Imagination (One-Shot)

305 8 8
                                    

Imagination
One-Shot Story
©
SongOfThePast Stories

- WARNING - Weird and gore scenes incoming. Medyo cannibalistic din. Don't read if you're so freaking sensitive

Sa harap ng salamin, sinusuklay ni Ara ang mahabang buhok niya. Bagay ang itim na itim nyang buhok sa maputi at makinis niyang balat. Napangiti na lamang siya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Madami ang naghahangad ng buhay ni Ara. Anak siya ng isa sa mga sikat na pintor sa bansa. Nakakapag-aral siya ng maayos at palagi siyang nakakasama sa Top 5 ng klase. Maganda rin sya at may magandang ugali. Madaming manliligaw. Talagang hinahabol-habol ng mga lalaki.

Mahal na mahal siya ng mga magulang niya. Sa lahat ng bagay na gusto niya ay sinusuportahan sya. Kahit kailan ay hindi siya napagtaasan ng boses o napagbuhatan ng kamay. Madami rin siyang kaibigan at matatag ang samahan nila.

Masasabi na siya ay may perpektong buhay. Malayo sa hinagpis ng isang ordinaryong tao. Lahat ng bagay na nakapaligid sa kanya ay mistulang perpekto din.

May boyfriend siya na hinahabol din ng mga babae dahil sa taglay nitong kabaitan at kagwapuhan. Halos lahat ng mahihiling ay nakay Ara na.

Bumaba siya upang makipagkwentuhan sa Mommy nya.

Nadatnan niya na nagluluto ang Mommy nya. Niyakap nya ito mula sa likod.

"Mommy! Ang bango naman po ng niluluto nyo.. Mukha pong masarap ah.." Nginitian lang siya nito. Nasanay sya na puro ngiti, tango at iling lang ang sagot sa kanya ng Mommy at Daddy nya. uong buhay nya ay hindi pa sya kinakausap ng kahit sino.

Tmakbo sya sa salas at nakita doon ang Daddy nya na nagbabasa ng dyaryo. Wala itong painting schedule ngayon kaya nama't makakapag-bonding silang mag-anak ngayon.

Kahit siya ay labing anim na taong gulang na ay Daddy's girl parin sya.

"Dad! Good Morning po!" Hiyaw niya at tumabi sa Daddy nya at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Ngumiti lang ang Daddy nya at niyakap sya pabalik.

Para sa kanya ay normal lang na hindi siya kausapin ng Mommy at Daddy nya. Kailanman ay hindi sumagi sa isip niya kung bakit ganun ang ginagawa nila.

Ang nakakagulat pa dito ay lahat ng tao sa paligid nya ay ngiti, tango at iling lang ang sagot sa tuwing kausap siya.

Simula nang siya ay maging siyam na taong gulang ay ganun na ang pakikipag-usap ng mga tao sa kanya. Ngunit hindi siya nagreklamo. Tila ba'y di nya napapansin ito.

Maya-maya ay natapos nang magluto ang Mommy nya. Lumapit na sila sa hapag-kainan.

Bahagya siyang naumay sa nakitang niluto ng Mommy nya. Piniritong daliri nanaman ng tao. Nalungkot siya. Dalawang sunod na araw na sila kumakain nito para sa agahan at nagsasawa na sya.

Ngunit dahil ayaw naman niya na malungkot ang Mommy nya ay isinawsaw nalang nya ito sa ketchup at kinagatan. Tunay naman na masarap ang daliri ng tao. Lalo na kung tinatanggal ang buto nito. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagsasawa na siya.

"Wow Mommy.. Ang sarap po.. Mommy bukas dapat special naman.." Sandali siyang nag-isip ng ipapaluto sa Mommy nya.."Ah! Mommy, masarap yung niluto mo last week. Yung pong scrambled eggs na may chopped na dila ng tao.. Masarap yun Mommy. Damihan nyo po yung tongue bits.."

Tumango ang Mommy nya at nginitian sya. Gandang-ganda siya sa ngiti ng Mommy nya. Kahit na nakatahi ang bibig nito ay pure padin ang ngiti nito. Nalulungkot si Ara dahil kahit labing anim na sya ay hindi parin nagkakaroon ng tahi ang kaniyang bibig.

Imagination (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon