The 8th Deadly Sin [One-shot Fantasy/Spiritual]

24.4K 939 329
                                    

Sabi nila, may apat na klase daw ng araw sa buhay ng tao. Yung masaya, yung malungkot, yung sakto lang at yung put4ngina.Kung di mo pa nararanasan yung panghuli, ingat. Dahil baka bukas o sa isang araw , yun na pala yung klase ng araw mo. Dahil ang buhay ng tao, parang bibig lang yan ng mga manloloko. Puno ng bullsht.

Ako nga pala si Rino. Masayahin. Maraming kaibigan. May nakakaangat na buhay.Kahit siguro kayo, kung makikita niyo ko, di niyo aakalaing isa ako sa mga taong magpapakamatay ng ganto. Alam niyo ba kung bakit? Wag na. Di niyo rin naman maiintindihan.Pero dahil andito narin naman tayo, ikkwento ko na sa inyo ang naging buhay ko sa impyerno.

Oo. Sa impyerno.

Nagsimula lahat ng to nung nahuli ko yung bestfriend kong si Chit na nakapatong kay Kara. Sino si Kara? Wala lang. Yung girlfriend ko lang naman. Yung girlfriend ko na nag-iisang dahilan ko kung bakit ako nabubuhay. T4ngina nga e. Papakasalan ko na kasi yun tapos mahuhuli ko pang nakikipagpatungan sa iba. Ang mas masaklap pa, ngayon pa sa araw kong ‘put4ngina’.

Maghihiwalay na kasi yung parents ko dahil di naman ata nila minahal yung isa’t isa. Alam niyo yung gabi gabi nalang nag-aaway sila? Tingin ko nga napilitan lang magpakasal yung mga yun dahil takot silang tumandang mag-isa e.

Pero yung bullsht na yun, ayos pa sakin e. Kasi, alam ko namang dun rin papunta yung relasyon nila. Kaso kanina nung papasok ako ng school, na-hold up yung jeep na sinasakyan ko. Oo. Kung di ba naman malas tong araw na to. Sa dinami-dami ng jeep sa Pilipinas, yung sinasakyan ko pa talaga hinoldup ng mga gago.

Ang masaklap pa dun, binagsak ako ng prof ko dahil sa maraming absences ko. Ganon pala talaga pag may problema ka sa bahay no? Apektado lahat ng parte ng buhay mo. Kaya nga nagpunta ako dito sa condo ng girlfriend ko para gumaan yung pakiramdam ko. Tapos, tangina, eto lang makikita ko?

Narinig kong umungol si Kara na tinatawag yung pangalan ni Chit. Hindi ata nila napansin na dumating ako dahil busy sila masyado sa pagpapasarap sa isa’t isa.Nung oras na yun, wala na kong maramdaman. Parang sa sobrang saklap ng araw ko, namanhid nalang ako.Wala narin akong naaalalang iniisip nun. Basta ang sunod kong ginawa, umakyat ako sa pinakamataas na floor nung condo ni Kara tapos, tumalon ako.

Alam kong iniisip ng iba sa inyo na “Para yun lang?” o kaya "OA mo, bro."Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, di niyo maiintindihan.

Pagkabukas ko ng mata ko, nasa impyerno na ko. Ang kaibahan nga lang neto sa pagkakalam niyo, di mainit o nag-aapoy. Siguro dahil narin, halos 2000 na taon na nakalipas nung huling may nagsulat tungkol dito.

“Masaya ka na?” tumingin ako dun sa demonyo na nagsalita. Kulay pula siya na may hawak na manok na zombie. Basta, mukhang patay na pero gumagalaw pa. Siya ata yung demonyong kakambal ni San Pedro. May hawak din kasing manok sa langit yun diba?

Di ako makagalaw sa pagkakaupo ko kaya tinignan ko nalang yung paligid ko. Angas. High-tech sa impyerno. May malaking flatscreen kasi sa pader tapos parang may mga video ng nangyayari sa iba’t ibang parte ng impyerno. Naka-CCTV camera ata sila at di tulad sa NAIA, lahat gumagana. Ang mas malupet pa, lahat ng camera dito, HD. Angas diba?

Na-focus bigla yung screen dun sa isang video na may nakasulat na “Lust”. May isang lalaki at babaeng nakatali sa kama tapos parang pinagpye-pyestahan ng mga demonyo yung katawan nila. Hulaan niyo nalang kung anong ginagawa. Basta, kung may salita man para sa nakakakilabot, nakakabaliktad ng sikmura, madugo at dapuq. Yun na siguro yung matatawag ko dito. O kaya porn ng mga demonyo; kung porn nga matatawag dito.

Nalipat yung screen sa may nakasulat na “Sloth”. May nakaupo sa upuan na babae at lalake. Nung umpisa, napa-“wow, ang cute naman ng parusa nila” ako. Pero biglang nagfastforward yung video tapos, may dumating na demonyo. May dala siyang martilyo at malaking pako. Nagmakaawa yung dalawa pero tumawa lang yung demonyo tapos pinako yung paa nila sa sahig habang yung kamay naman nila, dun sa pader. Akala ko nun tapos na yung parusa nila pero binuhusan sila ng balde na may malalaking uuod nung demonyo. Nagfastforward ulit yung video. Yung dalawa kanina, wala ng kamay at paa. Kinain na ng malalaking uuod yung mga parte ng katawan nila na dati-rati, binabalewala at kinakatamaran lang nilang gamitin.

The 8th Deadly Sin [One-shot Fantasy/Spiritual]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon