Chapter 1: Henzo

2.1K 36 10
                                    

Ako pala si Chris Logan. 23 years old. Trabaho ko ay magbenta gamit online. T-shirts at mga accesories ng lalaki. Basta lahat panlalaki.

Napatingin ako sa oras ng relo ko. Alas-kwatro na pala...

Sigurado ako nandito na-

"Chris! Basketball? Ano!? Game ka?"


Sabi na. Nandito na ang kabarkada kong walang kupas sa pagdala sa kung ano-anong gagawin niya.


Basketball ang sport namin. Ang trip namin? Niya lang pala? Pagkatapos....

Sigurado ako inuman.

At ito ang paborito kong part. Bakit? Libre ko siyang nahahalay. Sa mata, sa isip at pwedeng sa gawa.

"Teka lang, magbibihis ako." Tugon ko at nagmadaling pinatay ang loptop at dumirecho sa kwarto ko.

Inanyayahan niya na rin ang sarili sa loob ng appartment ko.

Paghubad ko ng damit, napatingin ako sa salamin. Napaka-perfect looking Chris Logan. Pero sobrang nakakadismaya dahil may feelings ka sa kapwa mo lalaki...


Sa kababata at kabarkada mo pa...


Paano kasi, sobrang gwapo...


Maputi, flawless, may tang-ina super abs, ano pa...


Sikat sa babae...


Pati na sa beki...


At sa katulad kong nasa closet...


I'm gay, pero hindi ako crossdresser. Sakto lang na parang lalaki. Macho kumilos pero sa puso, lalaki gusto.


Matagal ko ng tinangap ang sitwasyon ko. The fact na naging ganito ako, dahil din sa kanya...


May weird siyang hobby 'pag lasing. Dun lang kami...


Kung dito siya matutulog sa appartment.


"Oy Chris, tagal mo diyan ah..."



Sabi niya na pumasok na pala sa kwarto ko. Sinuot ko na yung pang-basketball ko saka tumingin sa kanya.



Gwapo talaga...



Badtrip.



Tangos ng ilong at sobrang pungay ng mata...


"Chris, nakatitig ka nanaman. Bakla ka ba?" Aniya at inakbayan ako na napangiti pa.



Tang-ina, dahil sayo kung bakit ako nagkakagan'to.

Tinulak ko lang siya at napahiga siya sa kama. Umangat lang 'yung t-shirt niya konti. Memorize ko na 'yang katawang 'yan, pero hindi ko makuhang pagsawaan.

"Oho! Ikakama mo na ba ako? Lalantad ka na rin ba sa wakas? Umamin kana kasi Chris." Sabay tawa pa.


I'm sure na magagaya lang ako kay Migs, na lumantad sa aming magkakabarkada.


Kakamuyaan...


Ayokong mangyari 'yun sa 'kin...


At sa amin.


"Tigilan mo ko. Tara na."


Lumabas na ako ng kwarto.


Mabilis natapos ang laro...


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mag BarkadaWhere stories live. Discover now