Music 6 "Away ulet?"

16 2 0
                                    

Shane's POV

Dahil sa sobarang succesful ang nangyari hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napayakap ako sa kung sino.

Ang saya saya ko kasi kami ang nanalo 1st place kame! Yung zinc 2nd place.

"Wooo ang saya grabeeeeeeee" sigaw ko sa sobrang tuwa habang di parin inaalis ang pagkakayakap ko sa kung sino man.

"Ouch di ako makahinga! Wag naman masyadong mahigpit yang yakap mo sakin!" Napatigil ako sa pagsasaya at putek ngayon ko lang narealize na si demonyo pala ang nayakap ko.

Di ko nalang sya pinansin sa halip tumakbo ako kela mama at papa at niyakap ko sila ng napakahigpit. Ang saya saya ko talaga kasi ilalaban kami sa ibang music school.

"Grabe ka makayakap dun sa kapartner mo ate!"

Kinotongan ko nga si raven. Nakababata kong kapatid

"Aray ate bat mo ko kinutusan?!" Inis na tanong nya

Nakuu kang bata ka baka mapagalitan pa ko nika mama.

"Wag ka na kasing makulit!" Sabi ko sabay yakap kay raven. Ang saya ko marami nanaman akong chocolates na maiuuwi tsaka syempre pera worth of 20,000php. Yung mga sumali alam kong di nila kailangan yun kasi napakayaman na nila. E ako napakamalaking halaga na sakin tong perang napanalunan ko. Basta ang dami kong premyo

"Ate kanina mo pa ko niyayakap! Di na ko makahinga!" Ay oo nga pala yakap yakap ko nga pala tong kumag na to haha!

Tumigil ako sa pagkakayakap sa kanya. Napansin ko naman si demonyo kasama yung girlfriend nya. Parang nag aaway yata sila? Pero bakit? Pake elam ko ba dun?! Basta ako magsasaya wala na kong kinalaman sa pag aaway nila.

-----------------

Naglakad muna ako papuntang room ko para kunin yung mga gamit na naiwan ko. Natutuwa nga ako kasi kada may makakakita sakin binabati nila ako.

"Congrats shane!" Nakasalubong ko si sir kevin

Kyaaaaahhhh kinikilig ako >________< ! Ngumiti ako ng pagkalapad lapad at sinabing "thank you po sir!"

Ang gwapo talaga ni sir kevin putek na yan! Kaya crush na crush ko sya eh! Bata pa naman si sir kevin no 3 years lang tanda nya sakin. So, he is 19 yearsOld.

"Tara treat kita, tutal nanalo ka"

Wait ano daw? Ide-date nya ko este ite-treat nya ko? Tama ba pagkakarinig ko? Nako baka maihi na ko sa sobrang kilig ko xD matanong nga sya ulit para sure.

"A-ano po?" Kunwari di ko narinig haha.

" sabi ko ite-treat kita! Tara na nga!" Di na ko nakapagsalita kasi bigla nya nalang akong hinatak.

Nu bayan kinikilig ako. > ///////// <

------------------

Liam's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit sakin ng girlfriend ko. Ano ng gagawin ko? Parang hindi ko naman kaya na mawala sya sakin.

"Audrey sorry na naman kung may ginawa ako" pagmamakaawa ko sabay yuko sa harap nya

"Ewan ko liam! Hindi ko alam kung bakit ponagseselosan ko yung babaeng yun!" Nangiti naman ako sa sinabi nya

"Bat ka naman nakangiti dyan?" Medyo inis na sabi ni audrey

"Sorry, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko eh! Mahal na mahal kita kaya sana magtiwala ka sakin" tapos hinawakan ko yung cheeks nya pababa sa chin then i kissed her.

"Sige magtitiwala ako sayo liam. I love you too" nakangiti nyang sabi tapos niyakap nya ko ng sobrang higpit, kaya niayakap ko din sya. Then i kissed her forehead.

-----------------------------

@school

Hindi ako papayag na hondi makaganti sa babaeng yun! Ng dahil sa kanya muntik na kaming mag break ng girlfriend ko. Yari ka sakin SHANE DEGUZMAN!

Nauna na ko dito sa room. Maaga akong pumasok dahil alam kong maaga pumapasok yung babaeng yun.

Shane's POV

Maaga akong pumasok ng school. Nami-miss ko na nga si amie eh. 3days na syang di pumapasok. May sakit daw eh. Mamaya pupuntahan ko sa bahay nila yun.

Papasok na sana ako ng room ng biglang may humatak sakin.

Si demonyo.

"Hooy bitiwan mo ko---aray ang sakit!" Reklamo ko. Lalo nya kasing hinigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko eh. "Ano ba nasasaktan ako---ouch!"

Hinatak nya ko papasok ng vacant room. Tapos dun nya nalang ako binitawan.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! ANG AGA AGA NANINIRA KA NG ARAW!" Sigaw kong sabi

"Alam mo ba nangyari kagabi samin girlfriend ko ha?!" Inis na tanong nya sakin.

"HINDI KO ALAM AT WALA AKONG PAKE ELAM!" Sigaw ko ulit

"Muntikan na kaming magbreak ng girlfriend ko ng dahil sayo!" Napahinto ako sa sinabi nya

"Nang dahil sakin?" Pagtataka kong tanong sa kanya

" Oo! Bakit mo ba ko iyakap kagabi ha?! May gusto ka ba sakin?! Kung sabagay di na malabong mangyari yun!" Inis na sabi nya

p^ta anu nanaman ba tong kalokohang iniisip nya?!

Ngumiti muna ako ng pilit " ang kapal naman ng mukha mo. Kaya ko ginawa yon dahil sa sobrang saya ko. Hindi ko nga alam na ikaw na yung yakap ko eh! Kala ko ibang tao! E kung alam ko lang na ikaw yun edi sana tumigil na ko sa pagkakayakap eh---------"

"Pero hindi ka tumigil!" Pagputol nya sa sasabihin ko.

" e hindi ko nga alam na ikaw yun diba?! Ang kulit mo!" Inis na sabi ko tapos aakmang lalabas na sana ako ng bigla nya kong hinatak kaya napasandal ako sa pader. Ipinatong nya yung dalawa nyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko.

"Anong problema mo?!" Akala yata nito maiilang ako sa kanya eh.

Hinaplos nya yung pisngi ko pababa sa chin ko tapos ilalapit nya na yung labi nya sakin.

Ayan na~ *pikit mata* pikit mata*

" kapag na-inlove ka sakin, talo ka~" napadilat ako sa binulong nya sakin. Tinignan nya lang ako ulit at umalis na.

Tsk! Kapal ng mukha mo liam miller! Hindi ako mai-inlove sa isang katulad mong lalake.

Nakakainis na araw naman to oh! Anu ba?! Bwisit na buhay to oh! Bat ko ba nakilala yung bwisit na demonyong yun?! Asaaaaarrrrrr

--------------------

Uugggghhh nakakainis palagi nalang silang nag aaway. Anong gagawin nila?

Sundaaaan~~~

Music Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon