Please, Choose Her... [OneShotStory]

459 26 9
                                    

♥♥♥

Sa buhay, naranasan mo na bang maipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong mamili?

At dalawa lang ang pagpipilian mo, It’s either ang kaligayahan mo o ang kaligayahan ng ibang tao.

Eh paano kung may inosenteng involved? Magiging selfish ka ba?

O ikaw na mismo ang magsasabi ng     “Please, Choose her…”

--------------

Tahimik na nakaupo lamang si Isabel, nandito siya ngayong hapon sa bench sa loob ng garden ng school nila, bakanteng oras niya ngayon at dito siya nagpapalipas ng oras. Nag-iisip ng tahimik, nagmumuni-muni. Tinatanong ang sarili kung ano nga ba ang mali? Dahil pakiramdam niya may mali, o pakiramdam lamang niya iyon.

Pangatlong beses na kasing ginawa ito sa kaniya ni Christian, ang boyfriend niya for almost 6 years. Monthsary kasi nila kagabi, at tulad ng nakagawian buwan-buwan ay nagcecelebrate sila kung saan-saan lang, ngunit kagabi, hindi na naman ito sumipot, kesyo dahilan eh may biglaang pinagawa ang papa nito.

Isang engineer si Christian at tumutulong na ito magpalakad ng Construction Business ng pamilya nito. Ahead ito sa kaniya ng dalawang taon, siya naman ay halos dalawang buwan na lang at gagraduate na rin. Nagsimula ang relasyon nila simula pa lamang second year ang huli at graduating naman si Christian noong High School pa lamang sila.

Simula noon hindi na sila nagkahiwalay, halos umiikot na ang mundo nila sa isat-isa. Kaya ngayon na dalawang buwan na lang gagraduate na rin siya sa College, naririnig nila sa mga magulang nila na magpapakasal na sila agad pagkatapos ng graduation niya. Na okay lang naman sa kanilang dalawa, sa pagkakaalam niya. Pero sa pagkakaupo niya ngayon sa garden at tahimik na nag-iisip, hindi naiwasang maisip niya ang mga pagbabago dito simula pa noong nakaraang mga buwan.

Bigla na lang kasi nagbago si Christian, lagi na itong parang nagmamadali pag kasama siya, madalas na rin itong hindi sumisipot sa mga tagpuan nila. Dumalang na rin ang pagtawag at text nito sa kaniya. Na labis niya namang dinadamdam.

Iba ang pakiramdam niya ngayon, iba ang nararamdaman niya.

For the past 6 years na magkasama sila wla siyang naging problema dito, He’s a good man, wag ng idagdag pa ang pagiging gwapo at matangkad nito, hindi nga iilang beses na may nakikipag-flirt dito kahit pa kasama siya, pero never nitong pinatulan.

Nakakaramdam siya ng takot ngayon, dalawang buwan na lang gagraduate na siya, at alam niyang pagkatapos ng graduation niya, dalawang buwan lamang at magpapakasal na sila ayon sa plano ng mga magulang nila. Hindi niya siguro kakayanin kung magkakaroon ng problema, Sobrang mahal na mahal niya ito na hindi niya kakayaning mawala ito.

“Sabi ko na nga ba at nandito ka lang!” narinig niyang wika ni Kaye na palapit sa kaniya, pinsan ito ni Christian, batch at bestfriend niya since elementary, masasabing ito ang dahilan at naging sila ni Christian.

“Oi…Bakit ka nandito?” sagot niya dito ng lumingon.

“Hay naku! Syempre hinahanap ka… Kanina pa kaya kita hinahanap! Tara mall tayo!” wika nito sa masiglang tinig.

“Naku wala ako sa mood ngayon Kaye.” Wika niya sa malungkot pa ring tinig.

“Asus! Problema na naman kay Christian! Tara akong bahala sa iyo! Hanapin natin!”

“Ha? Saan naman natin hahanapin?”

“Ako ang bahala tara na!” wika nito at hinila na siya.

“Teka may klase pa ako!”

“Wala akong pakialam! Tara!” wika nito at tuluyan na siyang hinila.

Wala na siyang nagawa at sumama na lang dito, sadyang makulit talaga ito at pasaway. Kaya naman natuloy na silang lumakad. Nag-ikot lang naman sila sa Mall at naghanap ng mabibili.

Please, Choose Her... [OneShotStory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon