CHAPTER 16
Ang nakaraan sa chapter 15...
Mga beshie after ng work ko ay tumungo kami ni Clifford sa bar to unwind, syempre dahil stress kami sa work we need to relax ourselves di ba? Hinintay nga ako ni Clifford sa labas ng office ni Terrence at ang boss ko naman ay sadyang may pagka demonyo lang din talaga, pina over time nya lang naman ako ng dalawang oras. Imbes na 5 ng hapon ang out ko ay naging seven ng gabi, at ganun din kahaba ang oras na paghihintay ni Clifford sa labas ng office. Batid din ni Terrence na nasa labas si Clifford ng office na naghihintay sa akin, at ang namo kong boss ay wala manlang pake sa taong nag hihintay sa labas. Pero bago kami napadpad sa bar ay heto muna ang naganap.
VERBATIM
"hanggang kelan ba ako mag o-OT?" nababagot na tanong ko kay Terrence . Naka upo sya sa kanyang trono at nagbabasa ng magazine, at ako naman ay nakatunganga lang sa harap ng pc. Nag lalaro ako ng dota, yeah exactly may dota at LOL sa kanyang pc dahil sabi nya sa akin kanina ay nilalaro nya to kapag bagot sya. Pinayagan nya akong mag laro sa pc, di ko nga din alam kung bakit ehh di naman ako marunong nun. Nag refuse pa nga ako na ayaw ko maglaro dahil di ako maalam mag laro ng ganun pero sininghalan ba naman ako mga beshie, kaya heto I learn to play it, at mga beshie pina OT nya ako para lang maglaro ng dota. Nakaka stress na nga sya mga beshie, pina OT ako na wala manlang binigay na trabaho sa akin. Lakas din ng tama ni Terrence, at ni hindi nya ako pinapapagamit ng cellphone or telepono. Ang Cp ko mga beshie ay nasa table nya, at bawat pag call ni Clifford sa Cp ko ay sya ang sumasagot, at kung ano-ano ang mga pinagsasabi, kesyo madami pa akong trabaho, nag OT ako dahil deadline na ng mga paper works ko pero mga beshie ang lahat ng sinasabi nya ay kasinungalingan lamang. May time nga mga beshie na inaagaw ko ang phone ko sa kanya at ang nyeta pinag didilatan ako ng kanyang mata.
"sayo na yang cellphone na yan, iuwe mo!" pagkainis ko at syang balik ko sa harap ng table ko. Dahil sa hindi naman sya nakatingin sa akin o tinitignan ang ginagaw ako sa computer ay nagbukas ako ng aking fb at pasimpleng nag chat kay Clifford. Sabi ko ay mamayang seven ako lalabas dahil pina OT ako ng magaling at mabait naming boss. Reply naman ni Clifford sa akin ay na iintindihan nya at sa labas lang daw sya para maghintay. Feeling ko tuloy sa sarili ko ang ganda ko na, dahil sa may gwapong nag hihintay sa akin, ehihihi!
Nang napansin ng mabait kong boss na kay inam betlogan ang pag smile ko habang nag pipindot sa keyboard ay napatigil sya sa kanyang ginagawang pagbabasa at syang tayo nya sa kanyang kianuupuan para pumunta sa table ko, at ako naman ay dali-dali kong ni-log out ang fb ko at syang click ko ng close button ng google.
"anong ngini-ngiti mo dyan?" pagtataka nya.
"wala lang, bakit bawal ngumiti?" pag tataray ko sa kanya.
"mukha kang ibong na stroke sa pag ngiti mo.." saad nya sabay balik nya sa kanyang kinauupuan. Napanguya tuloy ako ng walang kinakain dahil sa ginigil nya na naman si ako.
Inilog-out ko na ang DOTA apps at syang tayo ko sa aking table.
"san ka pupunta?" tanong nya na titig na titig sa kachakahan ko.
"mag c-cr po boss, bakit sasama ka ba?"
Pinaikutan nya lang ako ng kanyang mata at syang balik nya sa kanyang pagbabasa. Grabe nga sya kung magbasa, subrang lapit sa kanyang mukha, pakiwari ko ay hindi naman sya near sighted. Lumapit ako ng bahagya sa kanyang table para kunin ang cp ko, at nang nakuha ko na yun ay nilagay ko sa bulsa ko ang phone ko. Aalis na sana ako nang nakita ng cute na mata ko ang cover ng magazine na kanyang binabasa. Kahit may dyaryo na nakatakip sa cover ng magazine na kanyang binabasa ay nakita ko parin ang cover na puro hubad na babae ang naka imprinta. Napahawak naman ako sa aking bibig nang nakita ko yun at napa sign of the cross pa ako. Kaya pala tahimik lang si boss at walang imik kase busy sya pagpapatigas, este sa pagbabasa ng kung ano-ano. Hahakbang na sana ako papunta sa CR ay natabig ko ang lagayan ng kanyang mga ballpen at nahulog yun sa sahig. Gulat na gulat pa nga ang gagu nang narinig nya ang pagbagsak ng mga ballpen sa sahig. Muntikan na nyang mabitawan ang hawak nyang magazine dahil sa pagkagulat. Gusto ko nga sanang matawa dahil sa itsura nya nang nagulat sya pero pinipigilan ko lang baka ma bugbog nya ako ng wala sa oras.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
UmorismoChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...