Devil # 36

2K 62 19
                                    

Chapter 36

//


After namin kumain ng lunch, nagpaalam muna ako sa kanila na magbabanyo lang ako kaya naman hinayaan na nila ako.


Habang naglalakad sa hallway, bigla akong hinarangan ni Daisy sa paglalakad ko. Biglang naalala ko tuloy 'yung masasama niyang tingin sakin kanina sa cafeteria. " Ba-bakit? " nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi ko pinahahalata na natatakot ako sa kaniya.

Natatakot ako dahil ex siya ni Adrian. Natatakot ako dahil maimpluwensya siya sa school. Natatakot ako dahil nasaktan na niya ako noon, siguradong pwede padin niya akong api-apihin ngayon.

" Oh please! Wag ka na magkunwari. Mang-aagaw! " sigaw niya sakin. Hindi ko kailangan matakot sabi ko sa sarili ko. Si Daisy lang siya at ako ang mahal ni Adrian. Kailangan kong kayanin kung ano man ang gusto niyang palabasin.

" Hi-hindi ako mang-aagaw. " mahinahon na sabi ko sa kaniya. Ayokong sumigaw dahil wala akong panahon para awayin siya. Nagdirediretso na lang ako sa paglalakad at hindi ko na siya pinakinggan dahil kailangan ko na talaga pumuntang banyo. Hindi ko na kayang magpigil. Kailangan ko na talaga mag-urinate.

" Stop! " sabay hablot niya sa buhok ko. " Wag kang tumakas! "

" Please, tama na. " sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang pagkakahawak niya sa buhok ko. " Ayoko ng gulo. "

Binigyan niya ako ng matatalim na tingin, " Ayaw mo ng gulo pero inagaw mo si Adrian. Akala ko matalino ka, edi sana hindi mo na kinuha sakin si Adrian. "

Hindi ako matalino kaya nga nasa section C ako. Hindi din ako matalino kaya minahal ko si Adrian kahit na alam kong pwedeng magkagulo-gulo ang nananahimik kong buhay. " Tama na Daisy. " pamimilit ko sa kaniya dahil naiinis na ako sa kaniya dahil nga nababanyo na talaga ako.

" Layuan mo na si Adrian, Eunice! " sigaw na naman sakin ni Daisy. Hindi na ako nakapagpigil sa sobrang inis kaya naman nabigla ako at nasampal ko siya. Saktong dumating naman sina Adrian.

" Anong nangyayari dito? " tanong ni Adrian sabay hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at inilayo kay Daisy.

" Hindi mo ba nakita, Adrian? Sinampal ako ng babaeng sinasabi mong mahal mo. " sagot ni Daisy sa kaniya.

Ako pa talaga ang pinalalabas niyang masama. Nakakainis siya. " Hindi ko sinasadya. Siya ang nauna. " pagtatanggol ko sa sarili ko.

" Don't listen to her, Adrian. She's lying. " sabi bigla ni Daisy. Ugh! Bahala na nga sila, kailangan ko na talaga pumuntang banyo at parang puputok na pantog ko.

" Wait! Eunice! " narinig kong sigaw ni Adrian pero nagdirediretso na lang ako.


--

Lalabas na sana ako sa cubicle ng marinig ko ang pangalan ko na pinag-uusapan ng babae na kakapasok lang siguro sa banyo.

" Narinig mo ba yung chismis ngayon sis? "

" Oo sis. Yung Eunice Chua ba 'yon? " tama nga ang narinig ko, ako nga ang pinag uusapan nila.

" Mang-aagaw daw 'yun. Kaya pala hindi na binalikan ni Adrian si Daisy. " hindi kasi nila alam ang tunay na pangyayari at hindi ko alam kung anong nangyari sa relasyon ni Adrian at Daisy kaya sana naman wag nila ako sisihin.

" Yuck. Mang-aagaw. Tapos si Prince Devil pa. Ang panget daw nun e. "


And so on na ang pag-uusap nila. Ang kikitid naman ng utak nila, naniniwala sila sa mga sabi-sabi. Tss. Matagal tabal din akong nastuck sa banyo dahil sa pakikinig ko sa mga chismosa na 'yon. Nang makalabas lang sila ng banyo tsaka ako lumabas.

Agad ko din namang tinanggal sa isipan ko 'yung mga narinig ko kanina. I don't need to listen to them dahil alam ko na ako ang nasa tama.

" Eunice! Buti naman at nakita na kita. " sabi ni Adrian na medyo hinihingal hingal pa.

" Sorry dahil sa nangyari kanina. " sabay nginitian ko na lang si Adrian kahit nasaktan talaga ako kanina.

" Hindi naman ako naniniwala kay Daisy. Sayo ako mas naniniwala. " sabay hawak niya sa kamay ko, " pero bakit ka ba nawala kanina? "

" A-ano kasi.. Sobrang nababanyo na ko. " paliwanag ko sa kaniya sabay natawa siya sa sinabi ko kahit hindi naman nakakatawa kaya tinitigan ko lang siya.

" Hindi ba 'yon joke? " tapos tumawa ulit siya. " Sorry. Nakakatawa kasi. "

Nginitian ko naman siya dahil kung iisipin ko ngayon 'yung ginawa ko kanina, nakakatawa nga.

" Tara na nga, hatid na kita sa susunod na klase mo. " sabi niya.

Tinitigan ko lang siya na parang hindi ako makapaniwala, ibang iba na talaga siya ngayon. " Can I? " tanong pa niya.

" Su-sure. " nauutal pa ako sa pagsagot ko sa kaniya at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Habang naglalakad kami, nakita ko na ang daming mata na nakatitig sa amin. Hindi lang basta titig, mga nanlilisik na titig. Biglang narinig ko na bumulong si Adrian sa tenga ko, " Hayaan mo sila. "


Tumigil ako bigla sa paglalakad kaya napatigil din tuloy siya. " Oh bakit? " tanong niya.

" Ano kasi.. sa-salamat. " sabay ngumiti siya at hinawakan ulit ang kamay ko. Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na lang ulit kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom ko humarap ako sa kaniya at tinitigan siya. " Bakit na naman? " sabay ngumiti na naman siya. Isang napakagwapong ngiti. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko katulad ng dati.

" Thank you talaga. Thank you at pinaniniwalaan mo ko. " tapos bigla ko siyang hinalikan sa cheeks at pumasok na sa classroom.


Ba-bakit ko siya hinalikan? Baka kung ano na isipin sakin ni Adrian! Ang bobo mo naman kasi Eunice. Pero actually, kinikilig ako.





--
Salamat sa pag-babasa.
Vote, comment. Follow me na din if you want.
Thank you ulit.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon