Mag fo-four na, kaya nag decide na kaming umuwi. Ang sama sa pakiramdam, nag cut ako para lang mag mall.... ano nang nangyayari sakin?
Nasa bus na kami... naka bili na ng mga damit tong nasa tabi ko. Ang arte arte niya, puro branded pa mga binili. Tinignan ko siya... tulog. Kaya pala walang dumadakdak hehehe.
Pinagmasdan ko siyang matulog..... cute kahit labag sa kalooban. Pagod na pagod ata siya.
“ang taas taas ng energy mo kanina babagsak ka rin pala~” pi-noke ko yung noo niya. Tulog pa rin hahahaha
After an hour nakarating na kami sa Makati. Nagising na rin siya tapos umalis na kami ng bus.
“tara sa bahay niyo...” –dustin
“HA?! Anong bahay namin?!” –me
“duh?! Edi kung san ka nakatira... tanga...” –dustin
ABA! At pabulong pa yung tanga na sinabi nya... kala niya di ko narinig!! Pero wait! Bat naman siya pupunta sa bahay namin?! Porke ba asawa ko siya pwede siyang pumunta samin ng kahit anong oras??
“bat ba ang dami mong arte dyan!!! para kang baliw, kanina pa nag ma-make face, nakakahiya kang kasama!” –dustin
“ehhhhh bakit ka kasi pupunta samin?! Tsaka kung nahihiya kang kasama ako edi layuan mo ako!! duhh stupid! *pout*” –me
Ganti lang sa sinabi mong tanga! Grrrr
“tinext ako ng daddy mo... dalian mo nga! Putulin ko yang nguso mo eh” –dustin
“oo na oo na!!! T_T” –me
After 15 minutes nasa bahay na kami. Oo nga, sinalubong siya ni daddy, eh ako? hello daddy ako po anak niyo.
“Salamat naman dustin dumating ka.” –daddy
“Daddy bakit nyo ba pinapunta pa dito to?” –me
“Denise come here I’ll explain...” –daddy
Naupo kaming apat sa couch.... nako, parang ang seryoso ni daddy. Ano naman kaya sasabihin nya?
“nasa airport ngayon ang mommy mo.... at mamayang gabi aalis kami papuntang america.” –daddy
O____O <---- my reaction. Gulat? OVER PA.
“DADDY?! Anong pinagsasasabi mo?! Iiwan niyo ako?!” –me
“oo anak---” –daddy
“PERO BAKIT BIGLAAN?! Bakit hindi niyo man lang sinabi sakin?? Tapos mamayang gabi na kayo aalis??” –me
“kaya nga ako tinext ng daddy mo eh...” –dustin
Bigla na lang sumingit si Dustin... at ano namang alam niya?
“tama si dustin anak... kaya ko siya tinawag dito.”
Daddy you’re not serious are you? Don’t tell me...
“ako muna makakasama mo sa bahay niyo for 3 months” –dustin
“3 MONTHS?! bakit ganun katagal???” –me
Nakakagulat naman ang mga nangyayari. Bakit lagi na lang ako natutuliro?
“ang mommy mo kasi hinimatay nanaman kanina. Kailangan na namin siyang i pa check sa specialist...” –daddy
“bakit daddy wala bang specialist dito sa Pilipinas?!” –me