Nakuha
Hinila niya ako palabas ng opisina niya nang hindi ako makapagsalita. Tahimik na sumama na lamang ako sa kanya sa mabagal niyang paglakad. Tumigil kami sa tapat ni Venus.
Kita ko ang pagngiti niya nang makita niya ang magkahawak naming kamay. Masaya siya para sa amin kahit na hindi pa niya ako kilala.
"Venus, cancel all my appointments today. Reschedule the important ones tomorrow." Malaki ang ngising tumango siya sa amin.
"Sure boss!"
Hinila ako ulit ni Diyo, dahil sa patuloy na panlalambot ko ay nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. Pumasok kami sa elevator. Sumandal ako sa haligi nun, umaamot ng lakas. He kept on holding my hand. Hindi na ako kumontra. Nakikita ko sa repleksyon namin na nakatingin lang siya sa akin.
As if I'll be lost a second if he'll take his eyes off me. Nang makarating kami sa basement ay tumigil kami sa tapat ng isang black na kotse. Pinapasok niya ako sa loob bago umikot papunta sa driver's seat.
"Dominic.. San tayo pupunta?" Mahina ang boses na tanong ko.
"Diyo." Sagot niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa akin bago ibaling ang paningin sa daan.
"So?" I looked at my hands on my lap. Medyo nadidistract kasi ako ng mga ngiti niya. Na parang ang saya niyang makita ako. Na parang ako lang hinintay niya para makangiti ng ganun.
"Athena, call me Diyo again please." Napasinghap ako. Hindi ko naman itinigil ang pagtawag sa kanya ng Diyo sa utak ko nga lang.
"Pero.. Di ba sabi mo-"
"I regret that Athena. I regret pushing you away. I regret not talking to you. I regret all the time, days and years that I am not with you." He held my hand and squeezed it. Napatingin ako sa kanya.
"Ahm.. S-So.. San tayo p-pupunta?" Tanong ko. Nagbubuhol buhol na yata ang utak ko sa pinagsasabi ng lalaking ito eh. Di na ako magtataka kung bigla na lang akong bumulagta dito dahil sa heart attack.
"Somewhere. Wag kang mag-alala hindi naman kita dadalhin sa isang lugar na mapapahamak ka. You're way too precious for me." Parang wala lang yung sinabi niya sa akin pero parang sasabog naman ako sa kinauupuan ko! I swear kapag hindi niya ako tinigilan makakatikim na sa akin to!
Hindi na lang ako nagsalita para di na humaba ang usapan. Nang medyo tumagal kami sa biyahe ay inantok ako. I drifted to sleep.
Nagising ako na nakatigil na ang kotse sa kung saan. Nakarecline na rin ang upuan para siguro makahiga ako ng maayos. Nakabukas ang bintana sa side ko.
Napaupo ako ng maayos. May dagat sa harapan ng kotse. Presko ang hangin na nalalanghap ko ngayon. Napatingin ako sa tabi ko, wala na si Diyo. Nasan na ba iyon? Lumabas ako sa kotse at tumingin ako sa paligid.
Maganda ang lugar na pinuntahan namin. Kaya lang di ko maappreciate ng todo ang lugar dahil wala ang kasama ko.
"Diyo?" Wala sa sarili kong pagtawag sa kanya. Ang ganda kasi talaga dito. "Diyo? Nasan ka na ba?"
"I could give everything I have right now up just to hear you call me like that all the time." Napalingon ako. Nakita ko siyang nakasandal sa isang puno. His hair is slowly dancing in the air. Ang suot niyang long sleeves ay medyo nahahawi din ng hangin. Kita ko ang pigil niya sa ngiting gusto ng kumawala sa labi niya.
"Uhm.. Do-Domini-"
"Stop Athena. Everyday for the past 10 years I got by with imagining you calling me Diyo again. I walked every goddamn day with a heavy heart. I missed your scent, yung pangungulit mo, yung mga pabigla bigla mong pagsulpot." Tumingin siya sa malawak na karagatan sa harap namin.
Malungkot ang mukha niya pero kita ko pa rin ang kagwapuhan niya.
"Hinahanap ko ang mukha mo sa lahat ng babaeng nakakasalubong ko. Nag-aalala ako na baka kapag dumating na yung ika-10th year ng deal natin ay may asawa ka na. Kasi iyon na lang ang pinanghawakan ko. Na pagkatapos ng mga taon na lumipas ay magkakaroon din ako ng rason para makita ka. Isang rason na hindi ko kailanman papakawalan. Kasi baka sakaling dahil dun mahawakan kita ulit." Naginit ang mga mata ko sa narinig. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit iyon ang sinalubong niya sa akin.
Hindi ko naman talaga iyon kailangan. Ang kailangan ko ay siya. Yung babalik siya. Yung mahal na niya ako sa wakas. Yung hindi na ako magiisip. Yung siya na lang at ako.
"Hindi ko makalimutan yung mga luha mo. Galit ako Athena! Galit ako sa mga nangyari. Galit ako sayo. Galit ako sa sarili ko! Kasi.." Nilapat niya ang palad sa mga mata niya. "Kasi.. Mula nang inamin ko sa sarili ko na mahal na kita ipinangako ko na rin na hindi kita paluluhain. Na hindi kita sasaktan. Pero gago ako. Hinayaan kitang umiyak para sa akin. Naguluhan ako at nasaktan. Bakit ka umiiyak? Bakit? Bakit kailangan mo pa akong habulin?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Fuck! Iniwan niya ako sa ere! Bigla siyang umiwas sa akin! Bakit di ako iiyak? Bakit di ko siya hahabulin? Sasagot sana ako nang magpatuloy siya.
"Gabi gabi ang naiisip ko lang ay kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong maging mayaman at magtagumpay para makaharap ako sayo ulit. Para kapag nagkita tayo ulit ay pwede na ako sayo. Hindi na alangan. May ibubuga na. Binuhos ko ang panahon ko sa pagtatrabaho dahil gusto kitang maabot. Gusto kitang mahawakan para hindi ka na makawala. Dahil ako nakuha mo na ako. Mula pa nang lapitan mo ako para ipagtanggol kay Pia. Mula noon hindi ko na naiahon ang sarili ko. Lumubog na ako eh. Pero parang mas masarap lumubog kasama ka. Para sabay tayong malulunod tapos hindi ka na aalis. Hindi ka hahanap ng iba. Kasi ako na lang ang kailangan mo. Ako lang. Walang iba." Tumingin sa sa akin.
May luhang pumatak sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit. Tulad ng sa akin, naramdaman din niya iyon.
Pero tumarak sa akin ang mga salitang sinabi niya na tila ba hindi niya iyon sariling salita. Na parang ipinamukha sa kanya iyon. I can just imagine the pain. He must've been hurt and lonely. Ayoko siyang nasasaktan! Dahil dumodoble sa akin.
"Sinong nagsabi niyan sa iyo Diyo?" Pumikit siya ulit ng mariin. Tila kinapos ng hangin na hindi nakahinga.
"Importante pa ba iyon? Totoo naman ang sinabi niya. Basura lang ako kung itatabi sayo. Nasa taas ka Athena, hindi ka dapat abutin ng tulad ko. Nababagay ka sa isang taong kayang pantayan ang kung anong meron ka. Dun sa taong kalebel mo. Sa isang lalaki na tulad ni Froilan. Fuck! Pero di ko matanggap. Dapat ay akin ka Athena. Dahil ako? Kuhang kuha mo na ako. Nakuha mo ako." Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Inilapit niya ang mukha sa akin.
"Kung kaya ko lang diktahan ang tadhana sisiguruhin kong sa akin ang punta mo. Maliit lang ang mundo ko Athena. Dahil kayang kaya mo iyong hawakan sa palad mo." Then he kissed me. Tulad dati nawawala ako sa sarili ko sa simpleng pagdidikit lamang ng mga labi namin.
Hindi ko makontrol ang puso ko. Dahil tila siya lang ang may kakayahang kontrolin iyon. After all mula noon hanggang ngayon naman ay hawak niya ito. Hindi nawala. Dahil matagal na rin niya akong nakuha. At wala akong balak bawiin ang sarili ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]
RomanceHindi ako nagkaroon ng pangarap sa buhay ko dahil sa karangyaan na tinatamasa ko mula pa nang ipanganak ako. But when I met him? I had a lot of dreams. I dreamt of holding him, keeping him and loving him. But all he did is to push me away. But even...