This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Synopsis
Euphie Collins is just an ordinary girl with a forgettable image and the clumsiest person you'll ever met, an orphan na kahit kailan ay hindi magiging maayos ang relasyon sa kaniyang madrasta while her so-called brother ay siyang may higit na puso upang iparamdam sa kaniya ang kalinga ng isang pamilya. Sa tingin niya'y hindi sapat ang kaniyang paghihirap upang marating ang lugar kung nasaan man siya ngayon, not everyone will appreciate her hidden beauty, not everyone will feel her pain, not everyone will understand her bereavement. But then he came, the guy with no directions in life, ang lalaking minsan ng nawalan, the guy who will never settle for less or even for enough, the guy who will own whatever he wants. Even the most unwanted girl in their university.
------
Sinuklay ko na ng sinuklay ang wig na gagamitin ko para sa event mamaya. Ilang oras na lang ang nalalabi pero hindi pa din ako tapos, bakit kasi ngayon lang dumating ang order ko? ang mahal- mahal na nga late pa, ubos ang ipon ko ng isang taon. Mangungutang na naman ako kay Kuya Reo.
"Euphie ba't ang tagal mo sa CR? Ihing- ihi na 'ko"- sigaw sa'kin ni mama, ako naman 'tong dali- daling lumabas ng CR at itinuloy ang pagsusuklay ng wig sa kwarto ko.
Pagkatapos kong suklayin ay agad ko nang kinuha ang plantsa at naglatag nalang ng kumot sa mini- desk ko syaka ako nag- plantsa.
Maya- maya pa'y bumukas ng pinto ng aking kwarto kaya't agad akong napalingon.
"Euphie, ba't dyan ka nagpa-plantsa? pwede mo naman kunin ang kabay doon sa baba"- May pagkaawa na sabi ni kuya, tama nga naman siya pero nagmamadali na kasi talaga ako
"Okay na 'ko dito kuya"- Kasabay non' ang mabilis na paggalaw ng kamay ko sa pagpa- plantsa
"Oh, sige, tutulungan nalang kita mamaya"- At walang ano- ano'y lumabas na ng kwarto si kuya, kaka-ligo ko lang pero pawis na pawis na agad ako, hay buhay.
Matapos kong plantashin ang susuotin ko ay agad ko na itong isinuot at nag- ayos ng mukha. 'Pag tingin ko sa salamin ay medyo nalungkot ako dahil kahit suot ko ang damit na ito ay hindi magiging katulad ng buhay niya ang buhay ko. Yuki Cross, kahit hindi siya tunay na anak ni Kaien ay labis- labis ang natatamasa niya, maliban nga lang sa mga pasakit ng vampires sa kaniya, well, I called it pasakit dahil I can really feel her pain but being a vampire is also good, kung mayroon nga lang talaga, papakagat na ako. Haha!
Inayos ko ng kaunti ang wig ko at isinuot na, ayan! complete!
Isinuot ko na din ang medyas at sapatos ko, at ang isa sa pinakamahal kong nabili, ang necklace. Grabe, napakaganda pala nito lalo na sa malapitan, ingat na ingat akong inilagay ito sa aking leeg pero ang hirap, kahit kailan talaga,. Kaya naman bumaba na ako para magpatulong kay Kuya Reo, tutal nag- offer siya ng tulong kanina.
Habang pababa ako ay rinig ko na ang boses ni kuya. Kala mo nasa kabilang baryo ang kausap niya.
Pinakinggan ko muna ang pakikipagusap niya sa telepono bago ko ipakabit ang kwintas na 'to sa leeg ko.
"HAHAHA! OO! BANTAYAN MO HA! SYAKA IPANALO MO NA DIN YUNG CONTEST!"- Halos maglupasay si kuya sa kakatawa kaya naman mas lalo akong na-curious
"Sige lang Ze, throw me your badass words, deal is a deal, and when the deal is already agreed by the members then, no one can break it!"- Taas noo naman siya ngayon kung magsalita, sabagay wala naman akong pakielam. Napatingin ako sa orasan, dalawang oras nalang at magsisimula na ang event. Malayo pa naman 'yung venue kaya kahit medyo bastos ay in-interrupt ko na si kuya at ang kausap niya sa telepono.
Sinenyasan ko si kuya at nagets niya naman agad 'yon kaya nagpaalam na siya sa kausap niya.
"Yes baby?"- As usual, napakasweet ni kuya sa akin, di man ako biniyayaang makilala ang tunay kong pamilya, atleast Kuya Reo is here to fulfill my needs, kahit ampon ako, pinaparamdam niyang mahalaga ako sa kaniya at hindi niya ako iiwan tulad ng ginawa sa akin ng mga tunay kong magulang.
"Pakabit naman kuya oh"- Sabay abot ko sa kaniya ng necklace
"Wow, ang ganda naman nito"- Sagot niya
"Ang mahal nga eh"- Reklamo ko but in the other side okay na din dahil napakaganda nito.
"Dapat sinabihan mo 'ko para nabilhan kita sa mas mura pero maganda pa din"- Tugon niya
Di na lang ako sumagot dahil mapapahaba pa ang paguusap namin, male- late na ako.
Nang mailagay na ni kuya ay tumakbo na ulit ako sa kwarto ko para kuhanin ang bag at iba pang dadalhin.
YOU ARE READING
Bad Boy's Obsession
Novela JuvenilThe clumsiest person and a forgettable one? Yes, she's Euphie Collins and believe it or not, she's the bad boy's obsession.