Patay na patay
Magkatabi kami ngayon sa sala ng bahay nila. Hindi pa kami nakakapagusap ng maayos tungkol sa mga nangyari noon pero alam kong nagkaintindihan na ang mga puso namin sa wakas.
Hindi pa niya sinasabing mahal niya ako pero sa mga kilos at sinabi niya kahapon ay sigurado ako. Mahal niya ako!
Nagkasundo kaming magstay muna kahapon sa beach resort na pinuntahan namin at ngayon kami pupunta sa kanila. Sabi niya ay may bahay pa rin sila sa Bicol pero lahat sila ay nagiistay ngayon sa bahay nila sa Marikina. Gusto daw niyang nandoon lang siya kung sakaling babalik ako.
"Dominic! Ikaw talagang lintik ka! Di ka nagpapasabi. Sana'y nakapaghanda kami di ba? Dayana! Tawagin mo ang tatay mo sa likod! Ayaw na namang tantanan yung mga halaman doon." Nagmano na lamang si Diyo sa nanay niya at nangingiting tinignan ang kapatid na nakasimangot.
"Nay, biglaan nga ho kasi. Saka may kasama mo ako." Hinila niya ang ina palabas ng kusina.
"Ay naku! Kasama mo si Katherine? Nakakahiya naman at hindi ako nakapaghanda!" Nakita ko ang pagmamadali niya palabas ng kusina at nagulat ng makita ako. May katabaan ang nanay niya na halos kasing tangkad ko. Kamukhang kamukha siya ni Diyo kaya sigurado akong maganda siya nang kabataan niya.
Nagulat man sa pagaakalang si Katherine ang kasama niya ay naghanda ako ng isang ngiti. Mamaya ka sa akin Olivares!
"Magandang umaga po." Tabingi ang ngiting ibinigay niya sa akin. Kabaliktaran niya ang nanay niya. Napakatransparent ng nanay niya. Halata ang hiya sa maling pagiisip. Pero nakakaaliw siya, mukhang mabait.
"Magandang umaga rin sa iyo hija. Katrabaho ka ba ng anak ko?" May mas magaan ng ngiti sa kanyang mga labi ngayon.
"Ahm.." Hindi ko siya masagot. Nanghihingi ng tulong na tinignan ko ang nangingiting si Diyo.
"Nay, siya po si Athena." Simpleng pagpapakilala niya sa akin. Namilog ang mga mata ng nanay niya. Tila tuwang tuwa na nilapitan niya ako. Naguguluhan ako sa ikinilos ng nanay niya.
"Ay! Ikaw na pala iyan? Naku nag-iba ang hitsura mo anak. Mas gumanda ka kaysa sa mga pictures na ipinakita sa akin ni Dominic." Nakita ko ang biglang pagpula ng mukha ni Diyo sa sinabi ng ina. Halata ang hiya sa mukha na iniiwas niya ang paningin sa akin.
Sa pagkakaalala ko ay hindi kami nagkaroon ng litrato ni Diyo dati. Pano siya nagkaroon ng pictures ko?
"Salamat po Mrs. Olivares." Sambit ko. Mukhang dumadami ang ipapaliwanag sa akin ni Dominic!
"Tita na lang hija, o kung gusto mo ay pwede na ring nanay. Aba sa wakas pala ay natupad rin ang pagsintang pururot ni Nico sa iyo." Inakbayan ako ng nanay niya at iginiya papasok sa kusina. Natatawang sumama ako sa kanya. "Alam mo ba Athena, tawag ng tawag iyan sa akin dati. Inis na inis kuno sa pagsulpot mo. Pero wala namang bukang bibig kundi ang pangalan mo." Humalakhak pa siya.
"Nay!" Reklamo ng halos mangamatis ng si Diyo.
"Bakit? Di ba totoo? Nakuryoso ako sa sobrang pagkahumaling ng anak ko sa iyo kaya pinapadala ko sa kanya ang iyon litrato. Teka. Dati pa man ay hirap na ako sa ganito eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa suot na bestida. "Dayana! Halika nga rito at hanapin mo yung litrato ni Athena!" Pumasok rin sa kusina ang nakangising si Dayana.
"Hello Ate Athena. Wag na diyan nay. Kumuha ako ng kopya! Pangblackmail ko dati kay kuya to eh!" Ipinakita niya sa akin mula sa gallery ng phone niya ang ilang kuha ko. Tatlo ang mga iyon.
Isa sa mga iyon ay nung grad ball. Nasa may buffet ako at nanginginain ng shanghai.
Mayroon din sa may tambayan. Yung mesa namin na lagi naming pinupuntahan pag free cut namin. Nakatuon ang mga mata ko sa libro habang nakanguso bilang pangsalo ng ballpen ko. Namula ako. Ang pangit ko dun eh!
Ang pangatlo ay nakasakay ako sa baby ducati ko. Marahil ay kakatanggal ko lang sa helmet ko. Nililipad ng hangin ang buhok ko habang nakaupo sa motor. In fairness ah! Ang hot ko tignan dito.
"Ginagaya ko pa ang style mo ate. Ang ganda ganda mong magbihis! Sabi ko kay kuya gusto ko rin ng motor eh! Pero ayaw niya akong bilhan. Sabi niya pag tapos na raw ako mag-aral." Napasimangot siya.
May tatlo akong ducati na motor sa bahay. Lahat ay nasa maganda pang kundisyon. Pinaalagaan ko iyon kina Mommy.
"Gusto mo ba iyang motor na gamit ko sa picture?" Tanong ko sa kanya.
"Athena." Narinig ko ang boses ni Diyo sa tabi ko. May pagbabanta sa boses niya. Inirapan ko lang siya at tumingin muli sa mukha ni Dayana na nagniningning na ang mga mata.
"Tatlo ang ducati ko. Iyan ang pinakababy ko sa lahat pero kung gusto mo ay ipapadala ko rito. Pero tuturuan muna kita kung paano gamitin iyan. Iba ang gear ng Ducati sa simpleng motor. Nagpapractice ako lagi noon sa race track na niregalo sa akin ng Daddy ko. Gusto mo ba?" Nakanganga siya sa harap ko. Alanganing tumingin sa kuya niyang matalim ang tingin sa kanya.
"I am a licenced bike racer since I was 10 years old Diyo. Kayang kaya kong turuan ang kapatid mo don't worry. Hayaan mo siya sa mga gusto niyang gawin. That will make her very successful someday!" Mariing sabi ko sa kanya.
"I am starting to be afraid for our future kids. They'll be goddamn spoiled." Napapalatak niyang sabi. Namula ang mukha ko sa sinabi niya kaya naman napangisi siya. Inirapan ko siya kahit na nagiinit ang buong mukha ko.
"That means I will be your driving trainer Danaya." I smirked. Umiling na lamang siya.
"Tiklop pala itong panganay mo kay Athena Domingo!" Humagalpak ang nanay niya ng tawa.
"Aba'y ganoon talaga kapag mahal mo Herminia! Ikaw ba iyan Katherine?" May mapangasar na ngiti sa labi ng ama niya. Muling namutla si Diyo. Napangisi lalo ang ama niya. "Biro lang Athena. Wag kang mag-alala. Patay na patay iyang anak ko sa iyo." Nagtawanan silang lahat habang napapailing na lamang si Diyo at napangiti naman ako.
His mom and sister hugged me tight and asked me some more questions while we all had our lunch.
BINABASA MO ANG
My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]
RomansaHindi ako nagkaroon ng pangarap sa buhay ko dahil sa karangyaan na tinatamasa ko mula pa nang ipanganak ako. But when I met him? I had a lot of dreams. I dreamt of holding him, keeping him and loving him. But all he did is to push me away. But even...