May Kwento Ako

818 37 2
                                    

Mark's POV

"Hey Mark samahan na lang kita sa room ni Maam Reyes" malanding sabi sa akin ni Rina at kumapit siya sa braso ko at ako naman bitbit bitbit ko ang mga libro na pinapadala ni Maam Reyes sa akin sa katabing room.

"Break na tayo"simple kong sabi sa kanya at dahil dun ay nabitawan niya ang braso ko.Tss ginawa ko lang naman siyang girlfriend at saktan emotionally dahil sinasaktan nila si Hancel physically.Nabubully kasi si Hancel dahil sa tingin nila na weird ito dahil hindi ito palasalita.

"You are joking,right?" tanong niya sa akin at makikita mo sa gilid ng mata niya na paiyak na ito.

"Nah I'm serious" sabi ko at nagsimula na uleng maglakad papunta sa room nina Hancel.Napangiti ako tuwing naalala ko nung nagsimula akong nagkagusto sa kanya.

Flashback

"Akin na tong baon mo ha" sabi ng isang mataba at may nakapalibot rin sa kanya na mga bully rin.Ako ang lagging nabubully dahil di ko kayang lumaban natatakot ako sa kanila dahil marami sila. Wala naman akong nagawa kundi umiyak dahil wala akong kakainin.

"Tigilan niyo siya" suway ni Hancel sa kanila nagulat naman kami dahil bihira lang toh magsasalita.

"At bakit naming un gagawin ha?" asar na sabi nung mataba at hinawakan si Hancel sa kwelyo.

"Dahil sinabi ko" pagkatapos nun ay siniko niya ang lalaking mataba at dahil dun ay natumba ang batang mataba"at kung hindi kayo titigil ay isusumbong ko kayo kay maam" sabi niya at kinuha niya ang baon ko pagkatapos ay hinila niya na ako papalayo dun.

"Ito ohh sa susunod wag ka ng magpapa-api ha" sabi niya tapos ngumiti at dun nagsimula ang paghanga ko sa kanya at habang tumatagal ay nahuhulog na ako sa kanya ng hindi ko namamalayan.

Flashback ends

Hindi ko lang alam na naalala niya pa rin ako

"MARK GUEVERA ANG PANGALAN NG CRUSH KO"rinig ko ng pagkapasok na pagkapasok ko sa room nina hancel at dahil dun ay napangiti ako.

"Soo crush mo ako" sabi ko hindi niya ako nakikita dahil nasa likod niya ako.

"M-mark" utal niyang sabi ng napalingon siya sa akin.napangisi nakangisi ako dahil sa nalaman ko akala ko hindi na niya ako mapapansin.

"Totoo ba yun?" tanong ko sa kanya ng hindi na katingin sa kanya habang siya naman ay nakayuko.

"Di kita crush,hindi totoo yun wala lang akong maisip na pangalan at dahil kilala ka na mang playboy ditto edi ikaw yung nabanggit ko.Sige guys canteen lang ako"sabi niya at tumakbo palabas ng room.Dahil dun parang gumuho ang mundo ko hindi ko alam kung ano ang ginawa ko basta nalaman ko na lang nahinawakan ko ang kamay niya bago siya lumabas

"Gusto niyo ba makinig sa kwento ko?"tanong ko ng hindi binibitawan ang kamay niya "Naranasan kong magmahal sa isang babae nung kinder pa ako.Alam niyo bang siya pa ang nagligtas sa akin kahit nerd ako nun" at ngumiti ako "Dahil rin dun nahulog ang loob ko natuto akong baguhin ang sarili ko para mapansin niya ako hanggang ngayon mahal ko pa rin siya pero ang tingin niya sa akin ay isang manloloko,ang hindi niya alam ay yun ung mga babae na umaaway sa kanya ang mga nagging Girlfriend ko" bumuntong hininga ako"At ngayon akala ko magkakaroon na ako ng pag-asa sa kanya dahil sa narinig ko pero akala lang pala talaga yun" tapos napayuko ako "Wala na ba talaga akong pag-asa?" mahinang sabi ko at pagkatapos nun ay binitawan ko na kamay niya.

Hindi siya sumagot at ako naman ay nagsimula ng maglakad palabas ng pinto buti na lang bago ako dumating ditto ay kinuha ni maam ang libro at pumunta Principal Office.Napansin kong hinabol niya ako at yinakap (backhug) dahil dun ay napatigil ako sa paglalakad at sinubukang tanggalin ang kamay niya pero bago yun ay nagsalita na siya "Gusto mo rin bang makarinig ng kwento?" tanong niya di na nya ako pinasagot"Ngayong araw na toh nagkaroon ako ng pagkakamali dahil di ko naamin sa lalaking mahal ko na mahal ko siya" kwento niya at dahil dun ay nakaramdam akong inis dahil may mahal na siyang iba kaya sinubukan ko naman tanggalin ang kamay niya"Siya ang lalaki na yinakap ko ngayon" at dahil dun ay napahinto ako sa pagkalas ng kamay niya,ramdam kong ngumiti siya"alam mo bang ang lalaking yun ay matagal ko ng mahal" sabi niya ng nakangiti at dahil dun ay hinarap ko siya

"OO di kita Crush dahil Mahal kita" pagpapatuloy niya

*****

May Kwento ako (POV ni Mark),Di Kita Crush (POV ni Hancel)

May Kwento AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon