Dumating na ko sa bahay namin... binagsak ko pa yung pinto pag pasok ko sa sobrang inis. Bakit ko pa kasi siya nakasabay? Nasira lang tuloy araw ko... sinalubong ako ni mommy.
“Oh anak... gusto mo bang mag merienda?”
“di na po mommy, ayos lang...” wala akong gana, isa pa bumabalik nanaman yung inis ko sa kanila. Paakyat na sana ako sa kwarto pero tinawag niya ako.
“Denise anak, mag usap muna tayo saglit...”
Umupo na lang ako sa couch. Bahala na kung anong sasabihin niya... di parin maaalis yung fact na para nila akong binenta sa ibang tao.
“Anak... sana mapatawad mo kami ng daddy mo. Hindi naman sa hindi ka namin mahal kaya pumayag kami ipakasal ka.... para sayo rin naman tong ginagawa namin...”
“pero kayo yung mas nag be-benifit! Anong para sakin? Anong magagawa nito sakin?? Mommy... ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko naman mahal!”
Hindi na nakapagsalita si mommy... iniwan ko na siya tapos umakyat na ko sa kwarto. Wala pa pala si daddy... hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si mommy.
Pumasok ako ng cr tapos naligo... nagtagal ako kasi ayokong magpakita kay mommy. Maya maya nagbihis na ko... balak ko pa nga sanang hindi na kumain... pagtingin ko sa oras 10 oclock na... usually kasi ang uwi ni daddy 11, si mommy naman 7... bumaba na lang ako para tignan kung may makakain, pero imbis na pagkain ang makikita ko sa kusina.... si mommy...
“MOMMY?!!!???!!”
Si mommy nakahiga sa kusina. Wala siyang malay... namumutla siya, kaya pala ang tamlay niya kanina nung kausap ko siya.... mommy naman bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka pala?? Kinuha ko yung phone tapos dinial yung company ni daddy. Nanginginig ako... di ko alam kung anong gagawin ko!!! Wala paring sumasagot sa tawag ko, daddy nasan ka na ba?!?!
Wala naman kaming kapit bahay para mahingian ng tulong... malayo pa dito yung kabilang bahay kasi nasa isang private village kami. Ayokong iwan si mommy.... nanginginig talaga ako sa takot..... kinuha ko na lang yung phone ko ng hindi ko namamalayan... tapos nag dial ng random number para humingi ng tulong...
On the phone....
“hello?”
“he...hello?”
“OH? Napatawag ka??”
“si...sino to?”
“HAH? Tanga ka ba?! Ikaw tumawag sakin tapos tatanungin mo ko kung sino ak---”
“Dustin...”
“ah... oh? Bakit?? Umiiyak ka ba??”
“Tulungan mo ako... si mommy....”
“Anong nangyari kay tita?!”
“nahimatay siya... di ko alam gagawin Dustin... tulungan mo ako T___T”
“Sige sige pupunta ako dyan!”
Binaba na niya yung phone. I was dumbfounded, hindi ko alam na siya pala yung natawagan ko of all people... akala ko mga high school friends ko yung makakasagot pero siya pa... si Dustin pa.
After 15 minutes narinig ko na lang na may tumatawag sa kin sa labas ng bahay namin... lumabas ako kagad tapos nakita ko si Dustin. Pinuntahan namin si mommy tapos tumawag ng ambulance. Bakit hindi pumasok sa isip ko yun? Hindi ko rin naman kasi alam since sobrang nagpanick na talaga ako.... sasabihan nanaman siguro akong tanga nito. Oo this time tatanggapin ko kung ano mang sasabihin niya sakin...