Chapter 12.

808 25 0
                                    

Chase

The flight back in the Philippines is very exhausting. Para akong sinapak sa sobrang pagod at napakainit dito! Pakiramdam ko masusunog ako. Sa sobrang tagal ko sa ibang bansa kakaibang adjustment ang kailangan kong gawin para dito.

"Nay? What? Sabi mo ipapasundo mo ako?" Sambit ko nang makalabas sa arrival area ng NAIA.

"I'm really sorry anak. Sabay kaming nagkaroon ng meeting ng Tatay mo." Napahinga na lang ako.

"It's okay. Magtataxi na lang ako Nay. See you later." Naku medyo naweweirduhan ako dyan kay Mommy. Bago ako makarating dito gusto ba naman magpatawag ng Nanay bigla? Nakakailang tuloy. Pero isa yan sa mga namiss ko. Maloko kasi si Mommy. Lagi niya akong pinaglalaruan, sabi pa niya kaya daw siya nag-anak para may makakalaro siya lagi.

Pero kahit ganun ay sobrang mahal ko iyang si mommy. Siya ang the best sa lahat! Pati kalandian ko nga nun sinusuportahan niya eh.

Napapailing na nagabang na lang ako ng taxi. Pawis na pawis na ako kahit na nakasuot lang ako ng oversized sleeveless shirt at maong short shorts. Kaya pag titignan ako ay tila ako walang short.

Nang may taxi na na dumating ay pinara ko agad iyon. Binuksan ko ang pinto sa backseat nang papasok sana ako nang may tumulak doon pasara. Napatingin ako sa ingratang gumawa nun.

Napanganga ako nag makita ko si Diyo na seryosong nakatayo sa tabi ko.

"Ikaw na naman?!" Sigaw ko. Inalis ko ang kamay niya sa handle ng pinto at sinubukang buksan iyon. Isinara niya ulit kaya badtrip na tinignan ko ulit siya. "Ano na naman! Init na init na ako. I want to go home and rest. For god's sake, please just go away!"

"Sasakay ka mag-isa sa taxi ng ganyan ang suot ko? For god's sake rin Athena! Delikado yan!" Impit na sigaw niya sa akin.

"Anong gusto mo? Manghila ako ng kung sino dito sa airport at isabay ko sa taxi para may kasama ako? Isip naman ng konti Dominic! Ako lang mag-isa ang umuwi malamang mag-isa akong sasakay sa taxi! Palibhasa sarili mo lang ang alam mong isipin!" Nabubwisit na ako talaga sa lalaking ito! Aba kahit naman mahal ko talaga siya eh nakakairita pa rin na pagtataasan niya ako ng boses at pagmumukhaing bobo na di marunong magisip no!

"Fine!" Sigaw niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. He dialled someone from his phone. "Bilisan mo."

Hinila niya ako palapit sa kotseng pumarada sa harap namin. Binuksan niya ang pinto na tila ba pinapapasok ako doon. Mas lalo akong nainis. Ayoko nga siyang makita tapos papayag akong sumama sa kanya sa kotse niya? Ano ako? Tanga? Nanggigigil talaga ako sa kanya!

"What makes you think na sasama ako sayo? I don't even want to see even the tip of your hair. Let go of me." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at kinuha ang luggage ko na hawak niya. Nagmamadaling bumalik ako sa taxi.

"Athena naman! Please!" Sigaw niya. Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa taxi bago pa man ako makapasok doon. "Alam kong ayaw mo akong makita, makasama o makausap man lang. Pero please di ako mapapakali na sasakay ka dito ng ganyan ang suot mo. Baka ikamatay ko ang pagaalala. Sige na doon ka na sa kotse." Isinara niya ang pinto ng kotse at umalis na iyon sa harap ko.

Naiwan akong nakatigalgal sa harap ng umalis nang taxi. Muling pumarada sa harap ko ang isang itim na kotse. Bumaba ang isang may edad na lalaki.

"Ma'am Athena, ako po si Karding. Ako na po ang maghahatid sa bahay nyo." Nakangiting kinuha niya ang luggage ko. Napailing na lang ako nang mag-sink in sa akin ang ginawa ni Diyo. Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin sa pangdodominate niya. He's really an alpha.

"Opo sir." Magalang na sambit ni Mang Karding sa kausap niya sa phone. Tingin ko ay si Diyo ang kausap niya.

"Gaano na po kayo katagal na nagtatrabaho para kay Dominic?" Nagopen ako ng topic kasi nabobored na ako.

"May limang taon na po Ma'am. Napakabait po ni Sir Diyo. Sa totoo lang po ay dati lang po akong nagbobote bakal sa may subdibisyon na tinitirhan niya. Lagi niya akong binibigyan nun ng mga plastic na bote at hindi nagpapabayad." May ngiti sa labing sagot ng matanda. May pagkamadaldal siya pero ang ikinagulat ko ay ang tawag niya kay Diyo.

"Diyo?" Sambit ko.

"Opo. Ganyan po ang pakilala niya sa amin. Hindi nga lang siya nagpapatawag ng ganun sa mga hindi niya masyadong kilala. May pagkasuplado si Sir Diyo pero kahit na ganun ay napakabuti ng kanyag kalooban. Kahit ang mga magulang niya ay ganoon rin." Mababakas ang respeto niya sa kanyang mga amo. Come to think of it I never met his parents. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon dati.

"Alam nyo po ay napatapos na niya sa pagaaral ang tatlo sa mga anak ko. At patuloy niyang pinapaaral ngayon ang bunso ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naisip na ganun siya. Sa tingin ko ay isa isang selfish bastard na ego lang ang alam na ingatan.

"Talaga po?" Nanghihinang sambit ko. Ayoko na yatang makarinig pa sa mga nagawa niya dahil naiinis lang ako. Para kasing tinutunaw nun ang yelong pilit kong binabalot sa puso ko.

Alam ko naman mabait siya kahit dati pa. Pero dahil sinaktan niya ako pilit kong binabago ang imahe niya sa isip ko.

"Alam nyo po ba Ma'am, ngayon ko lang nakita si Sir na lumapit sa isang babae. Lahat ng babaeng nagtatangkang lumapit sa kanya ay nasosopla ng kanyang kasupladuhan. Kahit si Ma'am Katherine ay hindi siya mahawakan man lang. Iyon ay sa nakikita ko lamang po." Nakangiting sabi niya.

Aba't kasama pa pala niya iyong si Katherine. Pero di ba't naging nobya niya si Katherine? Bakit naman hindi niya papahawakin sa kanya iyon? Niyakap pa nga siya nun nung grad ball namin kahit na nakita niyang umiiyak na ako eh. Baka naman hindi lang niya pinapakita sa lahat.

Sus! He just love the chase. Iyan naman kasi talaga kami kahit dati pa. He just can't get over the fact that he can't have me again just like before. Tama. He just like the chase.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon