Chapter 11

6.1K 117 14
                                    

(Revised Version of Chapter 11)

CHAPTER 11

"Journstreii ?!" gulat na sabi ng matandang lalaki samin ng makarating kami sa kaharian.

"Journstreii, ikaw ba yan ?" tanong ulit niya habang dahan-dahang lumalapit samin.

"Ako nga, Ama." sagot ni Daddy.

Lumapit kami sakanya.

"Eto na ba si Moullsivairia ?" pagtutukoy niya sakin.

"Opo, Ama."

"Maligayang pagbabalik, kamahalan." sabi ng matanda sakin at nagbow.

Ganun din ang ginawa ng lahat ng bampira sa paligid ko.

Kahit si Daddy ay nagbow sakin.

Ano bang nangyayari ? Hindi ko maintindihan.

"Ipagpaumanhin, kamahalan at masyado pa kayong naguguluhan. Halika't sumunod kayo sakin." sabi ng matanda. Sumunod naman ako sa kanya at lumakad sa mahabang pasilyo ng kaharian.

"Sino po ba kayo ?"tanong ko sa matanda habang nakasunod sakanya.

Tumigil siya at humarap saakin.

Nagbow nanaman siya sakin bago magsalita.

" Ako si Dreimfaull Detroh Choidnick. Ang inyong lolo, kamahalan."

Lolo ko siya ?

"Kung lolo ko po kayo, bakit pati po kayo ay mataas ang tingin sakin ? You even bowed at me many times."

"Dahil ikaw ang susunod na pinuno--"

"pero naging pinuno rin kayo ? Bakit si Ama hindi niyo naman ginanto ?"

"Dahil iba ka. Iba ka sa lahat ng magiging at naging pinuno."

"Paanong iba ? Hindi ko maintindihan." Naguguluhan na talaga ako.

"Isa kang Legendary Vampire, apo. Ang kauna-unahang Legendary Vampire. Maaaring hindi mo pa maintindihan sa ngayon pero tutulungan ka namin para maintindihan mo."

"Sumunod ka sakin at may ipapakita ako sayo." dagdag pa niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Huminto kami sa isang malaking pinto.

Pagpasok namin ay isa itong napakalaking opisina at may napakaraming libro.

May kinuha si Mr. Dreimfaull na libro sa may drawer ng lamesa niya.

"Libro mo ito. Nakatakda iyan para sayo. Nag-iisa lang iyan."sabi niya at ibinigay yung libro saakin.

Iyon yung librong ibinigay sakin ni Zeke bago ko pa malamang isa akong bampira.

Naalala kong nasa bahay iyon pero ngayon andito na ? Pano nangyari yun ?

"Buksan mo." sabi niya sakin.

Binuksan ko ito sa unang pahina.

Nakapagtataka at hindi sumakit ang ulo ko.

Nag-ilaw ang libro at kusa ng bumubuklat ang mga pahina.

Tumigil ito sa isang pahina na may nakadrawing na mga bampira, ibang klase yung mga bampira dahil iba ang mga itsura nila. Buhaghag ang mga buhok nila, sobrang haba ng mga kuko, maiitim ang mga mata, may mga pangil din at tumutulo ang mga laway nila. Pinapalibutan nila ang isang bampira na may pulang-pula na mga mata, sobrang mahahaba na kuko, mahabang pangil, at mukhang napakalakas niya. Nakakatakot.

"Ano pong ibigsabihin nito ?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ng mabuti ang drawing.

"Itong mga bampirang ito," tinuro naman niya yung mga bampira na may pangit na itsura.

"Sila ang mga Dreixo. Sila ang mga bampira na dating tao at kinagat ng mga bampira at kaya naging ganyan sila ay dahil hindi kinaya ng katawan nila ang venom ng bampira. At ito namang nakakatakot na nilalang na nasa gitna ay ang Legendary Vampire. Ikaw yan."

"Anong ipinapahiwatig nito ?"

"Ito ang panahon ng pag-usbong ng kauna-unahang Legendary Vampire at ngayon na iyon kaya ngayon na rin  ang panahon kung kailangan magsisilabasan ang mga Dreixo. Kaya ngayong nandito ka na ay delikado na ang buhay mo. Pero wag kang mag-alala, apo. Poprotektahan ka namin."

"Hindi po, Lolo. Hindi niyo ko kailangan protektahan. Nakatadhana akong makipaglaban at isalba ang angkan ng mga bampira kaya ako ang magpoprotekta sa inyo at sa buong angkan natin."sabi ko sakanya at niyakap siya.

" I-Ipagpaumanhin niyo po mga kamahalan...... Nilulusob po tayo ng mga ligaw na Dreixo...."tensyonado na sabi ng isang bampira na pumasok sa opisina.

"Hindi sila ligaw. Sinandya talaga nilang pumunta rito." sabi ko at dali-daling lumabas ng palasyo.

Nakita ko ang napakaraming bampira at Dreixo na naglalaban.

"Magsitigil kayo!" mahina at malamig kong sabi ngunit narinig naman nila at napatingin sakin.

"Napaka-agang pagdating mga kaibigan." sabi ko habang lumalakad dahan-dahan.

Naramdaman ko namang may susugot na Dreixo sa likuran ko kaya humarap ako sakanya at sinakal siya sa leeg gamit ang kanan kong kamay. Naging abo naman agad siya.

"May magtatangka pa bang lumaban ?"

"Babalik kami Moullsivairia at sa pagbabalik namin, sisiguraduhin naming kami na ang mamumuno sa buong kaharian." sabi ng isang Dreixo na may matinis na boses at umalis na sila.

Tinignan ko lang silang umalis.

*

"Lolo, pero babae ako. Babae ba talaga ang dapat maging pinakamakapangyarihan sa buong Vampire Clan ?" Kanina ko pa hinahabol at kinakausap ang lolo ko pero di niya ko kinakausap. Hindi na niya ko nirerespeto. TT3TT

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Oo, kamahalan. "

"Lolo. Bakit ganun ? Hindi ba pwedeng lalaki nalang?"kasi dapat lalaki diba? Kasi sa lahat ng napapanood ko puro lalaki yung malalakas maliban nalang kay Darna at Super B.

Napaharap siya sakin at magkadikit na ang mga kilay niya.

"Bakit, Moullsivairia ? Ayaw mo na bang maging Legendary Vampire? Sinusukuan mo na ba ang tadhana mo? " seryoso niyang tanong sakin.

"Uhmm...H-Hindi po."napatungo ako habang sinasabi iyon. Napakalaking responsibilidad nito. Kaya ko ba? 

Nakita ko lang kung gaano ka tapang at kalakas ang mga Dreixo na sumugod sa kaharian kanina, natatakot na ako. Natatakot ako na baka hindi ko maprotektahan ang buong angkan ko at ang kaharian.

" Kung ganon. Maaari ka ng bumalik sa kwarto mo."

Nakatungo akong naglakad palabas ng opisina ni Lolo.

Kaya ko bang protektahan ang buong kaharian? O mauuwi lang ang lahat ng ito sa karahasan at pagkabigo?

---

Sorry guys Sorry. Writer's block is scary. Grabe yung feeling na gusto mo ng magsulat pero walang pumapasok sa isip mo. Pero pinilit ko parin magsulat kahapon kaya sorry sa outcome.

Okay thanks guys. Don't forget to...

Comment, Vote and Be a Fan ! :)

She's dating a...Vampire?! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon