PAALALA SA MGA MAMBABASA:
Ang ilang pangalan na ginamit sa istoryang ito ay likha lamang ng mga imahinasyon ng tagapagsulat nito. Maging ang pangalan ng ginamit na mga sakit at ang kahulugan nito ay gawa gawa lamang.
Pakiusap. Paki-komentuhan po ang istoryang ito para lalong ganahan ang tagapagsulat nito na mag-update ng ilang kabanata. Salamat ♡
All Rights Reserved 2015 ⓒ
-------------------
Limang araw. Limang araw nalang ang itatagal niya sa mundong ito.
Matagal na niya itong tanggap pero hindi niya inaasahan na dadating ang araw na bilang nalang ng kaniyang kanang kamay ang buhay na kaniyang itatagal.
Nagdesisyon si Megan na pumunta sa lugar kung saan walang makakakilala sa kanya.
Walang maaawa dahil sa kalagayan niya.
At walang mag-aalala kung sakaling may mangyari sa kanya.
Iniwan niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa kadahilanang gusto niyang mag-isang harapin ang bawat araw na natitira sa kaniya.
Ang mga oras ni Megan ay magsisimula na ngayon...
-----------------
PROLOGO.Sa Hospital, isang kabatang babae ang minamadaling itakbo ng mga nurse sa Emergency Room.
Kitang kita sa mga mukha ng mga taong nakapalibot sa hinihigaan nito ang pag-aalala habang sabay sabay nilang binabanggit ang mga salitang nagpapalakas sa dalaga.
"Kaya mo yan anak."
"Be strong Pia."
"Nandito lang kami"
Halos mangiyak ngiyak na ang mga magulang nito dahil sa hirap nang kalagayan ng kanilang anak.
--
Nailipat na ng kwarto si Sophia, ngunit hindi parin tuluyang makapasok ang pamilya nito sa silid dahil sinusuri parin ito ng doktor.
Nang makalabas na ang Doktor sa silid, madali nila siyang nilapitan upang tanungin ang kalagayan ng kanilang anak.
"Doc. Kumusta ang kalagayan ng anak namin?"
Dahan dahang tinanggal ng doctor ang kaniyang salamin at maingat nitong nilagay sa bulsa ng kaniyang uniporme. Iniangat niya ang kaniyang tingin, pagkatapos ay nagsalita.
"May heart disease ang anak niyo Mr. and Mrs. Anderson. Sobrang bagal na ng heartbeat niya, kaya minabuti muna naming i-confine siya dito pansamantala. Pero napansin ko, habang tumatagal ay pahina ng pahina ang resistensya niya. Mahilig ba siyang magkikilos?"
"Yes Dok. Sa katunayan, nasa game siya ngayon. Final game na po nila nang bigla siyang matumba."
"Masama sa kaniya ang magpagod. Based on our findings, matagal na siyang pabalik balik dito sa Hospital, pero ngayon niyo lang siya sinamahan. Hindi niyo ba nababantayan ng mabuti ang anak niyo?"
Kitang kita sa kanilang mukha ang hiya nang tanungin iyon sa kanila ng Doktor.
"Actually Doc, kakauwi lang namin galing Canada. Wala naman kasi siyang binabanggit na nararamdaman niya. So, we thought that she's okay. Doc please. Gawin niyo po ang makakaya niyo. Kaya naming ibigay kahit magkano."
Pagmamakaawa ng nanay nito. Agad itong tinugunan ng Doctor ngunit hindi ito nagbigay ng kasiguraduhan.
"We can't promise that, but we will do our best for the safety of your daughter Mam. As a reminder, hangga't maaga pa makahanap sana tayo ng donor for Heart Transplant"
Gulat at takot ang tanging nadama nang mag-asawa. Hindi nila alam na ganun na pala kalala at ganun na katagal iniinda nang kanilang anak ang sakit na iyon.
Tumungo sila bilang sagot. Nagpaalam na ang doctor, kaya nagkaroon sila nang pagkakataon bisitahin ang kanilang anak.
-----
Nang malaman ni Joel ang kalagayan ng kaniyang kasintahan, agad siyang nagtungo sa hospital upang makita ito.
Nakausap niya ang mga magulang ni Pia at napag-alaman niya ang tungkol sa heart donor para sa transplant operation.
Agad niyang tinawagan ang kaniyang kaibigang si Seth, upang kamustahin ang pinsan nitong si Megan.
Naikwento rin kasi ng kaibigan niya ang kalagayan ng pinsan niya.
Naalala niyang napag-usapan nila ng kaibigan niya kung ilang araw nalang ang nalalabi nito.
Interesado si Joel at pursigido siya na makuha ang puso ni Megan, biglang donor ng kaniyang kasintahan.
-----
Kausap ngayon ni Joel ang tito nang kaibigan niyang si Seth, ang tatay ni Megan.
Napagkasunduan nila na si Megan ang magiging donor ni Sophia ngunit sa isang kondisyon.
Babantayan ni Joel si Megan sa Singapore, dahil nagbalak itong lumayo sa pamilya at mga kaibigan niya na naiwan sa Pilipinas.
Tinanggap iyon ni Joel, alang alang sa kaniyang kasintahan. Madali siyang nakapagpaalam sa kaniyang pamilya, kaibigan at pamilya ni Pia na sumang-ayon naman sa balak nito.
-----
Nakapag-empake na siya at papunta na sa Naia Airport. Sinandya niya na magkasunod ang upuan nila ni Kathryn upang mapadali ang pagbabantay niya dito.
"Just in five days Joel. Let's do it! For Sophia's sake"
Wika niya sa sarili habang papasakay ng eroplano.
BINABASA MO ANG
FIVE DAYS LEFT
RomanceLimang araw nalang ang taning ng buhay ni Kath, pero mas naisip niyang lumayo sa kaniyang mga minamahal upang mag-isa niyang harapin ang hirap na kaniyang daranasin. Paano kung sa paglayo niya ay muli siyang makahanap ng bagong minamahal? Paano kung...