Chapter Four

9 0 0
                                    

Kamuntik ko nang maibuga ang iniinom kong juice when I saw my brother descending the staircase. Malaki pa ang ngisi nito at halatang bagong gising lang. Walang suot na pantaas at nakaboxer shorts lamang.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa tv. It's almost eleven.

Muli akong napabaling sa kanya ng makarinig ng hagikhikan at bulungan. Para akong naitulos sa kinauupuan when my eyes met my professor's. Nakasuot lamang ito ng isang puting t-shirt na sigurado akong kay Kuya. I doubt if she's wearing anything underneath. Umabot lamang ang tshirt hanggang sa ibabaw ng tuhod niya.

She gave me a friendly smile and waved a little. Napansin naman iyon ni Kuya kaya nilingon niya ako. Hindi man lamang nagulat o nahiya. He wrapped his arm around her waist at ngumisi ng pilyo.

I don't have to ask what they've been up to. Isang tingin lang sa kabuuan nilang dalawa ay walang duda.

I kept a blank face kahit na sa isipan ko ay unti-unti ko na silang hinuhusgahan. Sa unang tingin ay masasabi mong mahinhin at hindi makabasag pinggan ang babae but then looks could really be deceiving.

I know I've no right to judge her but then she's my professor. Naiisip ko na ang mga maaaring mangyari when they break up. If she would end up hating my brother, would she hate me too?

Though hindi ko masyadong kilala si Miss Rose ay babae pa rin naman siya. Women often make decisions based on their emotions.

Should I call her "Ate" now that she's dating my brother?

That's just weird and awkward. Hindi ko rin naman sigurado kong hanggang  kailan siya magiging girlfriend ng babaero kong kapatid. The last girl he dated lasted for only three days.

Ang sabi  ni Kuya sa akin ay hiniwalayan niya daw dahil hindi magaling sa kama.

"Mornin' Elodie!" Masigla pang bati ni Kuya sa akin before dragging Miss Rose to the kitchen. Wala man lang pakialam sa anumang isipin ng mga kasambahay. Ibinalandra pa talaga ang flavor of the week niya sa bahay.

Nakatulala lamang ako sa kinatatayuan nila kanina at pinoproseso pa ng utak ko ang nangyari.

"What the hell?" Napamura na lamang ako at napailing.

My Dad will probably have a heart attack if he sees them. My brother never brought his girls home. This is a first. Napakunot ang noo ko.

What is he up to? Is this something serious? Damn.

"Elodie." Napapitlag ako dahil sa narinig na pagtawag ng pangalan ko.

"Manang Selya?" Nakangiti sa akin si Manang at iminuwestra ang hawak na telepono.

"Mommy mo. Kakausapin ka raw." Napalunok ako bago tanggapin ang aparato.

Ilang araw nang wala sa bahay ang mga magulang namin dahil sa seminar ni Daddy sa Palawan. Ang sabi ni Mommy ay bukas pa ang uwi pero kinakabahan ako dahil baka madatnan pa nila ang kalokohan ni Kuya.

"Mom?"

Did she hear about what's going on in the house? Baka may nagsumbong na kasambahay. What do I tell Mom if she asks? Never pa naman akong napagalitan.

"Elodie, darling" Kahit ilang taon ng naninirahan sa Pilipinas ay hindi pa rin nawawala ang accent niya. Napangiti na lamang ako.

My brother and I have always been closer to our mother. Marahil dahil through the years, siya na ang parang tumayong ina at ama namin ni Kuya. She has always been the only one who attended our school events. Minsan pa, pag nagkakasabay, she makes sure she's on both events kahit na mahirap.

Stuck In RemissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon