XVIII – His Mind
David Austria,
Professor/Journalist, 27
"Give it up, David. Gumagawa ka ng sarili mong ikakapahamak e." Pati desk officer namin, iniisip na hindi worth it ipaglaban ang ginagawa kong pag-iimbestiga.
Everyone in the newsroom thinks I've gone crazy and obsessed over Karmen Obando. Hindi lang kasi nila alam ang totoong iniisip ng babaeng 'yon. At sa bawat positibong interview sa sources namin, lahat 'yon kasinungalingan.
They don't understand because they're not a mind-reader!
Tinext ko si Sally na on the way na 'ko papunta sa kanila. I just want her to tell me everything that she remembers from the past. Simula kasi nang makausap ko 'yung misteryosong matanda, bigla ko na lang naalala ang lahat.
But I was not expecting to see the scenario when I got there.'Yung dalawang bodyguard na pinadala ni Yuan, nakahilata sa sahig. Napatakbo ako at agad na hinila ang isa sa kanila.
"Gising!" Napalakas yata ang pag-hila at pag-hawak ko sa kwelyo niya kaya ilang segundo lang ay minulat na rin niya ang mga mata. "Nasa'n si Sally? 'Di ba sabi ko bantayan niyo siya?! Anong nangyari dito?"
"S-sir?" Wala sa sarili niyang tanong.
Tumayo ako at napahawak sa ulo. Mukhang wala pa yatang maalala ang mga 'to.
"Sa pagkakatanda ko ho may customer siya kanina e,"
"Ano pa? Ano pang naaalala mo?"
"Pinainom kami ng alak nu'ng isang babae."
"At uminom naman kayo?" Sa sobrang panic, I almost forgot na nakakabasa nga pala ako ng isip. "Wait, don't move. Look at me." Tumingin naman siya sa'kin ng may pagtataka. "Try to recall what happened. Alalahanin mo 'yung mukha nu'ng customer na 'yon."
But it was no use. Bukod sa naka-shades 'yung babae, sobrang labo pa sa isip ng bodyguard na 'to 'yung mga pangyayari. There are no CCTVs around the area, so how exactly am I going to find trace?
"Sir, natatandaan ko may dumaan ho na isa pang lalaki dito, kaibigan daw ho ni Ma'am Sally."
"Eric." Bulong ko. He must have seen the strange woman with Sally. Dali-dali akong bumalik sa sasakyan at saka nagmaneho. I just have to go back to Isabelle's office again, at baka sakaling maabutan ko pa sila.
God, I just need their help.
Pag-liko ko sa kanto ay may napansin akong matandang naglalakad. Hininto ko ang sasakyan at huminto rin siya. Who knows kung siya din 'yung naka-salubong ko nu'ng isang araw?
"Magandang hapon ho, nay," Bati ko, ngunit nang lumingon siya, sigurado akong hindi siya ang matandang iyon.
"Magandang hapon din hijo, pakiwari ko hindi ka taga-dito."
"Ah, hindi nga po. May pinuntahan lang po ako. Kayo ho, pa-bayan po ba kayo? Pwede ko kayong isabay." Sagot ko.
"Hindi na. Diyan na lang naman ang sakayan." Nakangiti niyang sabi, at muling nagsalita, "May ipapasuyo lang sana ako."
"S-sige po nay, ano po 'yun?"
"Pwede mo bang puntahan 'yung apo ko? Pag lagpas mo ng bayan, kumanan ka sa unang kanto, tapos dere-deretso ka lang. May madadaanan kang tulay."
Nagtaka ako sa direksyong binibigay niya. Nakadaan na 'ko du'n, pero sa pagkakaalam ko ay wala namang tulay.
"Tapos deretso ka lang, makikita mo siya."
"Ano ho itsura ng apo niyo nay? Mga ilang taon ho?"
"Mga kasing edad mo rin. Pakisabi lang patawad, at mahal na mahal siya ng lola niya. Patawarin mo din sana ako." Yumuko siya ng bahagya at dumeretso na ng lakad. Gusto ko pa sana siyang tanungin at kausapin, pero importante sa'kin ngayon na makita si Eric at matunton kung nasa'n man si Sally.
Pagdating ko sa kantong sinasabi ni nanay, sinilip ko muna kung totoong may tulay. Nakapagtataka talagang tila nawala 'yung mga boutique sa gilid. Bakit parang lapitin ako ng engkanto ngayon?
Imbis na sundin 'yung direksyong sinabi niya, dumeretso ako at saka na lumiko pa-highway. Ngunit pareho lang ang daan.
"What the heck is happening?"
Inisip ko na lang, bahala na. Mukhang kailangan ko talagang puntahan 'yung apo niya. Pero sa lahat naman kasi ng araw, bakit ngayon pang nagmamadali ako? Binilisan ko na lang ang pagmamaneho hanggang sa makalagpas ako ng tulay at puro talahiban na lang ang nakikita ko.
Hanggang sa nakaka-amoy na 'ko ng usok. But strangely, I just can't stop driving. Papalapit ako sa sunog—papalapit ako sa bahay ampunan. Napapreno ako at tila may humila na lang sa'kin pababa. Sa totoo lang, hindi na halos ako makahinga. It was a very traumatic experience. Who, in his right mind, would want to see what almost killed him years ago?
Sa tapat ng nasusunog na orphanage, there's a guy standing still. Nakatalikod ito sa'kin. Malamang siya na 'yung sinasabing apo. Lumapit ako palapit, until the fire is suddenly gone. 'Yung tipong parang inimagine ko lang ang lahat.
"E-eric?" Nagulat na lang ako nang makitang si Eric pala ang naandito. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sabi ni lola, kapag binigyan ka ng pangalawang pagkakataong mabuhay, posibleng mabago ang buong pagkatao mo. Posibleng hindi ka na isang ordinaryong tao lang. Pero hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon. Hindi lahat, pinipili."
Napansin ko ang hawak na maliit na litrato. Putol ang kalahati ng mukha ng babae dahil sa sunog, ngunit kitang-kita ang mukha ni Eric nu'ng bata pa lamang siya.
"Sa dami ng sanggol na dumaan sa hilot ni lola, tayo lang daw ang nabuhay pa." Natutuluan na ng mga luha niya ang litrato. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Don't tell me isang manghihilot ang matandang nakasalubong ko kanina? And was I also almost a victim?
"Bakit? Anong dahilan para ipalaglag nila tayo?" I asked, still confused.
"Naisip ko lang, baka tayo kasi ang magpapaalala ng mga kasalanan nila. Kaya nga tayo itinapon sa ampunan, 'di ba?"
"Nakausap mo na ba siya? 'Yung lola mo?"
Tumango lamang siya. "Sinabihan din niya 'kong pupunta ka. May kailangan kang tulong."
"Si Sally. I think she was kidnapped."
BINABASA MO ANG
The Four People Who Read Minds
FantasíaKung ang pangingialam ng gamit o pag-alam ng sikreto ay invasion of privacy na, paano pa kaya basahin ang eksaktong nasa isip ng isang tao? Well, as if these four people have a choice. Since birth pa nagsimulang umingay ang kanilang mga paligid. At...