat na yumayakap sa katawan nito.
"Done checking me out?" Tila bumalik sa ulirat si Victoria at namula ng husto ang buong mukha. Sorry naman! Ang ganda -ganda mo kasi. Nakakatibo ka! Sabi niya sa isip. Inalis nito ang pulang coat. Hula niya ay naiinitan ito.
"S-sorry po" Ngumiti ang magandang babae na tila nabasa ang iniisip niya.
"Nah. It's okay. I assume na ikaw muna yung papalit muna kay Frances for the meantime"
"Opo. Pero I assure you na maayos po akong magturo. Hindi kayo magsisisi"
"Good to hear that"
"Uhm. Pwede ko po bang malama-"
"It's Adelaide and the guy who brought you here was Zygfred. By the way, he's one of my siblings"
Aah.. In fairness naman maganda yung pangalan ng kumag na 'yon. Pero nakaka-asar pa din siya!
Ipinaliwanag ni Adelaide ang house rules kay Victoria at kung ano ang bawal at hindi.
Nasa sariling kwarto na siya at nakakain na din. Bukas na niya makikilala ang kanyang estudyante. Pero kahit pagod ang katawan ay iniisip pa din niya kung ano ang ibig sabihin ng huling sinabi ni Adelaide sa kanya.
"She's quite playful at ang kailangan ay ang mahabang pasensya. She's homeschooling since then, she's aloof and introvert pagdating sa madaming tao. I hope you two could get along well."
Kung ano man 'yon ay wala na ito kay Victoria. Basta gagawin niya ang trabaho niya ng maayos ay tapos ang usapan.
BINABASA MO ANG
Meeting The Richards
FantasyTinanggap ni Victoria ang hinihinging pabor sa kanya ng matalik na kaibigan. Ang humalili na maging tutor panandalian sa isang pamilya na kakatwang kakaiba. Matagalan niya kaya ang mga ito?